1950's
"Sylvestre, nagmamakaawa tanggapin mo sana ang aking pagmamahal!" umiiyak na sabi ni Anna.
"Anna, ano ba itong sinasabi mo? Alam mong napakabata pa natin para sa ganyan bagay!" nagugulat man si Sylvestre sa mga narinig kay Anna kailangan niya itong pigilan.
"Bata pero pag si Maria pwede, ganun ba yun Sylvestre?"
"Hindi kita mainitindihan? Ano ba yan pinagsasabi mo? Ako, si Rosa, Maria at ikaw ay matatalik na magkakaibigan!" medyo naguguluhan sabi nito.
"Kaibigan nga lang ba talaga Sylvestre? Hindi suguro sa amin ni Rosa pero kay Maria iba ang mga tingin mo sa kanya. Hindi kayo parehas ng nararamdaman pero ako Sylvestre mahal kita, ako na lang!" nagmamakaawang sabi ni Anna.
"Anna huwag mong ibaba ang pagkatao mo sa ganitong paraan. Kahit tama ka sa sapantaha mo sa pagtingin ko kay Maria hindi ko rin siya maaaring mahalin ng lubusan. Oo gusto ko siya pero hindi ito sapat na dahilan para bigyan ko ng pansin ang nararamdaman ko para sa kanya. May mga pangarap ako, nais ko makatungtong sa Yuropa para mahanap ang aking ama. Nais kong paglaanan ng oras ang paglinang ng aking talino at pagyamanin ang ang aking buhay ng sa ganun hindi sapitin ng aking magiging lahi ang hirap na aking dinaranas ngayon!"
Napapailing na lang si Anna sa narinig habang patuloy ang pag-agos ng luha niya. Buong akala niya ay ito na ang sagot sa kanyang mga dasal. Pero hindi pala, totoo ang kanyang nararamdaman pero mas lamang sa lalaki ang pangarap keysa matali sa alanganin sitwasyon merun siya ngayon. Sabagay sa edad nilang katorse sino ang magsasabing maaari na rin sila makaramdam ng kakaibang damdamin sa puso.
"Anna, alam mo naman mahalaga kayo sa akin ang pagkakaibigan natin pero may mga bagay na hindi natin kontrolado. Gaya ng usaping pampuso hindi mo ako madidiktahan mahalin kita sapagkat may iba akong gusto. Gaya ko na kahit gusto ko siya pipigilan ko lulalim iyon sapagkat hindi pa ito ang tamang oras para pag-ukulang ang mga ganyang bagay! "
Tinitingan lang siya ni Anna at maya-maya tumakbo ito palayo sa kubo nila. Nais man niyang sundan pero kailangan pa niyang bumalik sa bukid para balikan ang kanyang lolo.
Bata pa lang sila ay naging magkakapitbahay na sila kaya hindi maiiwasan nagiging magkakalapit sila ng loob. Siya si Sylvetre isang bastardo, anak ng ina niya sa isang dayuhan kailanman hindi niya nakita. Si Anna ang medyo nakaka-angat sa buhay kanilang apat. Anak ito ng kapitan sa kanilang baraggay pero may mabubuting puso. SI Rosa naman ay anak ng isang magdalena at kagaya ni Sylvestre may lahi rin ito dahil anak din ng isang dayuhan. Maganda ito at marami nagsasabing maaaring sumunod sa yapak ng ina. Pero ito naman pinakaayaw na manyari ng kanyang ina. Ayaw nitong magaya si Rosa sa kanya kaya kahit hinahamak na na ito ng mga tao sige pa rin ang kayod sa gabi para lang masuportahan ang lamang pag-aaral ng anak. Si Maria ang pinakamasayahin sa lahat. Gaya ng kinalakihang pamilya kahit hirap sa buhay at tangging pagsasaka lamang ang kinabubuhay hindi ito naging hadlang para damdamin ang kahirapan. Puno ito ng positibo sa katawan kaya sobrang natutuwa si Sylvestre dahil ito ang pinakaunang nagpapasaya at nagpapalakas ng loob niya. Hangga ito sa katalinuhan niya kaya lagi itong nakabuntot sa kanya. At habang tumatagal at nagdadalaga ito hindi niya maiwasan humanga dahil gumaganda ito sa paningin niya. Ang dating batang kalaro niya na puno ng putik sa katawan ay nagdadalaga ng ubod ng ganda. Kahit pagod siya sa pagtulong sa kanyang lolo sa bukid makita niya lang ito ngumingiti napapawi na nito ang ang pagod niya. Pero gaya ng sabi niya kay Anna hindi ito ang tamang oras para unahin ang usaping pampuso. Marami siyang pangarap na dahil na rin kay Maria na pupursige at nagbibigay ng lakas loob niya. Nais makatapos at makarating Europa para mahanap ang kanyang ama.
Isang linggo ang lumipas....
" Sylvestre...Sylvestre...!"
" Ohh Maria ikaw pala.. Dahan-dahan!" salubong niya sa dalagita.
BINABASA MO ANG
Four Seasons of LOVE
Fanfiction"Apat na tao may iba't ibang personalidad. Paano sila magmamahal kung ang mga binuong sarili ay idinidikta lamang ng isang tao?"