1950's
Pabalik-balik si Maria sa loob ng silid tatlong buwan lumipas at kompirmado siya ay nagdadalang tao. Hindi niya alam kong matutuwa siya o maiiyak sa sitwasyon niya. Masaya dahil nagbunga ang ang pagmamahal nila ni Sylvestre pero malungkot dahil sa katotohanan siya magiging isang dalagang ina.
Noong isang gabi ay wala na siyang nagawa kundi sabihin ang kanyang sitwasyon sa magulang. Ramdam niya ang pagtatampo ng kanyang ama samantalang ina naman niya walang tigil ang pagtulo sa pag-iyak habang nakayakap sa kanya. Si Sylvestre hindi pa alam ng kasintahan ang kalagayan niya. Nakakadalawang sulat na ito sa kanya pero hindi pa rin niya alam ang isasagot niya rito kahit puro pangangamusta lang at kwento ang laman ng sulat nito. Alam niyang kapag sinabi niya ang totoo hindi ito mag aatubiling umuwi at para panagutan siya. Sa mga oras na ito sobrang lito siya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Napatingin siya pimtuan ng makarinig siya ng katok.
"Maria...!" tawag nito.
"Rosa....!" dali-dali siyang lumapit sa pintuan para tangaling ang pagkakalock nito.
"Rosa!" sabay yakap ng mahigpit ng makita ang kaibigan.
"Mukang hindi ko na kailangan magtanong sayo kung totoo ba? Kasi sa reaksyon mong yan mukang nasagot na ang tanong ko!" sabi ni Rosa.
"Rosa!" muling sambit ni Maria sa pagitan ng mga hikbi.
"Tahan na makakasama sa munting anghel na sinasapupunan ang matinding pag-iisip at pag-aalala!" sabi ni Rosa.
"Natatakot ako Rosa!" sabi ni Maria.
"Saan ka natatakot? Sasabihin ng ibang tao o sasabihin ni Sylvestre?".
"Alam mo naman wala akong pakialam kong anong sasabihin ng iba pero si Sylvestre. Paano kung hindi niya matanggap ang dinadala ko?".
"Parang hindi mman ganun ang pagkakakilala ko sa kaibigan natin. Isa pa sobrang mahal ka nun para hindi niya akuin ang dinadala mo!".
"Hindi ko alam gagawin ko sa totoo lang!".
"Aayusin natin ang papeles mo at sasama ka sa akin sa Germany. Kung hindi ka mapuntahan ni Sylvestre ikaw ang pupunta sa kanya!".
"Papaano wala naman akong pera saka magastos yan imbes na sa panganganak ko na lang ang pag-ipunan ko!".
"Ako, ano tawag mo sa akin? Porke ano pa na may bahay kami doon? At sa gastos sagot ko na iyon!".
"Rosa!" lalong naiyak si Maria.
Alam niyang sobra na ang naitulong nito sa kanya. Pero sa panahon ito hindi na sya tatanggi gustong- gusto na niyang makita si Sylvestre.
"Tahan na sabi e, tara sa baba at sabihin natin kila tata Berting ang plano natin!".
"Rosa hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan sa lahat-lahat!".
"ay sus ang drama naman.... Kaibigan mo ako at alam mong mahal na mahal kita. Kung kailangan ngang mamili sa inyo ng aking asawa, walang patumpik-tumpik ikaw ang pipiliin ko!" nakangiting sabi ni Rosa.
"Baliw mo rin, alam ko naman hindi yun ang gagawin mo noh! Alam ko sa nga may puwang na so Jaime diyan sa puso mo!" medyo napangiti sabi ni Maria.
Napangiti na rin si Rosa sa sinabi nito.
"Totoo naman ang sinasabi mo Maria pero iba ka pa rin. Ikaw ang pinakamamahal ko at naiinis ako sa sarili ko kasi wala akong magawa para bawasan ang paghihirap mo!" sabi ni Rosa sa sarili.
Agad naman silang bumaba para sabihin sa mga magulang ni Maria ang napagkasunduan nila ni Rosa.
*****
BINABASA MO ANG
Four Seasons of LOVE
Fanfiction"Apat na tao may iba't ibang personalidad. Paano sila magmamahal kung ang mga binuong sarili ay idinidikta lamang ng isang tao?"