Chapter 1

1.9K 105 50
                                    

"Sandy, nasaan ka na? 'Di ba maaga ang uwi mo ngayon?" nag-aalalang tanong ni Mommy.

Nasa loob ng bag ang cell phone ko kaya hindi ko kaagad narinig nang tumunog ito. Sinagot ko iyon habang naglalakad ako. "Nandito ako sa Quezon City, Mom. May dinaanan lang."

"Ah, akala ko naligaw ka na."

"Mom, alas-singko pa lang po ng hapon hinahanap n'yo na ako? Para naman akong bata n'yan. Baka nakakalimutan n'yo, I'm already a teacher!"

"Sus! Kahit 21 years old ka na, isip bata ka pa rin! Kaya nga pinili mong magturo sa pre-school para ka-level mo ang mga kasama mo," pambubuska ni Mommy. Iyon ang ugali niya, mahilig mang-inis.

"Sige na po, Mom, malapit na ako sa pupuntahan ko." I've ended the call. Nakayuko ako habang binabalik ang cell phone sa handbag ko. Hindi ko napansin ang babala sa akin ng isang lalaki.

"Ayy!" sigaw ko. May tumaob na timba sa ikalawang palapag ng ginagawang gusali at sa akin tumapon ang laman nito. Hindi agad ako nakagalaw sa kabiglaan

Mayamaya ay may humahangos na trabahador na lumapit sa akin. Mukhang siya rin iyong sumigaw kanina. "Ineng, nasaktan ka ba?"

"Naku naman, Manong, hindi kasi kayo nag-iingat!" Sa kasamaang palad, habang pinapagpag ko ang dumi, lalo namang dumikit ito sa damit at katawan ko. Mukhang abo pa yata mula sa uling ang mga ito.

"Kasi naman, Ineng, wala sa daan 'yang atensyon mo! Kung ako ang magulang mo, hindi kita pababayaang mag-isa sa daan!" sermon niya.

Foundation day ng school ngayon kaya nakasuot ako ng hapit na pantalong yari sa maong at puting kamisetang may tatak ng paaralang tinuturuan ko. Hindi ako gaanong katangkaran at kapag wala akong make-up ay mukha talaga akong high school.

"Pasensya na ho," sabi ko pero pinandilatan ko siya ng mata. Siya na nga ang may kasalanan, ako pa ang sinisi.

Tumuloy pa rin ako sa antique shop na pakay ko. Ilang hakbang na lang ay naroon na ako. Nagbabakasakali akong mahanap iyong kuwintas ng Lola ko. Ayon sa sabi-sabi, natagpuan niya ang lalaking nagmahal ng totoo sa kaniya ng dahil sa kuwintas. Ang problema that necklace was last seen more than a century ago!

Desperado na kung desperado pero kailangan ko talagang makita iyon. Ilang beses na kasi akong heartbroken.

Una, noong third year high school ako sa nobyo kong si Carl. Isang linggo lang kaming naging magkasintahan, kinalasan ko na. Guwapo sana siya kaso kapag magkasama kami ay wala kaming ginawa kung 'di magtitigan. Eh, mas maganda pang manood na lang ng TV.

Pangalawang pagkabigo ko sa pag-ibig ay si Dan, kabaligtaran ni Carl ang ugali, sobrang daldal. Ang problema puro basketball lang ang alam sabihin - puro dunk, free throw, blocking at dribble ang naririnig ko.

Ako ang naunang nakipagkalas sa kanila, maliban sa pangatlong nobyo ko. Siya ang humiwalay sa akin. I admit that it was my fault. Everytime he attempted to kiss me I always ended up giggling. He felt insulted so he'd hooked up with this girl who was known to be a good kisser.

That's why I am in a quest for this amulet of love. Gusto kong makatagpo ng isang lalaking makakasama ko habang buhay, iyong masaya siya kapag ako ang kapiling niya. I will consider it a bonus if he can make me tremble and make my knees weak whenever we...

"Ouch!!" Naputol ang pagmumuni-muni ko nang mabangga ako sa dibdib ng taong kasalubong ko.

Ang bango niya, ang lapad ng dibdib at ...

Oh my! Nagmarka iyong mukha ko sa puting polo niya!

"Hey! Watch where you're going," sabi ng lalaki.

"It's you who's on my way, Mister!" Pagtatanggol ko sa aking sarili, sinabayan ko na rin ng pagtaas ng kilay. I look at him and I am dumbstruck when I saw his face. This is the kind of guy who will take your breath away. Honestly, he is so gorgeous!

Nagpalipat-lipat ang mata niya sa mukha ko at sa polo niya. "May sunog ba?" natatawang tanong niya.

Nakakainis, mukhang pinagtatawanan ako! "Wala, pero mga antipatiko, mayro'n!"

"Whoever did that must be very angry," patuloy na panunukso niya.

"Sorry to disappoint you, Mister, walang may galit sa akin! Aksidenteng nahulugan ako ng dumi sa labas." Ewan ko ba kung bakit pinatulan ko pa ito!

"Sinabi mo eh." Bahagya pang tinaas ng kausap ko ang kaniyang dalawang kamay. "Do you want to keep my shirt though?" .

"Why should I?" takang tanong ko.

"Remembrance, perhaps? Look here." Itinuro niya iyong polong nadumihan ko. "This is a perfect photocopy of your image. I'm really amazed how you did it!"

Pinipigil niyang tumawa pero umangat pa rin ang isang gilid ng labi niya. Kung sa iba nangyari ito, baka nagalit na. Mukhang mamahalin pa naman iyong suot niya.

I finally saw the funny side of our situation and I smiled. "I'm sorry about your shirt. I thought I was able to clean all the dirt from my face." Uminit ang pisngi ko sa hiya. Kinuha ko sa bag ang panyo at mabilis na pinunusan uli ang mukha ko.

"Nah! That's totally fine. This only needs a little washing. I hope you're okay?" Tumaas ang kilay niya.

"Of course."

"Good. Take care then. See ya!" Napapangiti pa rin siya habang palabas ng shop.

I have never been romantically involved with somebody like him. I find him hard to categorize, very complex but definitely worldly. He has a sense of humor though so maybe he has a soft spot hidden somewhere.

Sayang, hindi kami bagay. Iwinaksi ko na sa isip ang nangyari at nagpasya akong pumasok sa loob.

"Hi, Kuya! Magtatanong lang ho sana ako. May binebenta ho ba kayong ganitong klaseng kuwintas?" tanong ko sa bantay ng antique shop. Pinakita ko sa kaniya ang picture na hawak. Mula ito sa litrato ng Lola ko. I cut and enlarged it. I also had it enhanced gamit ang photoshop.

Kinuha niya ang iniabot ko at tiningnan iyon. "Naku, wala eh! Pero parang hawig 'yan do'n sa pinakita sa akin no'ng lalaki kanina."

"Ha! Sino ho 'yon?" tanong ko na may halong tuwa sa aking tinig.

"Iyong lalaking nakabangga mo. Inaalam niya ang yari ng kuwintas. Base sa disenyo, mahigit kumulang isang daang taon na 'yon," paliwanag niya kahit hindi ko naman tinanong ang sadya sa kaniya ng lalaki.

"Sige ho, salamat! Hahabulin ko lang 'yong mama." Hinablot ko sa kaniya iyong litrato at nagmamadali na akong lumabas. Hinanap ko kung saan nagtungo iyong lalaki. Kanina napansin kong kumaliwa siya. Mabuti na lang at matangkad siya kaya natanaw ko na pumasok siya sa isang gusali.

"Greg!" sigaw ko. Narinig ko sa security guard na tinawag siyang Sir Greg.

Napatingin si Greg sa gawi ko. Kumunot ang noo niya nang mapagsino ako.

"Pasensya na kung naabala uli kita. May hinahanap kasi akong kuwintas. Pinakita ko 'tong picture do'n sa shop at sabi n'ya kahawig nito 'yong kuwintas na mayroon ka. Ganito rin ba 'yong kuwintas mo?" excited na tanong ko.

"What's it to you?" Parang hindi siya iyong lalaking kausap ko kanina dahil biglang nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Kung kanina nakikipagbiruan siya, ngayon ay mukha siyang galit.

"I want to buy it."

"It's not for sale!" pasinghal na sabi niya bago pumasok sa loob ng elevator.

Talk about being rude! Nabigla ako sa inasal niya. Pero pangako, hindi pa ito ang huling pagkikita namin. Gagawa ako nang paraan para maging akin ang kuwintas na iyon.


The Amulet of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon