Chapter 7

1.1K 76 41
                                    


This night is turning into a huge disaster. Hindi pa nga ako nagtatagal, binastos na ako ng isa sa mga bisita. Pumunta ako sa veranda para magpahangin. Hindi ko alam na may sumunod na lalaki sa akin at ninakawan ako ng halik sa labi. Sa gulat, umigpaw ang kanang kamao ko at nasapol ko siya sa panga. Balak ko pa sana siyang sipain pero naalala ko na nakapalda nga pala ako.

Nasalubong ko si Greg pagbalik ko sa loob ng bahay.

"Is there something wrong?" tanong niya.

Umiling lang ako. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang aking sarili. I nervously glanced at the guy coming in from where I just entered.

"Did he make a pass at you?" He looks angry. Sabi niya he knew the guy's reputation. Mabilis daw ito pagdating sa babae. Kumuha siya ng isang kopita ng alak at inabot sa akin. "Drink this. H'wag kang aalis d'yan at babalikan kita."

Kinausap ni Greg iyong lalaking nambastos sa akin. Natanaw ko silang sabay na lumabas at makaraan ang ilang saglit ay nakita ko uli si Greg na naunang pumasok sa loob. Mayamaya, sumunod din iyong lalaking bastos. Kahit sa malayo, nakita ko na may pasa sa mukha ito.

Lumapit si Greg sa akin at tinunghayan ako. Hinagod niya ang buhok at saka inilagay ang kamay sa baywang niya. Huminga siya nang malalim at malakas na ibinuga iyon. "What should I do to you?"

"Do to me?" nalilitong sabi ko.

"Can you still stand? Are you drunk?"

"Me? Drunk?" Marahil nga lasing na ako dahil para akong tangang sumagot. Nasa tabi ko ang apat na kopita ng alak, sunud-sunod na nilagok ko iyon bukod pa sa ibinigay niya.

"Mabuti pa pumunta muna tayo sa kusina at ipagtitimpla kita ng kape."

Nanghihina ang tuhod na tumayo ako kaya mabilis na umalalay siya. Lalong nangatog ang tuhod ko nang lumapat ang katawan niya sa akin. Ramdam ko ang init na nagmumula sa kaniya. Naamoy ko rin ang cologne niya. Tumingala ako at saglit na nagtama ang mata namin. Kinakabahang umiwas ako ng tingin.

Nagtungo kami sa kusina. Homey ang itsura nito, hindi mukhang show room kahit na mamahalin at makabago ang disenyo. Halatang ito ang sentro ng aktibidad dito. Marami kasing kagamitang nakalagay sa ibabaw ng counter.

Pinaupo niya ako sa isang mataas na upuan. Pinanuod ko siya habang inihahanda niya ang gamit sa paggawa ng kape.

"Salamat, ha. Pero hindi mo kailangang gawin 'yon," sabi ko.

"You're an invited guest at my home. At ayokong may bumabastos o umiinsulto sa mga bisita namin." Tumitig siya sa akin. Mayamaya, sumilay ang pilyong ngiti niya.

"Anong nginingiti mo d'yan?"

"Wala. Naisip ko lang, you don't really need anybody to defend you."

"Ba't mo naman nasabi 'yon?"

"Lahat ng kilala kong babae, nanampal lang. Pero ikaw, solid 'yong suntok mo." Tumawa siya.

Umismid ako. "Ikaw ba naman magkaroon ng kapatid na puro lalaki."

"Lalaki lahat ng kapatid mo?"

Tumango lang ako. "Kaya marami akong natutunang kalokohan mula sa kanila."

Hinawakan niya ang namumulang kamay ko. "Nasaktan ka ba?"

May kakaibang init ang dumaloy sa katawan ko nang pabalik-balik na hinaplos niya iyon. Walang lumabas sa bibig ko nang tangkain kong magsalita. Umawang iyon at doon napako ang paningin ni Greg. Natahimik kami sandali. Pareho pa kaming napapitlag nang may nagsalita mula sa pinto.

"There you are, Greg! I have been looking for you, but I can see why you're busy," sabi ni Mrs. Evangelista, may himig panunudyo sa kaniyang tinig.

Nakita ko siya sa school no'ng minsang dumalaw siya kaya kilala ko ito. "Good evening ho, Mrs. Evangelista."

"Hmmm...not your usual kind of girl, Iho," sabi ni Mrs. Evanglista.

"Probably because I'm not one of his girls," nakangiting sagot ko.

"Don't mind my Mom, Sandy. Ganiyan lang talaga 'yan. Mom, she's Mr. Guzman's representative."

"Oh, so you're Sandy!" galak na saad niya.

"Yes, Ma'am. I'm glad that I've finally met you," nakangiting sabi ko. Inilahad ko ang palad at tinanggap niya naman.

"I'll borrow her for a while, Son. Kanina pa siya hinahanap ng staff sa ibang school. Don't worry I'll bring her back to you."

Matapos akong ipakilala sa iba pang staff ng school ay iginiya ako pabalik ni Mrs. Evangelista sa anak niya.

Lumabas kami ni Greg sa bahay at nagpasyang pumunta sa veranda. Masayang nakipagbiruan ako sa kaniya habang matamang nakatingin siya sa akin.

"Kailangan ko bang umiwas?" tanong ko.

"Umiwas saan?"

"Sa mga titig mo," pilyang sagot ko. "Ang deadly kasi."

Humagalpak siya ng tawa. Lumabas ang mapuputi niyang ngipin. "Kailangan mong itago."

Tumaas ang kilay ko. "Itago ang alin?"

"Ang ganda mo para hindi kita titigan."

Humagikgik ako. "Bolero ka rin, ano? Palagay ko maraming babae na ang nabihag sa pambobola mo."

Totoo kaya na maganda ako sa paningin niya? Hapit ang pang-itaas na bahagi ng damit na suot ko. Litaw rin ang balikat. Ang skirt naman ay layered na hanggang tuhod at yari sa manipis na tela. Feeling ko nga, ang seksi ko.

"Hindi kita binobola."

"Pero hindi mo itinanggi na marami kang nabola," iiling-iling na sabi ko.

"Palagay ko patas lang tayo dahil siguradong marami nagkakagusto sa 'yo. Buti pinayagan ka ng boyfriend mong pumuntang mag-isa rito?"

"Wala akong nobyo."

"Ever since?" tudyo niya.

"Hindi naman. I had three boyfriends, 'yong dalawa ay hindi seryoso, tumagal lang ng ilang linggo. 'Yong pangatlo, iniwan ako at ipinagpalit sa iba," kibit-balikat na kuwento ko.

"Sorry to hear that. Was it just recently? Matagal mo ba s'yang naging boyfriend?"

"Mga anim na buwan." Ikiniling ko ang aking ulo. "At matagal na 'yon, fourth year high school pa."

Napabulalas siya ng tawa. Mahina at may panghihinayang na sabi niya, "You're too naive for me."

"Ano 'ka mo?"

Tumayo siya nang tuwid at hinawakan ako sa siko. "Balik na tayo sa loob."

Parang biglang tumamlay ang pakikitungo niya sa akin nang pumasok kami sa bahay. Ganoon pa man, nasa tabi ko pa rin siya ng buong gabing iyon. Katunayan, hinatid niya ako sa bahay pero hanggang labas lang siya.

Akala ko may magandang namagitan sa aming dalawa kaya kinabukasan laging nasa tabi ko ang cell phone dahil nag-aabang ako ng tawag niya.

Natapos ang buong maghapon na wala akong narinig mula sa kaniya. Lumipas ang ilang linggo na wala pa rin akong natangap na tawag. Nakaramdam ako ng galit sa kaniya pero mas kinastigo ko ang sarili dahil naniwala ako na tatapunan ako ng pansin ng isang katulad niya.

Paasa lang pala ang lalaking iyon!

The Amulet of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon