1950's
Nagising si Maria na puro puting ang nakikita niya. Nanghihina siya at ramdam niya sa katawan. Pilit niyang inaalala ang huling bagay at huling nanyari bago siya nakatulog. Muling sumagi sa isip niya ang dalawang taong naghahalikan sa harapan niya. Ang mga masasayang tao nakapalibot dito. Ang mga palamuti sa paligid at ang sakit sa dibdib niya. Ang pagtakas niya sa lugar kung saan nakikita niya ang pinaka masakit na tagpo sa buhay niya. Ang pagpatak ng yebe, ang lamig ng paligid, lugar na hindi pamilyar sa kanya. Ang malaki niyang tiyan, ang matinding sakit mula rito. Ang paglapit ng mga tao sa kanya. Kinap ni Maria ang tiyan kahit hirap dahil mahina siya. Maliit na ito at ramdam na niya rin ang sakit ng kanyang pagkakababae. Kinabahan siya kaya dali-dali niyang pinakiramdaman ang sarili. Wala na angkakaibang pintig at galaw na inaasahan niya sa mga oras na iyon kanyang sinapupunan. Tumulo ang luha niya at saka nagsisigaw.
"Ang anak ko!" habang sige pa rin ang himas niya sa kanyang tiyan.
"Anak ko..... Rosa......!!!!!!!!!!!!!" sige pa rin ang sigaw niya sa pagitan ng mga luha.
****
"Rosa!!!!!!!!!!!!!" dali-dali lumapit si Sylvestre sa kaibigan nang makita niya ito sa waiting area ng hospital.
Nang makalapit siya sa kaibigan ay agad-agad nakatikim siya ng isang malakas na sapal buhat dito.
"Anong ginagawa mo dito?" sigaw ni Rosa.
Bakas sa mukha nito ang matinding galit, lungkot at mga a luhang nag-uunahang kumawala sa mga mata.
"Rosa si Maria ba ang kasama mo kanina? Para kasing nakita ko siya?" tanong ni Sylvestre.
"Ano itong ginawa mo Sylvestre? Pinagkatiwalaan ko sayo si Maria dahil alam ko ng kaya mo siyang mahalin at protektahan. Pero ikaw pa ang nanakit sa kanya!?" galit na galit na sabi ni Rosa.
" Rosa magpapaliwanag ako!" nakikiusap na sabi ni Sylvestre.
" Huli na ang lahat!!!!" nailing na sabi ni Rosa.
"Rosa!!!!" sigaw mula sa isang kwarto at alam ni Sylvestre na si Maria yun.
"Umalis ka na at bumalik ka na sa asawa mo!" madiing sabi ni Rosa.
"Rosa, gusto kong makausap si Maria at saka bakit kayo nandito sa hospital? May nanyari ba?" nagtataka ng tanong ni Sylvestre.
"Hindi ko na ipapaubaya sayo si Maria simula makakaalis ka na!" pagtataboy nito sa kanya.
Saka isa-isang nagtakbuhan ang mga Nurse at doctor sa harapan nila. Narinig nila muli ang mlakas na sigaw ni Maria.
"Ang anak ko!!!!!! Rosa!!!!!"
Agad tumalikod si Rosa para puntahan ang kaibigan. Nang malapit na ito sa pintuan ay hinarangang ni Jaime si Sylvestre.
"Not now Sylvestre not now please...." sabi nito.
"But Jaime-------".
"Maria almost lost her life and I know if she knew that she lost your baby. She didn't want to stay alive. She suffer a lot don't give her any reason to kill her herself!" sabi ni Jaime bago tuluyang pumasok sa loob ng kwarto ni Maria.
Naguluhan man si Sylvestre sa sinabi nito pero sa huli naaduwag siyang harapin ang pinakamamahal. Sumndal siya sa pader malapit sa pintuang kwarto ni Maria. Mula doon dinig na dinig niya ang pag-iyak at sigaw nito.
"Rosa.. Ang baby ko.. Kinuha nila... Wala na ang anak ko!!!" umiiyak na sabi ni Maria habang unti-unti itong nanghihina.
Halos iyak na lang ang nagawa ni Rosa para sa kaibigan. Habang si Sylvestre ay sige rin ang iyak dahil nasasaktan at naguguluhan sa mga nanyayari.
BINABASA MO ANG
Four Seasons of LOVE
Fanfiction"Apat na tao may iba't ibang personalidad. Paano sila magmamahal kung ang mga binuong sarili ay idinidikta lamang ng isang tao?"