Chapter 11

1K 65 23
                                    

Pagmulat ng mga mata ko kinabukasan, agad nanariwa sa aking alaala ang naganap sa amin ni Greg. Kinakapa ko ang aking sarili kung may pagsisisi ba. Ang hirap din kasing magsisi sa isang bagay na na-enjoy ko naman nang sobra-sobra. Kung mayroon man, siguro mas angkop ang salitang panghihinayang.

Gusto ko na kung magkaroon man ako ng isang intimate na relasyon sa isang lalaki ay maganap iyon sa gabi ng aming kasal. Siyempre, imposible nang mangyari ngayon iyon.

Bakit kaya siya nag-alok ng kasal? Nakonsensya kaya ang mokong? Hindi kapani-paniwalang in love siya sa akin. Attracted puwede pa.

"Anak, gising ka na ba? Bumangon ka na d'yan at baka mahuli ka sa trabaho mo." Naputol ang pagmuni-muni ko nang kumatok sa pinto si Mommy.

"Lalabas na po."

"Bilisan mong kumilos. Mamaya hindi ka na naman makapag-almusal n'yan."

"Maliligo na po muna ako bago mag-almusal." After last night, kailangan kong mag-almusal!

Matapos kong maligo at magbihis ay nagmadali na akong tumungo sa kusina. Naabutan ko pa si Mommy roon, kaya sabay na kaming kumain.


Maraming bumati sa kakaibang aura ko noong dumating ako sa school. May mga nagsabi na blooming daw ako. Iba pala ang nagagawa ng... eherm.

Pasimple kong sinisilip ang cell phone ko buong maghapon. Nakakaasar kasi kahit isang text ay wala akong natanggap. Sabi na nga ba, pinapasakay lang ako ng gagong iyon. Hindi man lang nagpakitang gilas. Nakalimot agad nang tinanggihan ko ang alok niyang kasal. Mabigat ang loob na umuwi ako.

Nasa madilim akong pag-iisip ng mamataan ko si Greg ilang dipa ang layo mula sa akin. Napatda ako sa aking kinatatayuan. Pinagmasdan ko siya, napakaayos at napakalinis pa rin niyang tingnan kahit na patapos na ang maghapon.

Bigla tuloy akong nailang. Dahil sa inis ko kanina, hindi ko na nakuhang mag-ayos ng sarili. May ilang hibla ng buhok ko ang nakawala mula sa pagkakatali. Iyong blusa ko na kanina ay nakatuck-in, ngayon ay nakatuck-out na maliban sa bandang harap.

Umiwas ako pero iniharang niya ang kaniyang katawan at tumayo pa sa mismong daraanan ko. May iniabot siya sa akin. Ngayon ko lang napuna na may tangan pala siyang pumpon ng mga bulaklak. Kinantiyawan ako ng mga estudyante at kapwa ko guro na nakasaksi sa ginawa ni Greg.

Hindi ko maintindihan ang taong ito. Maghapon akong walang narinig mula sa kaniya, ngayon he's offering me flowers!

"Buhay ka pa?" inis na tanong ko. Hindi ko pa rin kinuha ang bulaklak mula sa kaniya.

"Galit ka ba?" ganting tanong niya.

"Should I be?"

Huminga siya nang malalim. "Why don't you tell me?"

I gave up! Na-perfect na yata ng lalaking ito ang sumagot ng patanong kapag tinatanong. "Hello! Okay ka lang? Maghapon kang hindi nagparamdam tapos bigla ka na lang susulpot sa harapan ko!"

"I want to talk to you in person. What I'm going to tell you is too important para sabihin lang sa telepono."

May point siya roon, pero hindi pa rin ako satisfied. "Kahit simpleng text hindi mo kayang gawin?"

"Sasagot ka ba? Saka, ayaw kong bigyan ka nang pagkakataong iwasan ako." Iniabot niya muli sa akin ang mga bulaklak.

Napilitan akong tanggapin iyon. "Thanks."

Tumango siya at luminga sa paligid. "Could we at least talk over a cup of coffee? Somewhere more private?"

