1950's
"Uy Sylvestre ang aga mo huh, anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ni Maria.
"Dinalhan ka niya ng gatas anak, nakaramda siguro na dudumungin ka ng regalo ng mga kalalakihan kagabi kaya pumarine ng ke aga aga para bakuran ka!" hirit ng ina niya.
Talaga ba?! " tanong ni Maria.
Biglang namula si Sylvestre sa biro ng dalaga sa kanya.
"Inaya ko na rin siyang mag-almusal dito bago siya tumungo sa bukid!".
"O tara na malapit ng magtanghali hindi ka pa nakakagapas!" aya ni Maria.
Pinaupo ni Maria si Sylvestre sa hapag malapit sa kanya. Pinagsilbihan siya nito at saka uminum ng gatas na binigay niya.
"Salamat dito!" ngumiti si Maria sabay tongga nito sa baso.
"Anong balak mong gawin ngayon araw?" tanong ni Sylvestre saka sumubo ng pagkain.
"Pupunta ako sa bahay nila Rosa!".
"Hala anak nasa pulot-gata pa ang bagong kasal. Bakit mo naman sila iistorbuhin?" singit ng nanay niya.
"Mahigpit na bilin po iyon ni Rosa kagabi. Kailangan ko daw namin mag-usap at may mahalaga po siyang sasabihin!" nakangiting sabi ni Maria.
"Gusto mo bang samahan kita?" singit ni Sylvestre.
"Makapagpresenta ka diyan parang wala kang bukid na naghihintay!" natatawang sabi ni Maria.
"Pero anak alam mo naman na maraming binata ang gustong makasilo sayo nangbabakod lang si Sylvestre sayo!" kutya ng nanay ni Maria sa kanilang dalawa.
Natawa naman si Maria dahil sobrang pula na Sylvestre.
"Nay, tama na po ang kakabiro kay Sylvestre baka po mabilaukan na po yan! O inumin mo ito at huminga ka hindi naman yan pinagbabawal dito!" sabi nito habang tumatawa pa rin.
Nang matapos ng mag-umagahan ay agad din nagpaalam si Sylvestre sa ina ni Maria para pumunta sa bukid. Hinatid naman siya ng dalaga hanggang tarangkahan ng bahay nila.
"Salamat ulit sa gatas huh, sa uulitin!" nakangiting sabi ni Maria.
"Basta merun dadalhan kita kahit araw-araw pa!".
"Uy hindi naman kailangan araw-araw baka kayo naman ang mawalan ng supply. Saka baka mamayat si Pen-pen (si Maria ang nagbigay ng pangalan sa kalabaw ni Sylvestre)."
"Ahh Maria okay lang ba na mapapadalas ang pagpunta ko rito?" alanganing tanong ni Sylvestre.
Ngumiti si Maria ng ubod ng tamis at saka tumango.
"Aba'y syempre naman! Mas mainam rin yun ng mabawasan ang nagbabalak na umaligid-aligid dito sa kubo namin!".
Ngumiti si Sylvestre ng tamis.
"O sige humayo ka na at tanghali ka na para sa bukid mo!" pagtataboy nito.
"Sige mauna na ako!" paalam ni Sylvestre pero hindi naman inaalis ang tingin nito kay Maria.
Pagkatapos ng ilang minutong titigan ay napilitan rin umalis si Sylvestre.
"Grabe ang titigan na iyon anak huh, ang lagkit!" sabi ni nanay Josepina sabay akbay sa dalaga niya.
"Nay sapalagay mo gusto rin niya ako?" tanong ni Maria habang pinagmamasdan niya ang paalis na si Sylvestre.
"Hindi mapagkakaila sa mga tingin niya sayo anak!".
"Siguro dahil wala na si Anna at kasal na si Rosa kaya nabaling ang tingin niya sa akin!" malungkot na sabi ni Maria.
"Anak noon pa man ramdam ko na iba ang ang pagtingin sayo ni Sylvestre. Kung paano ka niya alagaan at higit sa lahat kung paano ka niya pangitiin. Alam ko kahit man siya may nararamdaman din siya para sayo. Kaya lang marespetong at magalang na tao siya. Alam ko sinaalang-alang din niya ang pagkakaibigan nyo, dahil mga bata pa kayo, at iisipin rin namin. Pakiramdam ko medyo natakot lang siya na lalo na kahapon nang makita ka niya na nag-ayos at masilayan dalaga ka na pala. Medyo magkakaroon na siya ng karibal sa paningin mo! " mahabang paliwanag ng nanay ni Maria.
BINABASA MO ANG
Four Seasons of LOVE
Fanfic"Apat na tao may iba't ibang personalidad. Paano sila magmamahal kung ang mga binuong sarili ay idinidikta lamang ng isang tao?"