Pag-aalala!

692 57 46
                                    

1950's

Ang pagbabalik ni Rosa sa kubo nila Maria ay may dalang mabuting balita. Nang tanungin ni Maria kung paano niya nagawan ng paraan ang utang nila agad niyang sinabi na huwag intindihin iyon.

Isang linggong nakalipas buhat sa paniningil ni Don Miguel sa pamilya ni Maria ay kumalat na balibalita. Si Rosa daw ay ikakasal na at susunod sa yapak ni Anna. Takbo ng takbo si Maria papunta sa kubo nila Rosa.

"Rosa... Rosa...!" sigaw niya.

"Maria ikaw pala yan, ano iyong sadya?" tanong ng ina ni Rosa.

"Nana si Rosa po ba na riyan po ba?"  tanong nito.

"abay oo naliligo lang tara pumasok ka at doon mo na siya hintayin sa loob!".

Sumunod si Maria kay Nana at naupo aa may upuan sa sala. Inilibot niya ang piningin sa loob ng bahay. Kapansin-pansin ang kalinisan ng paligid. Ang muwebles ay alaga  sa punas. Napangiti si Maria nang maalala  nung pawang mga bata sila tatlo ni Anna. Kung saan wala silang ibang pinuproblema kungdi ang pagsapit ng gabi at pauwiin na sila ng mga magulang nila. Halos hindi sila mapaghiwalay noon pero ngayon hindi siya makapaniwala wala na si Anna at si Rosa ay....

"Maria naparini ka, ano iyong sadya?" tanong nito habang nakangiti sa kanya.

"Gusto ko lang sana linawin sayo mismo ang kumakalat na balita sa bayan!" sabi nito.

" Ang alin ang aking pagpapakasal? Oo Maria ikakasal na ako!" nakangiting sabi nito.

"Rosa bakit? Ako ba ang may kasalanan nito?" naiiyak na sabi ni Maria.

"Huwag kang masyadong mag-alala wala kang kinalaman tungkol dito. Sarili ko itong kagustuhan!" lumapit ito kay Maria.

"Alam mo naman ang nanyari kay Anna diba, huwag mong sabihin pinilit ka rin ni Don Miguel?" nag-uumpisa ng mamuo ang mga luha sa mga mata.

"Hindi manyayari sa aking ang nanyari kay Anna. Masuwerte pa rin tayo Maria kasi pakiramdam ko ginagabayan tayo ni Anna!"

"Anong ibig mong sabihin?!" nagtatakang tanong ni Maria.

"Atlist taong papakasalan ako ay mahal akong tunay, siya ang sumagip sayo mula sa pagkakautang nyo kay don Miguel!"

"Sino!?" gulat na tanong ni Maria.

"Si James Scotts!"

"yun ung kaibigan matalik na amerikano ni Dong Miguel diba?"

"Oo Maria, naroon siya ng araw na yun sa bahay ni Don Miguel. Dahil nailigtas niya ako sa kaitiman ng budhi ng Don!"

"Sigurado ka na ba diyan sa desisyon mong magpakasal sa kanya?"

"Oo Maria, buo na ang desisyon ko. Mas mainam na rin yun kaysa maghintay sa taong mahal ko pero alam ko naman sa una pa lang malabo magustuhan ako. At isa nais kong kuhanin si Joselito kay Don Muguel ng maalagaan naman ng mabuti. Alam ko ikatutuwa iyon ni  Anna!" nakangiting sabi
Rosa.

" Napakabuti ng iyong puso Rosa nawa'y hindi magsawa ang Panginoon sa pagbibigay mg pagpapala. Hindi mo mahal ngayon si James alam kong darating ang time matutunan mo rin!".

Niyakap ni Rosa si Maria..

" Kung alam mo Maria... Kung alam mo lang!" sabi utak ni Rosa.

Present time...

"Make sure na mabibigay mo agad yan kila Win, Sp at Au. Magagamit nyo yan para makapagcommunicate kayo apat  kahit anong oras. It also serve as a locator para madali nyongatagpuan ang isat-isa. If in case nasa alanganin sitwasyon kayo. Naayos ko na rin ang mga link at GPS sa cellphone  nila Quen, DJ, Maccoy at Edward. I'll already send the program sa email ni Au para ma-activate na niya at gumana ang mga iyan. May iba pa ba kayong gustong ipagawa?" seryusong sabi ni Marco kay Sum.

Four Seasons of LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon