Matapos ang programa ay nagtuloy ako sa administration office cum reception area na katabi ng opisina ng punong-guro. Hindi nakapasok ang sekretarya ni Mr. Guzman kaya ako muna ang tumao rito.
Naabutan kami ni Greg na nagtatalo ni Mrs. Alice Diaz, PTA auditor at ina ng isa sa mga pre-schoolers.
"What's going on here?" kunot-noong tanong ni Greg. Marahil ang sadya niya ay si Mr. Guzman kaya siya nagpunta rito.
"Greg!" gulat na sabi ni Mrs. Diaz.
They are on a first name basis so it is safe to assume that they know each other. Probably, they are with the same circle of friends. Lalo tuloy lumakas ang kaba sa dibdib ko. If he will take sides, siguradong kampi na siya kay Mrs. Diaz.
"What's happening here?" ulit na tanong niya.
"Well, nagpunta ako rito para i-audit ang pondo ng PTA. Binilang ko ang pera at kulang ng P5,000!" bulalas ni Mrs. Diaz.
Sus! Puwede siyang maging artista, ang husay niya kasing magdrama.
"Inaasahan ba ni Miss Sandy ang pagdating mo?" tanong ni Greg.
"No, it's actually a surprise audit," sagot ni Mrs. Diaz.
"Is it a normal procedure done by PTA auditor?"
"Well, I don't know. I thought I'll just drop by and check our fund!" Tumaas ang boses niya pati ang pekeng kilay niya ay tumaas din.
Honestly, maliit lang naman ang pondo ng PTA. Ang alam ko sa malalaking kompanya lang ginagawa ang surprised audit.
"Ano'ng masasabi mo, Miss Sandy?"
Sa akin naman ibinaling ni Greg ang tanong. Nanatili akong tahimik mula nang dumating siya.
"Katulad ng ipinaliwanag ko kanina kay Mrs. Diaz, kahapon ko lang binilang 'yang pera at tumugma naman 'yon sa rekord. Nandito pa si Mr. Guzman habang nagbibilang ako," depensa ko sa aking sarili.
"All right. Please take a seat, Alice, while we talk to Mr.Guzman."
Nagpatiuna akong pumasok sa silid ni Mr. Guzman matapos kong kumatok. Hinayaan din akong magpaliwanag ni Greg kung anong kaguluhan ang nangyari sa labas.
"Why is it that every time I see you, you're courting trouble?" sabi ni Greg matapos kong magpaliwanag.
"Correction, it's the other way round!"
"Purely semantics, Sandy. It all means the same thing, trouble gravitates towards you!"
"Ehem." Malakas na tumikhim si Mr. Guzman.
Sabay kaming napatingin ni Greg sa kaniya. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Mr. Guzman sa amin. Kumikislap na mga mata at nanunudyong mga ngiti ang pinakawalan niya.
Hindi ko namalayan na halos magkalapit na pala kami ni Greg habang kami ay nagsasagutan. Umatras ako nang bahagya.
"Sir, binilang ho natin 'yong pondo kahapon at tama 'yon. At alam kong ano mang oras ay kakailanganin n'yo 'yong pera kaya bakit ko pakikialaman 'yon?"
"Nasaan ka habang binibilang ni Alice 'yong pondo? Nando'n ka ba sa harap n'ya?" tanong ni Greg.
Nag-isip muna ako bago sumagot. "Oo, pero may time na iniwan ko s'ya saglit nang may dumating na magulang at kinausap ako."
"Then you have your answer," desididong saad ni Greg.
"Ibig mong sabihin si Mrs. Diaz ang kumuha ng pondo?" di makapaniwalang tanong ni Mr. Guzman.
"Parang mahirap yatang paniwalaan 'yan. 'Di ba mayaman sila?" tanong ko.
Humugot ng malalim na hininga si Greg. Parang atubili siyang ituloy ang sasabihin.
"I heard things about her. She's a gambler kaya nang-uumit siya para pagtakpan sa kaniyang asawa ang mga naitatalo sa sugal. I wouldn't normally share this information kaya lang kailangan n'yong malaman para mag-ingat na kayo sa susunod."
"Ano ngayon ang sasabihin natin kay Mrs. Diaz? Na pinagdududahan natin s'ya?" tanong ko.
"I think it's better if we'll say that we're going to conduct an investigation," turan ni Mr. Guzman.
"That's what we should do, but I don't think it'll help," sabi ni Greg.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" takang tanong ko.
"May nangyari no'n sa isang jewellery shop. Kilalang customer s'ya do'n kaya hindi nagdalawang-isip na inilabas ng shop assistant ang bawat ituro n'ya. Napansin na lang na may nawawalang singsing nang isauli na ito sa dating lalagyan. May isang witness at sinabing nakita n'yang ibinulsa ni Alice 'yong singsing," kuwento ni Greg.
"Ano'ng naging problema kung may witness naman pala?" tanong ni Mr. Guzman.
"Ayaw no'ng asawa ni Alice na masira ang reputasyon nila kaya pumanig s'ya kay Alice at idinemanda ang may-ari ng shop. Sa huli, iniurong ang kaso matapos makipag-areglo ng may-ari nito."
"That's totally unfair! Bakit hindi sila lumaban?" ngitngit na sabi ko.
"Malaki ang naging epekto n'yon sa kanilang negosyo dahil sa maling kumakalat na impormasyon tungkol sa kanila. Sino ba ang mas paniniwalaan ng mayayaman na customer nila, ang salita ni Alice o salita ng isang shop assistant?" mahinahong sabi ni Greg.
"Ano'ng masama kung sasabihin nating mag-iimbestiga tayo?" Isinatinig ni Mr. Guzman ang naglalarong tanong sa isip ko.
"Knowing Alice, uunahan na n'ya kayo. Ipagkakalat n'ya na may nawawalang pondo at hindi kayo dapat pagkatiwalaan," sagot ni Greg.
"Oh my!" Naitutop ko sa aking bibig ang palad ko. Nanghina bigla ang tuhod ko at napaupo ako sa silyang nasa harapan ni Mr. Guzman.
"Fortunately, mayro'n akong maaaring gawing dahilan. Kaya ako nagpunta rito ay para ibigay 'tong resibo ng nabili kong materials sa improvement ng pre-school playground. P'wede mo sigurong sabihin Mr. Guzman na kayo ang kumuha ng pera at hindi alam ni Sandy 'yon."
Ganoon ang kasunduan, kahati sa gastusin ang may-ari ng paaralan sa ano mang proyektong naisip ng PTA.
Nakahinga ako nang maluwag sa narinig ko. "Maraming salamat, Mr. Evangelista. Hayaan n'yo, ibabalik ko sa inyo ang nawalang halaga."
"H'wag na. Hindi mo naman kasalanan ang nangyari at malaking halaga rin 'yon para pagbayaran mo," sabi ni Greg.
"Accountability ko 'yong pondo ng PTA kaya dapat ako ang managot kung ano man ang mangyari do'n."
"Okay, if you insist!"
"I can't believe this!" sabi ni Mr. Guzman habang hinihilot niya ang pagitan ng kaniyang kilay.
"Mauuna na ako, Mr. Guzman. Kayo na ang bahalang makipag-usap kay Alice." Nagpaalam na siya.
Pagkaalis ni Greg ay pinuntahan namin si Mrs. Diaz. Halatang nagulat siya sa paliwanag ni Mr. Guzman lalo na nang may ipakita kaming resibo. Hindi na siya nakipagtalo pa at tinanggap niya ang aming paliwanag. Sa aming apat na nakasaksi sa pangyayari ay alam namin kung ano ang totoo
![](https://img.wattpad.com/cover/16555041-288-k86892.jpg)
BINABASA MO ANG
The Amulet of Love
HumorRomance I Humor Sandy and Greg have one thing in common, their miserable experiences in love. Both of them are heartbroken, but their similarities end there. She is eager to fall in love again while he is not. She believes in the power of the amul...