1050's
Ang kirot na nararamdaman ni Claudeth sa kanyang tiyan ay tumindi pa nang sumapit ang hapon. Kaya kahit masama ang loob at may dinadamdam pa si Sylvestre ay agad pinutahan ang silid nang asawa. Nakita niyang namimilipit na ito sa sakit. Nagalit Sylvestre dahil wala man lang nagsabi na dalhin si Claudeth sa hospital. Nang makarating sila sa hospital hiniling nito na sana huwag umalis si Sylvestre sa tabi niya hanggang malaman nila ang dahilan kung bakit sumasakit ang tiyan niya. Isang malungkot na balita ang sabay nilang narinig mula sa doctor. Ang batang nasa sinapupunan ni Claudeth ay wala nang buhay. Tumigil ang ang pagtibok ng puso nito ilang oras bago sila makarating sa hospital. Halos panawan ng ulirat si Claudeth dahil sa sinabi ng doctor. Sobrang mahina kasi ang sanggol at hindi na kinaya kahit na nakapagbedrest na si Claudeth. Oras na para tangaling ang patay na sanggol sa sinapupunan ni Claudeth ay pinatulog ito. Habang naghihintay si Sylvestre naiisipan niyang dumaan sa maliit na chapel ng hospital.
"Panginoon, ito na po ba ang parusa ninyo sa akin. Nawala na ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay ni Maria. Ang bata na tanging nag-uugnay sa amin ni Claudeth ay binawi nyo na rin. Ganun na po ba ako kawalan kwenta sa inyo? hindi ko po kasi alam kung ano po talaga ang plano ninyo sa akin. Mahal ko si Maria pero hindi nyo po siya ibinigay sa akin. Ang batang pinagkaloob mo sa aming dalawa ay nawala nang hindi ko man lang nalalaman na nag-e-exist pala. Si Claudeth at ang anak niya..... Wala na.. ano po ba talaga ang dapat kung gawin?" naiiyak na sabi ni Sylvestre.
"Baka ito na ang way niya para sabihin sayo ng Diyos na mag-focus ka na raw kung anong merun ka ngayon!" .
Napaangat si Sylvestre nang marinig niya kung sino ang nagsalita.
"Rosa!!!" nagulat nasabi ni Sylvestre.
"Hindi ikaw ang sinadya ko dito. Nais ko lang sana ipagdasal at magpasalamat dahil magaling na ang baby ko. Nagkasakit kasi siya nitong mga nakaraan araw. Sa dami-daming tao na pwede kong makasabay dito ikaw pa. Hindi ko tuloy alam kung tutuloy pa ako dito nang makita kita. Pero dahil nag-aalala rin ako sayo para ka kasing pinagsakloban ng tadhana sinundan na din kita. Narinig ko lahat ng mgasinabi mo. Medyo nakakramdam pa rin ako na sama ng loob dahil sa ginawa mo kay Maria. Nangako ka kasi na hinding-hindi mo sasaktan ang babaeng pinakamamahal ko. Pinaubaya ko siya sayo dahil alam kong ikaw lang ang makakapagbigay sa kanya ng totoong kaligayahan. Pero tama rin si Maria, tama siya na hindi kayo ang magkapalad. Marahil nanyari ang lahat ng ito sa inyo para bigyan kayo ng aral pagdating sa buhay pag-ibig. Hindi lahat nag-iibigan ay tinadhanang magkasama. Ngayon napili na ni Maria mamuhay nang wala sa piling mo nawa'y subukan mo din mabuhay na kung nong merun ka ngayon!" .
"Anong ibig mong sabihin?".
"Si Claudeth asawa mo na siya nawalan din ng anak at nasasaktan. Bakit hindi mo na lang ibaling sa kanya atensyon mo?".
"Hindi ko siya mahal Rosa!" sabi ni Sylvestre.
"Ako rin noon hindi ko mahal si Jaime pero siya na ang kasama ko ngayon at masaya ako sa piling niya. Alam ko pangit man sa pagdinig nang iba pero yung sinasabi nilang panakip butas, second choice or rebound relationship ay malabo daw magsa-success. Nais kong sabihin hindi naman totoo yun. Kasi kapag binuhusan mo ng panahon, pinaglaanan mo nang oras at ginusto mo ang mangyayari mapapamahal ka na din sa tao pinili mong makasama. Katulad ko hindi ako magiging masaya ngayon kung hindi ko tiningnan man lang ang posibilidad na pwede kong mahalin si Jaime. Ngayon masasabi kong kaya at naaaral din ang pag-ibig kung gugustuhin mo kasi mahal ko na si Jaime ngayon. Ikaw subukan mong mahalin si Claudeth asawa ka na niya at may mga bagay na dapat sa kanya mo na ibinibigay. Huwag mong ipagdamot ang puso mo at huwag ka rin matakot na sumubok magmahal ng iba. Hayaan na natin maging masaya si Maria sa taong kayang magbigay ng tunay na kaligayahan sa kanya!".
BINABASA MO ANG
Four Seasons of LOVE
Fanfiction"Apat na tao may iba't ibang personalidad. Paano sila magmamahal kung ang mga binuong sarili ay idinidikta lamang ng isang tao?"