Ngayon ko lang uli naalala na nasa harap nga pala kami ng eskwelahan at nakasubaybay pa rin ang mga guro at estudyante. "Sige, if you don't mind what I'm wearing."

"You look perfect."

Ang husay talaga niyang mambola. "Just so you know, I'm not fishing for any compliment."

"I'm not dishing you one. I'm just telling you the truth that you look absolutely perfect."

Kung ano man ang hinanakit ko sa kaniya kanina, tuluyan nang naglaho dahil sa kaniyang sinabi.

Pumunta kami sa pinakamalapit na coffee shop.

"Gusto ko lang iparating sayo na I'm clean," sabi ni Greg.

Hindi ko naintindihan ang sinabi niya kaya medyo kumunot ang noo ko. Nagsalita uli si Greg para mas maipaliwanag ito. Lumagok ako ng kape at hinayaan ko siyang magpatuloy.

"Ibig kong sabihin, wala akong nakakahawang sakit. Wala akong STD. Remember, hindi ako gumamit ng condom kagabi?"

"Oh, well. You don't have to worry about me kasi I'm also clean." I'm not sure kung ano ang gusto niyang isagot ko.

Bigla siyang tumawa. "No need to tell me. I should know."

Pinamulahan ako ng pisngi. Tama ba na iyon ang pag-usapan habang kumakain? Iba tuloy ang pumasok sa isip ko nang makita ko iyong white gooey syrup na nasa ibabaw ng cheese cake!

"...ng condom. Naturingan ka pa namang teacher."

Dahil sa kung ano-ano ang na-imagine ko, hindi ko nasundan ang mga naunang sinabi ni Greg. Iyong huli na lang ang rumehistro sa isip ko kaya nanghula na lang ako. "Excuse me! May I remind you na pre-school teacher ako! Alangan namang ituro ko sa kanila ang sex education, ano?"

"Nakikinig ka ba? Ang sabi ko, mga college students alam nila na dapat gumamit ng protection if they're doing it. Ikaw pa na naturingang teacher hindi nakaalalang gumamit n'yon," pangaral ni Greg.

"Bakit ako lang ang dapat makaalala? Nando'n ka rin naman, ah!"

"Because it's ultimately the woman's responsibility. Lalo na kung masyado nang nadala ang lalaki at nakalimutan na ang tungkol do'n."

"So, paano ako makakasiguro na clean ka kung hindi ka pala maingat!" singhal ko sa kaniya.

"I assure you I'm clean. Minsan lang nangyari sa akin na hindi ako gumamit ng condom at 'yon ay no'ng high school pa!" mahina pero mariing sabi niya.

"Ibig sabihin sa akin ka lang...dalang-dala? To the point na...you forgot everything?" Abot tainga ang ngiti ko. Nakapatong sa mesa ang siko ko with my forearms crossed over one another.

Ginaya niya ang gestures ko. Ipinatong din niya ang kaniyang siko sa mesa. Tinitigan niyang mabuti ang mukha ko, para bang tinatandaan niya ang bawat features nito. Dahan-dahan siyang tumango but he answered honestly. "Yes, you can say that."

Parang nag-tumbling ang puso ko. Lalong lumawak ang pagkakangiti ko. "In that case, I'll remind you next time."

Umiling-iling si Greg pero bahagya siyang tumawa. "Will you also tell me if I get you pregnant?"

"Of course, makakaasa ka. I'll tell you."

Iyon kaya ang dahilan kaya inalok niya ako ng kasal? Ayaw niyang magkaroon ng anak sa labas? Diyan kami magkakasalungat. I want to marry someone who loves me at hindi dahil sa magkakaanak kami.

Mula noon, naging palamuti na si Greg sa bahay at sa paaralang pinapasukan ko. If his work schedule allows, sinusundo niya ako at madalas sa bahay na rin siya naghahapunan. Naging gawi na rin namin na magkasama tuwing week-ends.

Hindi niya na inulit iyong alok sa akin na kasal at wala rin siyang sinasabing I love you. Napaka-gentleman nga niya, kung humalik man siya, ang bilis pa!

Is he still attracted to me? Baka hindi na.

The Amulet of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon