Ang Lihim

795 61 42
                                    

1950's

Isang linggo bago maganap ang kasalan Rosa at Jaime ay nakipagkita si Sylvestre kay Rosa para alamin ang saloobin nito tungkol ssa nalalapit na kasal. Gaya din ni Maria nag-aalala siya na baka magaya lang ulit ito sa kaibigan nilang si Anna. Gusto rin niyang tuldukan ang namumuong sama ng loob sa pagitan nila. Alam niya na alam nito ang tungkol sa usapan nila Anna bago ito nagpkasal kay Don Miguel. Ang hula niya isa ito sa dahilan kung bakit masama ang loob ni Rosa sa kanya.

"Oh Sylvestre ano ang sadya mo rito?" nagulat na sabi ni Rosa ng mabungaran niya ang itong nakatayo sa kanilang balkonahe.

"Maari ka bang makausap ng masinsinan?" tanong ni Sylvestre.

"Mukang seryosong usapan yan huh, tara sa komedor pag-usapan natin habang nagmemeryenda ng minatamis na saging!" aya ni Rosa.

Pumasok sila sa bahay nila Rosa at dumeretso sa komedor. Umupo si Sylvestre sa upuan at piangsandok naman siya ng minatamis na saging ni Rosa.

" Tungkol ba ito sa nalalapit na pagpapakasal ko ang sadya mo rito? " deretsong tanong ni Rosa.

"Bakit biglaan naman ata Rosa?"

"Noon pa man ay nakikita na ako ni Jaime kaya lang sadyang mahiyain lamang siya kaya hindi niya ako malapitan. Pero nung araw na sumugod ako sa mansyon ni Don Miguel para klaruhin ang tungkol sa pagkakautang ng ina ni Maria muntik nang may gawing masama ang Don sa akin. Malaki ang pasasalamat ko kay Jaime at nandoon siya. Sinalo niya ako ssa mga maiitim na kuko ni Don Miguel".

"Bakit kasi ang lakas ng loob mo na sumungod doon para kausapin ang don para sa utang ng ina ni Maria?"

"Hindi ko hahayaan maulit muli kay Maria ang nanyari kay Anna!".

Nakita ni Sylvestre ang paglamlam ng mga mata ni Rosa sa sinabi.

"Alam mo bang dapat ay nasusuklam ako sayo. Dahil nilapitan ka ni Anna ng mga panahon na ginigipit na siya ni Don Miguel. Pero agad din naman nawala ang galit ng iyon dahil naisip ko wala ka talagang kasalanan dahil hindi mo naman maaaring turuan ang iyong puso! " nakangiti pero halata sa boses nito ang lungkot dahil sa nanyari sa kanilang kaibigan nila.

" Rosa! "

" alam ko Sylvestre.. Alam namin ni Anna na may pagtatatngi ka kay Maria simula pa lamang ng mga bata pa tayo. Hindi kita masisisi dahil totoo naman kamahal mahal naman si Maria. Ang ugali ni Maria na laging nagdudulot sa atin ng kasayahan at positibong pananaw sa buhay. Naiintindihan kita kasi kahit man ako ay hindi ko naiwasan mahulog ang loob ko sa kanya! "

" Anong ibig mong sabihin? ".

Kita sa mukha ni Sylvestre ang matinding pagkabigla sa sinabi ni Rosa.

"Noong bata pa tayo akala ko sadyang natutuwa lang ako kay Maria noon. Masaya ako kapag nililinisan ko siyang mukha o kaya naman ay sinusuklay ko ang magulong niyang buhok. Masaya ako kapag kasama ko siya at nasisilayan ko ang mga ngiti niya. Pari na rim ang mga mata nangungusap!" nakangiting sabi ni Rosa habang nilalarawan niya si Maria.

" Ang ibig mo bang sabihin-------"

"Pinilit kong pigilan ang nararamdaman ko kasi parehas kaming babae pero isang araw nung nakita kitang kung paano mo siya tingnan doon ako nasaktan dahil hindi ko maaaring gawin ang mga bagay na pwedeng mong gawin para sa kanya. Mahal ko si Maria at sinubukan kong supilin ang nararamdaman ko dahil labag ito sa kagandahang asal. Alam ko rin nanyari sa inyo ni Anna nung lumapit siya sa sayo para sabihin ang nararamdaman niya. Magkausap kami ng gabi bago nanyari ang pag-uusap nyong dalawa. Alam kong balak niyang magtapat sayo pero tinanggihan mo siya!".

" Hindi ko sinasadya na hindi matapatan ang nararamdaman niya sa akin. Hindi ko rin alam na pagkatapos ng usapan na iyon ay yun na ang huli namin pag-uusap! "

Four Seasons of LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon