Pagtanggap at Pagliligtas

568 54 42
                                    

1950's

Alam na nang mg magulang ni Maria ang nanyari sa kanila sa Germany. Nagalit man ang mga ito pero wala na rin nagawa . Gusto na lang nila ay umuwi si Maria sa Pilipinas at ituloy ang buhay na malayo kay Sylvestre. Hindi naman niya masisisi ang mga ito dahil buo ang tiwala ang binigay nila kay Sylvestre pero mauuwi rin sa wala ang lahat.

"Sa isang linggo na ang alis mo Maria sigurado ka na ba sa gusto mong manyari?" tanong ni Rosa sa kanya.

"Oo naman ito na ang naiisip kong tamang oras para harapin ko siya at tapusin ang dapat tapusin!" bumuntong hininga si Maria ng malalim saka muling tumanaw sa labas ng bahay ni Rosa.

"Sige sasamahan kita!".

"Huwag na Rosa alam kong galit ka pa rin sa kanya baka imbes makapag-usap kami ng maayos ay magulo pa!" hinaluan ni Maria ng tawa ang biro niya para kahit paano gumaan ang pakiramdam ni Rosa.

"Ang akin lang naman kung hindi maganda ang kalabasan ng pag-uusap mo atlist nandoon ako para may mapuntahan kita agad. Kung gusto mo sa malayo ako pero dapat natatanaw kita!" sabi ni Rosa.

"Rosa salamat pero kaya ko na ito saka isa pa sa malapit na parke kami magkikita kaya madali akong makaktakbo dito. Huwag kang masyado mag-aalala sa akin. Kailangan ko itong gawin para sa sarili, para sa munting anghel na nawala sa amin, para pagkakataon na sana kami na. Para tuluyan ko nang iwanan ang masasakit na alaala bago ako bumalik sa Pilipinas!" nakangiting sabi niya sa kaibigan.

"Bilib ako sayo na pakabait mo at napakatapang pero patawarin mo ako kung hindi ko pa kaya patawarin si Sylvestre. Pagkatapos ng lahat ng lahat nanyari sayo hindi makuhang ipaubaya na lang lahat!" sabi ni Rosa.

"Tamang panahon at oras Rosa yun ang kailangan mo. Alam darating ang panahon magagawa rin siyang patawarin at ibalik lahat ng lahat ng merun tayo noon!".

"Ay naku sana nga!"

****

Naging maayos naman ang kalagayan ni Claudeth pero mahina ang kapit ng bata kaya kailangan niyang matali sa kama at bawal maggagalaw. Kahit may dinadamdam si Sylvestre ay pinili niyang alagaan ito. Hindi na niya sinabi ang pagdating ni Maria at ang problema kanyang kinahharap para mabawasan ang pag-aalala nito sa kanya. Ramdam niya na kahit papaano ay iniisip din Claudeth ang katayuan niya.

"Marahil iniisip din niya tumanaw ng utang na loob sa akin !" naiiling na lang si Sylvestre.

Muli siyang napangiti at dinukot ang mahalagang liham na nabasa niya kaninang umaga. Sa wakas pagkatapos animal na linggo dininig na rin ng Panginoon ang panalangin niya. Araw-araw ay hindi siya pumapalya nang kakapadala ng liham Kay Maria. Alam niya na hanggang ngayon ay nasa bahay pa ng mag-asawang Rosa at Jaime.  Hindi lang siya makaakyat ng dalaw sa bahay nang mag-asawa dahil galit si Rosa sa kanya. Pero kahit ganun gumawa siya nang paraan para kahit paano mapaabot niya ang gusto niyang sabihin kay Maria. At ngayon ay nabigyan siya ng pagkakataon para makaharap ang minamahal niya.

Hinawakan pa niya ang magandang mukha ni Claudeth bago tuluyang tumayo at umalis sa loob ng silid nito.

Muli niyang binasa ang sulat ni Maria habang masaya siyang lumalabas sa bahay ng kanyang ama.

"Sylvestre, hindi ko man masasabing maayos na ako ngayon. Dahil ang totoo matagal-tagal pa siguro bago maghihilom ang sugat na iniwan mo sa akin. Pero dahil mataas ng tingin ko sa pagkakaibigan natin kaya sana kahit sa huling pagkakataon nais kong makausap ka. Magkita tayo sa parke na may rebulto na aso malapit sa bahay ni Rosa. Ngayon araw na ito sa ganap na ikadalawa ng hapon. Hindi ko ipagkakait sayo ang mga tanong na nais mong malaman tungkol sa munting anghel na pinagkaloob sa atin. Alam kong naguguluhan ka kaya hihintayin kita doon...

Four Seasons of LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon