1950's
Hindi matanggap ni Sylvestre ang desisyon ni Maria kaya umuwi siyang parang walang pakialam sa paligid. Sinisisi niya ang sarili dahil naging pabaya siya. Pabayang kaibigan, pabayang kasintahan at pabayang ama sa anak nila Maria. Iniisip niya ang kapakanan ng iba pero ang sarili dugo't laman ay hindi man lang niya nagawa iligtas. Wala siyang gusto kausapin at ang tanging nais niya ay mapag-isa. Ilan beses siyang pinuntahan ng ama para alamin kung ano dinaramdam niya pero wala siyang sinasabi dito. Umiiyak siya nang umiyak dahil naghihinagpis sa pagkamatay ng kanyang munting anghel at tuluyang pagkawala ni Maria sa buhay niya.
Samantalang napansin naman ni Cludeth na parang hindi siya dinadalaw ni Sylvestre mga ilang araw na lumipas kaya sobrang nag-aalala siya para rito. Kaya nung minsan ay sinubukan niyang puntahan at para sana kamustahin nakita niya ito sa balkonahe na nakatulala at lumuluha. Nais niyang lumapit dito para sana damayan ito pero ramdam niyang gusto nito makapag-isa. Alam niya ang dahilan ng kalungkutan nito. Simula nang makita niya ang babaeng hinabol nito noong araw kasal nila malakas ang kutob niya na ito si Maria. Pero hindi nagsasabi o nagkukuwento si Sylvestre tungkol dito. Marahil ay iniisip nito ang kalagayan niya. Kaya ang tapang na merun siya para lapitan ito ay nawala. Umatras siya at bumalik sa kwarto doon ay nahulog siya matinding pag-iisip. Hindi niya namamalayan na tumutulo na rin ang luha niya sapagkat hindi niya maalis sa isip na siya ang dahilan kung bakit nasasaktan si Sylvestre ngayon. Kung maibabalik niya lang sana ang oras ay mas pipiliin na lang niya sana hindi itinuloy ang pagpapakasal sa kaibigan. Pero huli na ang lahat wala na siyang magawa para sa lalaki. Napahawak siya sa kanyang tiyan dahil nakaramdam na naman siya ng kirot. Hinimas-himas niya iyon nang sa ganun ay maibsan kahit paano ang sakit.
*****
Mabilis tumakbo ang mga araw heto na si Maria nakabalik na sa Pilipinas. Pagtungtong niya sa lupang sinilangan ay agad siyang umusal ng panalangin saka naman ngumiti ng ubod ng tamis. Pinangako niya sa sarili na hinding-hindi na niya iisipan ang lahat nang nanyari sa Germany. Kailangan niyang gawin iyon ng sa ganun hindi malungkot ang munting anghel niya na nasa langit. Gusto niyang mag-umpisa nang panibagong buhay. Mahirap dahil siguradong ang mga magulang niya ay matindi pa rin ang galit sa nanyari pero siya handa na. Magiging masaya na si Sylvestre sa piling nang iba at tatangapin niya nang malugod sa kalooban na hindi sila ang magkapalad nito. Para sa kanya ang pagmamahal niya kay Sylvestre ay isang masarap na pakiramdam na dapat ipagpasalamat dahil naramdaman niya pero hindi na muling mapapasakanya sapagkat sa iba ito nakatadhana.
"Mariaaaaaaaahhhhh!!!!!" narinig niyang may sumisigaw.
Lumingon siya sa paligid at nakita niya si Macario walang tigil ang pagkaway para makita lamang siya. Napangiti siya at agad niya itong pinuntahan para salubungin.
"Macario, paano?" nakangiti pero may pagtatakang tanong ni Maria.
"Sumulat sa akin si Rosa at sinabi ang saktong oras at araw nang pagdating mo kaya heto ako!" tumingin ito sa kanya hanggang mapadako ang mga mata nito sa kanyang tiyan.
"Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa nanyari sayo!" sabi muli ni Macario.
"Ganun talaga ang buhay Macario kaya sana tulungan nyo akong tanggapin ng pa unti-unti ang mga nanyari!" nakangiti pero bakas pa rin ang kalungkutan nito sa mga nanyari.
Tinapik naman ni Macario ang balikat ng kaibigan saka inaya palabas ng paliparan.
"Asahan mong makakarinig ka nang matinding sermon sa tatay mo at ang tsismis sa ating mga kapitbahay!" babala ni Macario kay Maria.
"Handa na ako!" matipid na sagot ni Maria.
"Siya nga pala maiba ako. May kilala ka bang Don Miguel?" halata sa boses ni Macario ang matinding pag-iisip.
BINABASA MO ANG
Four Seasons of LOVE
Fanfiction"Apat na tao may iba't ibang personalidad. Paano sila magmamahal kung ang mga binuong sarili ay idinidikta lamang ng isang tao?"