"Greg, si Sandy 'to ipapaalam ko lang sana na dadaan ako sa inyo para bayaran 'yong utang ko." Matapos ang klase namin ay agad akong tumuloy sa bangko at naglabas ng pera sa ATM.
"Good timing. I was about to call you. I need you at my unit before 7:00PM. Wear something casual but smart." Nawala na siya sa linya pagkasabi niyon.
Kailangan ko pang naka-smart casual? Kailan pa nauso ang dress code sa pagbayad ng utang? May sayad yata ang lalaking iyon!
Bago pa dumating ang itinakdang oras ay kumakatok na ako sa condominium unit ni Greg. Nang pagbuksan niya ako ng pinto, napansin ko na nakasuot panlabas din siya.
"Great, you're on time! Darating si Pam, kaibigan namin ng dati kong nobya."
Pumasok ako sa loob at kinuha kaagad ang sobre na naglalaman ng pera sa bag ko. "Iaabot ko na lang 'tong bayad para makaalis na ako kung gano'n."
Isinara niya iyong pinto. "Not until you have dinner with us."
Napataas ako ng tingin sa kaniya. "Ha! Wala sa usapan natin na sasama akong makipag-dinner sa inyo!"
"Kaya nga balak kitang tawagan kanina pero naunahan mo lang ako. At saka, bakit pa kita pinagsabihan na magsuot ng something smart kung pagbabayad lang ng utang ang pakay mo?" Nakalagay sa baywang ang mga kamay niya. "Kailangan mo rin palang magkunyari nobya ko ngayong gabi."
"Magkunyaring nobya mo!" This dude is full of surprises. "Nope! Kahit pakunyari hindi ko kayang gawin 'yon!"
Tumunog ang buzzer. Nagpunta si Greg sa gawing pinto at may pinindot siyang bagay doon para umakyat iyong elevator sa palapag ng yunit niya.
Muling lumapit si Greg at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Listen, you don't have any choice. Nand'yan na siya at nasabi ko na kasama ko ang girlfriend ko ngayon. Remember, you owe me." He then gave me a peck on the lips. "By the way, you're looking great."
Hanep naman! Umpisa pa lang ng pagpapanggap namin, nakahalik agad! Napasubo na kaya hindi na ako puwedeng umurong.
Hinapit niya ang baywang ko habang ipinapakilala sa kaniyang kaibigan. Bahagya akong napaigtad dahil hindi ko inaasahan iyon. Mukhang sinusutil ako dahil lalo niya pang hinigpitan ang pagkakakapit sa aking baywang. Pasimple ko siyang siniko at narinig ko ang impit na tawa niya.
To be fair sa kaibigan ni Greg, mabait at madali itong kausap. Marami rin akong impormasyong nalaman tungkol kay Greg. Kinalasan pala nito ang dating nobya nang malamang salawahan ito.
Kaya pala takot sa commitment si Greg. Sabi nga, once bitten, twice shy, 'di ba? Kaya niya ako pinagpanggap na nobya niya para maipaabot kay Tanya na naka-move on na siya.
"I'm really surprised na may girlfriend ka na Greg," sabi ni Pam sa pagitan ng pagsubo, nasa hapag-kainan na kami.
"I'm surprised as well." Muntik na yatang masamid si Greg sa sinabi ko. Buti nga! "I mean, hindi ko akalain na liligawan ako ni Sweet."
"It must be love because you're not the usual girl Greg normally goes out with," sabi uli ni Pam. "I always see him with tall girls and has a model like figures."
Ouch! I'm not tall, I stood at 5'6" wearing three inch heels. I happen to like my figure though. Sabi nila I have the body of a seductress. "I know. It was love at first sight."
This time tuluyan nang nabilaukan si Greg. Good!
"So, how did you two met?" tanong uli ni Pam.
"Sa isang art exhibit sa Galleria Duneila. Sabi nga ni Sweet, unang kita niya pa lang sa akin, attracted na siya."
BINABASA MO ANG
The Amulet of Love
HumorRomance I Humor Sandy and Greg have one thing in common, their miserable experiences in love. Both of them are heartbroken, but their similarities end there. She is eager to fall in love again while he is not. She believes in the power of the amul...