1950's
Nagkakagulo sa bahay nila Sylvestre ng dumating sila Maria galing sa simbahan at laking gulat nila sa kanilang bisita. Agad sinalubong nang mahigpit na yakap ni Maria ang matalik na kaibigan si Rosa.
"Kamusta na ba kayo? May nabalitaan ako tungkol sa inyo!" makahulugang ngisi nito.
"Okay naman kami!" sabay hawak ng kamay ni Sylvestre kay Maria.
"Tama pala ang sabi ni Nana Josefina kayo na?!" Nakangiting sabi ni Rosa.
" Oo Rosa sinagot ko na si Sylvestre!" sabay tingin sa iniirog niya.
"Kailan naman ninyo magpakasal?" balik na tanong ni Rosa.
Nagkatinginan naman ulit sina Sylvestre at Maria sabay din nagbawi ng tingin na ang dalawa natipo walang balak sagutin ang tanong ni Rosa.
"O bakit? Huwag ninyong sabihin wala kayong balak magpakasal e nasa iisang bubong lang kayo nakatira! Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao sa inyo dalawa? Sylvestre ano na? Hahayaan mo na lang na isipin ng iba na mababang uri ng babae si Maria?!" sabi ni Rosa.
Hindi nakapagsalita si Sylvestre kaya si Maria na lang sumalo sa tanong ni Rosa.
" Rosa napag-usapan na namin yan ni Sylvestre kahit man siya ay apektado na rin sa mga hindi magandang sabi-sabi. Hindi kami magpapadalos-dalos ng disiyon pagdating sa kasal. Hindi magandang dahilan ang panunumpa sa harap ng Diyos kung dahilan lamang ay hindi magandang iniisip ng iba. Nag-aaral pa si Sylvestre at kailangan niyang makatapos ng pag-aaral. Isa pa mga bata pa kami kaya hindi namin na pag-uusapan yan ni Sylvestre!" sabay ngiti ni Maria sa binata.
" Sige, sabi mo iyan! " sagot na lamang ni Rosa.
Pero base pagkakatingin nito kay Sylvestre hindi pa rin ito kombinsido sa sinabi ni Maria.
"Aalis ka na ba talaga? Hindi ka na ba mag papapigil?" nakangiting tanong ni Maria kay Rosa.
"Oo bakit pipigilan mo ba ako?" tanong ni Rosa.
"Hindi naman, dapat kung nasaan ang asawa mo nandoon ka rin!" nakangiting sabi ni Maria.
Inaya ni Maria si Rosa sa kanyang silid at pinaupo sa kanyang higaan habang siya ay abala sa paghahanap sa isang aparador. Pinagmasdan naman ni Rosa ang minamahal, malayong malayo na ito sa dating gusgusin kababata nila ni Anna noon. Hindi niya masisisi si Sylvestre kung hindi na nito natiis at nakapaghintay pa na ligaw ang dalaga gaya ng napag-usapan nilang dati. Panigurado maraming umaaligid-aligid kay Maria dahil sa taglay nitong ganda.
"Maria masaya ka ba?" hindi na natiis ni Rosa itanong sa kaibigan.
Napatigil si Maria sa ginagawang paghahanap, tumingin sa kaibigan at ngumiti.
"Kung ang tanong mo kung may kinalaman kay Sylvestre, ang isasagot ko ay oo. Sobrang maligaya na parang wala akong pagsilan sa sobrang dami. Sobrang dami halos hindi na ako makahinga ng maayos tuwing nakikita ko siya o nakakasama man. Pakiramdam ko dapat kong sulitin ang lahat lahat dahil hindi ito pangmatagalan!".
"Ano ibig mong sabihin?" nagtataka ng napatingin si Rosa sa kanya.
"Ito ang huling telegrama ng tatay ni Sylvestre sa nanay niya. Sobrang iniingatan yan ni Sylvestre dahil sabi niya kapag nakatapos siya at naka-ipon ng sapat ay pupuntahan niya at hahanapin niya ang tatay niya!" inabot ni Rosa ang sulat na nasa kamay ni Maria.
" Sa Germany rin ito! " nagtataka ng sabi ni Rosa.
"May ipapakusap sana ako sayo kung may oras ka sana baka pwede mong ipagtanong-tanong ang pangalan ng lalaki na nasa sulat!" sabi ni Maria.
BINABASA MO ANG
Four Seasons of LOVE
Fanfiction"Apat na tao may iba't ibang personalidad. Paano sila magmamahal kung ang mga binuong sarili ay idinidikta lamang ng isang tao?"