Chapter 5

1.1K 83 42
                                    


Hindi ko pa dinidilat ang mga mata ko, but I instinctively know that there is something wrong. Matagal na ako sa siyudad at kahit minsan hindi ko pa naranasang magising sa ingay ng mga huni ng ibon. Naramdaman ko rin ang banayad na ihip ng hangin sa aking katawan. I slowly opened my eyes and what I saw scared the hell out of me! Instead of my ceiling, I am staring at the vastness of this clear, blue sky!

Napatayo akong bigla at iginala ang aking paningin sa paligid. Nasaan ako?

May narinig akong kumakanta. Nagmamadaling binagtas ko ang direksyon papunta roon. It sounds familiar, parang boses ni Isabelle.

Ako'y anak ng dalita

At tigib ng luha

Ang naritong humihibik

Na bigyan ng awa

Buksan mo ang langit

At kusa mong pakinggan

Ang aking ligalig

Saka pagdaramdam

Si Isabelle nga! Nagsasampay ng damit sa likod ng kanilang bahay. Unti-unting namuo ang aking hinala kung bakit ako nandito. Hindi ko man itanong, alam ko na nasa 1915 ako!

"Isabelle!!" tawag ko habang patakbo akong lumapit sa kaniya.

"EEEEEeeeee!" sigaw niya.

Ano'ng nangyari sa taong iyon? Bakit kumaripas ng takbo pabalik sa bahay nila?

Luminga ako sa paligid upang alamin kung ano ang kinatatakutan niya. Walang ibang tao maliban sa akin. Tiningnan ko ang aking sarili at ganoon na lang ang pagkabigla ko. Wala akong saplot!

Kumuha ako ng damit sa sampayan. Sando at saya pambabae. I feel ridiculous but this is better than nothing. Sinundan ko siya. "Isabelle, pagbuksan mo ako. Mag-usap tayo, please!" Kumatok ako sa kanilang pinto.

"Hindi kita kilala, Ginoo! Umalis ka na! Kung hindi, sisigaw ako at siguradong sasaklolohan ako ng mga kapitbahay ko!"

"Kilala mo ako, Isabelle! Hindi mo ba natatandaan, magkasama lang tayo kahapon?"

"Binabalaan kita, Ginoo. Umalis ka na kung ayaw mo ng gulo!" Matapang ang tinig niya pero alam kong may takot sa kaniyang dibdib.

Humakbang ako palayo sa pinto at umaligid sa kanilang bahay. Naghahanap ng maaaring malusotan. Nakapasok ako sa loob ng bahay sa pamamagitan ng pagsampa sa isang bukas na bintana. Nakita ko si Isabelle sa likod ng pintuan hawak ang isang itak.

"Isabelle," sabi ko mula sa kaniyang likuran.

Napalundag siya sa kabiglaan at iniumang sa akin ang hawak na itak. "Paano ka nakapasok dito?"

"Sa bintana." Itinuro ko ang bukas na bintana. "Teka...teka! Hindi ako masamang tao. Talagang magkakilala tayo. Napunta ka sa panahon ko...taong 2015!"

"Baliw ka talaga, ano?"

"Hindi. Patutunayan ko na nagsasabi ako nang totoo." Nag-isip ako ng magandang pruweba. Ang hina ko pa naman sa history! "Idineklarang bayani si Jose Rizal!"

"P'wede ko ring sabihing naging bayani ang kapitbahay ko," ganting sagot ni Isabelle.

Naalala ko ang kuwento ni Isabelle tungkol sa kaniyang nobyo. "Namatay ang nobyo mo sa giyera."

"Maaaring narinig mo lang 'yan dahil lahat ng kapitbahay ko alam ang tungkol d'yan!'"

"Pero hindi nila alam na wala ka nang nararamdamang pagmamahal sa nobyo mo dahil hindi s'ya marunong kumilala ng karapatan mo bilang babae...dahil mababa lang ang tingin n'ya sa kababaihan. At ayaw mo nang sumugal sa pag-ibig dahil natatakot kang muling makatagpo ng katulad n'ya."

The Amulet of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon