Epilogue

1.6K 56 32
                                    

Anim na buwan din ang lumipas bago dumating ang araw na ito.  Ngayon kasi ang araw ng pag-iisang dibdib namin ni Greg.  Magkahalong lungkot at tuwa ang bumabalot sa pagkatao ko ngayon. Lungkot dahil may mga bagay na kailangan ko nang talikuran. Tuwa dahil ito ang simula ng bagong kabanata sa buhay ko. Siguro kung kaya lang sukatin ang nag-uumapaw kong kaligayahan baka lagpas langit pa ito.

Habang naglalakad ako palapit sa altar, natanaw ko si Greg na buong pagmamahal na nakatitig sa akin. Nabanaag ko sa kaniyang mga mata ang paghanga sa aking kagandahan. Sabihin na nilang nagyayabang ako pero I believe that every woman looks most beautiful on her wedding day. I am a radiant bride and everyone can see it through the smiles that lit up my face.

I'm also proud of Greg. Napakakisig at guwapo niya sa kaniyang suot pangkasal. Hindi ko akalain na tatapunan niya ng pansin ang isang tulad ko. Marami kasing babaeng umaaligid sa kaniya na mas maganda at higit na mayaman kaysa sa akin. I guess love works in a funny way. 

Habang nagpapalitan kami ng matamis na sumpaan, pasimple kong sinabing I love you. S'yempre hiyawan ang mga bisita. Ikinabigla ko ang sagot niyang I love you more na sinabayan niya ng banayad na paghalik sa aking labi. Kinilig ang lahat at nagtawanan dahil umangal si Father, sabi niya Eherm. Iho, wala pa tayo sa parteng you may kiss the bride.  

Nakarating din sa kasal ko si Kuya Andrew. Hindi ko na inaasahan na makakadalo siya dahil may isinasagawa silang military operation. Dahil highly sensitive ang hinahawakan niya, umiiwas siya sa mga kakilala at ayaw rin niyang makunan ng litrato. 

Mahirap siyang makilala dahil malaki ang nabago sa kaniyang pisikal na anyo. Humpak ang kaniyang mukha, may mahabang balbas at mahaba rin ang buhok nito na nakatali sa likod. Nakita ko siyang nakatayo sa isang sulok sa likod ng simbahan kanina. Ngayon, nasa gilid lang siya ng reception area at tinatanaw ang kasayahang nagaganap.  

Alam kong peligroso ang trabaho ni Kuya. Nahiling ko na sana bumitiw na siya sa pagiging sundalo. Mahirap mangyari iyon kasi nasa dugo na niya ang paninilbihan sa bayan sa paraang alam niya. Napahawak ako sa amulet at tumingin sa gawi niya. 

Matalas talaga ang pakiramdam ni Kuya dahil tumitig din siya sa akin. Nakita ko ang bahagya niyang pag-atras. Lihim akong tumawa, hayagan kasi niyang sinabi na hindi siya naniniwala sa kuwintas pero bakit siya napaurong? Ngumiti na lang ako habang may pilyang ideyang naglalaro sa aking isipan.



The Amulet of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon