Susuray-suray akong umuwi nang gabing iyon. As usual, lasing na naman ako. Alak ang pinagbalingan ko upang makalimot sa taksil kong nobya. Hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako kahit isang taon na ang lumipas mula nang magkahiwalay kami.
Naghahanda na akong matulog nang mapansin ko ang isang bagay na kumikinang sa sahig. Pinulot ko ito bago umupo sa gilid ng kama. Kuwintas ito na bigay sa akin ni Kristel, asawa ng matalik kong kaibigan. Sabi niya enchanted amulet daw ito. It is an amulet of love.
Napangiti ako. I really didn't believe in such things but it would seem rude if I didn't accept it. Nawala ang ngiti ko nang titigan ko ito. Para akong nahepnotismo at pakiramdam ko ay nasa kawalan ako. Nakatutulig ang biglang katahimikan. May kung anong bagay rin ito na nag-uudyok sa akin na humiling.
Maibigay naman kaya nito ang gusto ko?
Ang gusto ko ay magkaroon ng isang babaeng magmamahal sa akin nang totoo. Hindi dahil sa estado ko sa buhay o sa bagay na puwede kong ibigay sa kaniya.
Huh! Wala nang ganoong babae ngayon. Kung mayroon man, marahil iyon ay nabuhay noong isandaang taon pa.
Ipinatong ko ang kuwintas sa ibabaw ng mesita sa tabi ng orasan. Naiiling na humiga ako sa kama. Hindi ko na alintana ang pag-iba ng panahon sa labas. Lumakas ang hangin, kumulog at kumidlat.
BINABASA MO ANG
The Amulet of Love
HumorRomance I Humor Sandy and Greg have one thing in common, their miserable experiences in love. Both of them are heartbroken, but their similarities end there. She is eager to fall in love again while he is not. She believes in the power of the amul...