Kasunduan

728 59 20
                                    

1950's

"Ano sabi mo? !" nagulangtang na sabi ni Sylvestre.

"sabi ko ikakasal na si Anna kay Don Miguel!" inulit ni Maria.

"Bakit siya ikakasal e ang bata-bata pa niya!"

Hinatak ni Maria sa may bandang puno si Sylvrstre para hindi marinig ang kanilang pinag-uusapan.

" ang balita ko buhat kay nanay na naulinigan niyang nagdadalang tao si Anna!"

"Pero paanong nanyari yun? Di hamak na kay layo ng agwat ng edad ni Anna kay Don Miguel at saka hindi naman nababangit sa atin ni Anna kasintahan niya ang Don!" gulat ng tanong ni Anna.

"Alam mo medyo masama ang kutob dito, nitong nakaraang linggo bihira natin makausap ng matino si Anna at ang huling usap namin ng maayos at bago ang handaan sa masyon ni Don Miguel. Pagkatapos nun bigla na lang siyang laging tulala at malungkot. Akala ko nga nung una may sakit lamang siya. Diba nagkausap pa kayo noong isang araw. Namataan ko kasi siyang papunta sa kubo nyo!" napatakip ng bibig si Maria sa huling sinabi nito.

Nagtaka naman si Sylvestre sa inasal nito.

" Narinig mo ba ang pinag-usapan namin ni Anna? " tanong ni Sylvestre na halatang may pagdududa.

"Uy Sylvestre hindi ako nakikinig ng usapan ng may usapan no! Nagkataon lang kasi na papunta rin sana ako sa kubo nyo para makipagkwentuhan kaso yun nga nakita kong papunta si Anna sa inyo kaya hindi na ako tumuloy!".

Tumahimik lang si Sylvestre sa sinabi ni Maria, ang totoong inaalala niya ang huling usapan nila ni Anna. Ibig bang sabihin nun ay gusto na niyang tumakas at magpakalayo-layo. At kung totoo man buntis ito, maaaring hindi nito kagustuhan ang dinadala nito.

"Maaari kayang... Diyos ko sana mali ang hinala kong binastos ni Don Miguel ang pagkababae ni Anna.. Diyos sana mali po ako!" napapikit si Sylvestre habang binubulong ng isip ang dasal niya.

"Sylvestre, ayos ka lang ba?" halata sa boses nito ang pag-alala nito sa kanya.

"Maaari kaya..---"

"Sinamantala ni Don Miguel ang kainosentihan at pagkababae ni Anna?" sagot ni Maria.

"Maria!" tanging nasabi ni Sylvestre.

Nakita niyang umiyak si Maria, alam niyang nasasaktan ang dalagita sa sinapit ng kaibigan nila.

"Aalis muna ako, may ginagawa pala ako sa bahay namin!" tumalikod ito.

Pero nahawakan ni Sylvestre ang braso nito.

"Huwag kang mag-aalala walang makakaalam ng pinag-usapan natin!" pinahid nito ang luha saka umalis.

"Maria aalis ka na agad, hindi mo man lang hihintayin ang iyong sinta!" kantyaw ng magsasaka.

Pero nilingon hindi ginawa ng dalagita.

"Hala Sylvestre anong ginawa mo kay Maria at mukang galit!" sabi ng isang magsasaka.

Pero sa halip na sumagot dumretso siya bukid at muling naggapas.

Kinahapunan hindi naman niya inaasahan taong nasa kubo nila.

"Rosa anong ginagawa mo rito?" tanong niya.

"Huwag kang mag-alala hinatid ko lang ang ulam na pinahanatid ni nanay para sa inyo ni tata Isidro!"

"Talaga salamat sa grasya, pakisabi na rin kay aling Ligaya!"

"Alam mo na ba ang nanyari kay Anna?"

"Oo!"

"Kalat na kalat na sa buong baryo ang nalalapit na pag-iisang dibdib nila ni Don Miguel. Ang suwerte niya no, may kaya na sila tapos ang mapapangasawa pa niya ang pinakamayaman sa baryo natin. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Ang mayaman ay para lang talaga sa mayaman. Siguro hindi na niya tayo papansinin ni Anna kasi alta na siya!"

Four Seasons of LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon