Matapos ang nakahihiyang insidente ilang linggong nakaraan, break na muna ako sa mga lalaki. Wala muna iyang love-love na iyan hangga't 'di ko pa nababawi ang pride ko. I cringe everytime I remember that horrible night.
"Ano ba, girl? Nagkakagulo na, nakaupo ka pa rin d'yan!" sabi ng kaibigan ko, si Alma.
Madali ko siyang nakagaanan ng loob, palakaibigan at masayahin kasi siya. Medyo magkalapit ang edad namin kumpara sa ibang guro dito, pero mas matanda pa rin siya ng limang taon sa akin.
"Ano bang mayroon at para kayong palakang naulanan?" walang ganang tanong ko.
"Dumating si Mr. Evangelista, 'yong anak ng may-ari nitong school!" Malawak ang pagkakangiti sa kaniyang labi. Ewan ko ba kung bakit ang hilig nito sa guwapo, may boyfriend naman na siya at pogi rin iyon.
"So? What's so special about him? Artista ba s'ya?" Hindi pa rin ako nagpakita ng interes kahit na halos tumalon siya sa sobrang excitement.
"Hindi, pero talo n'ya pa ang artista sa kaguwapuhan! Naku! Kaya pala hindi ka magka-boyfriend, ganyan ang attitude mo. Lagyan mo naman ng kaunting kalandian 'yang katawan mo!" Kinikilig na umalis si Alma. Siguradong sisilipin niya iyong lalaking tinutukoy niya.
Tumunog ang telepono sa tabi ko, kailangan ko raw pumunta sa principal's office. Nanalamin muna ako bago nagtungo roon. Pumasok ako sa silid ng principal nang marinig ko siyang nagsabi ng come in. Balewalang naglakad ako nang mapagsino ko ang bisita niya. Napawing bigla ang mga ngiti ko sa labi.
Nakaupo sa harapan ng principal ay ang lalaking ayaw ko nang makita kahit kailan. Si Greg. Pakiramdam ko lumindol ang paligid, buti na lang napigil ko ang sarili bago pa ako magkalat at magdulot ng kahihiyan.
"I know Greg is handsome, but I didn't expect you're going to swoon, Iha!" pabirong sabi ni Mr. Guzman, ang principal. Parang magulang na rin ang turing sa kaniya ng halos lahat ng guro dito. May edad na siya at malapit nang magretiro.
"Sorry, Sir. Napuyat lang ho ako kagabi," pagsisinungaling ko.
Nandito ba si Greg para magsampa ng reklamo? Although he seems clueless that I am working here. Sa katunayan, nagulat din siya nang makita ako pero mabilis na napagtakpan niya iyon.
"I'd like you to meet Greg Evangelista, the son of the school's owner. Greg, I'd like you to meet Sandy Guiterrez. She's the newest member of the faculty," pakilala sa akin ni Mr. Guzman.
"Pleasure to meet you, Sandy," sabi ni Greg.
Hindi rin siya nagpahalata kay Mr. Guzman na hindi ito ang una naming pagkikita. Inilahad niya ang kaniyang kamay kaya napilitan akong tanggapin iyon. Tumango lang ako dahil parang nalulon ko ang aking dila sa kabiglaan.
"As I was saying, Greg, she's a great addition to our staff. She's kind and very honest," pagmamalaki ni Mr. Guzman.
Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap kay Greg dahil sa tinuran niya. Napangiti na lang ako nang pilit.
"Yes, I can sense that she's honest. I don't think she's capable of lying," pagsang-ayon ni Greg habang sarkastiong nakatingin sa akin. Naalala niya siguro iyong ginawa kong pagsisinungaling para makalusot sa sitwasyon noong huli kaming nagkita.
"She's also trustworthy! She's our newly elected PTA treasurer," patuloy ni Mr. Guzman.
Kung puwede nga lang takpan ang bibig niya at sabihing tama na, kanina ko pa sana ginawa iyon. Pero wala akong magawa kung hindi ngumisi at palihim na lumunok.
"Oh, I'm sure we can sleep tight knowing that the PTA's fund is in good hands," saad ni Greg na nakangiti, iyong tinatawag na ngiting-aso.
"She looks prim and delicate. Would you agree, Greg? Hindi katulad ng mga dalaga ngayon na magagaslaw ang kilos."
D'yaske! May plano pa yatang maging matchmaker si Sir!
"Definitely, Mr. Guzman! She's a model of decorum!"
"Are you done assassinating my character, Mr. Evangelista?" At last, I found my voice. Nagngingitngit ang kalooban ko dahil alam ko naman na iba ang ibig niyang sabihin.
"Miss Guiterrez, what made you say that!" nagulat na sabi ni Mr. Guzman.
"Oh, please don't mind me, Mr. Guzman. Nalulunod ho kasi ako sa dami ng praises n'yo. Thank you na rin," pangangatwiran ko. "With due respect, Sir, bakit ho n'yo ako pinatawag? I need to go back to my table. May aasikasuhin pa ho kasi ako before the classes start."
"I just want to confirm about the event you're attending on behalf of the school. That's tonight, Miss Guiterrez. Are you still on?" tanong ni Mr. Guzman.
"Of course, Sir. Can I go now?" I am really in a hurry to get out of that room. Hindi ako makahinga!
"I'll take my leave too, Mr. Guzman. Sasabay na ako kay Sandy."
Kung maka-Sandy naman akala mo we're old friends! Nagpatiuna na ako sa paglalakad. Ayaw ko nang humaba pa ang pag-uusap namin ng lalaking ito!
"Hey!" tawag pansin ni Greg at hinawakan pa ang siko ko.
Wala akong nagawa kung hindi ang huminto at harapin siya. "What?" paangil na sabi ko.
"Whoa! Bakit ba ang sungit mo? Dapat nga mabait ka dahil ikaw ang may atraso sa akin."
"Mabait? Pagkatapos mong insultuhin ang buong pagkatao ko!"
"I apologize." Tila bukal sa loob ang paghingi niya ng paumanhin dahil itinutop pa niya sa dibdib ang kaniyang kanang kamay. "Hindi ko kasi maiwasang inisin ka dahil naaaliw akong panoorin ka."
Namula ako sa galit. "Mabuti naman at napasaya kita!"
"I just can't believe that you're a teacher." Iiling-iling siya habang nakangisi, iyong tabinging klase ng ngiti.
"Ano ba ang tingin mo sa aming mga guro?"
"Prim and proper." Nagkibit-balikat siya.
"That's because you're generalizing us. Tao rin kami at may iba-ibang pag-uugali."
"I know, but teachers should adhere to a certain standard."
Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Ibig niya bang sabihin hindi ako pasado sa kung ano mang standard na sinasabi niya? "Mr.Evangelista, I assure you that what happened in your unit was a one time indiscrimate act on my part. Pinagsisihan ko 'yon kaya p'wede ba kalimutan na natin?"
"Done! Forgotten! Zapped from my memory!" Nandoon pa rin ang nakalolokong ngiti niya.
"Thank you!" pauyam na sabi ko. Handa na akong talikuran siya nang magitla ako sa sumunod na sinabi niya.
"I'll see you tonight, Sandy."
"Tonight?" takang tanong ko.
"Yeah, tonight. We're hosting the dinner party. Don't you know?"
Napatda ako sa aking kinatatayuan. Ngayon lang tumanim sa isip ko na maaaring magkita kami mamayang gabi dahil sa kanila nga pala itong paaralan. Nakita ko siyang lumapit sa akin at huminto lamang nang ga-hibla na lang ang layo namin sa isa't isa. Nahigit ko ang aking hininga.
"Cheer up! It's not the end of the world yet. And I can assure you, it's going to be one interesting night," mahinang sabi niya.
Hinawakan niya ang baba ko at bahagyang itinulak pataas dahil napanganga ako sa kabiglaan. Tatawa-tawang iniwan ako sa ganoong ayos. Parang umaalingawngaw pa rin sa isip ko ang huling sinabi niya kahit wala na siya sa paningin ko.
Is it really going to be one interesting night?
BINABASA MO ANG
The Amulet of Love
HumorRomance I Humor Sandy and Greg have one thing in common, their miserable experiences in love. Both of them are heartbroken, but their similarities end there. She is eager to fall in love again while he is not. She believes in the power of the amul...