1950's
Tahimik sila Maria at Sylvestre habang inaayos nila ang gamit at damit na dadalhin papapuntang Germany. Hindi kumikibo si Sylvestre sapagkat masama ang loob niya dahil sa desisyon ni Maria. Ayaw man niya pero sadyang wala siyang magagawa sa kagustuhan nito.
Samantalang si Maria hindi alam kung paano bubwelo para kausapin si Sylvestre na hindi sila magtatalo. Gusto niya maayos silang dalawa bago man lang ito umalis. Sa susunod na araw na ang lipad nito papuntang Germany kasama ng ama nito. Masakit man para sa kanya ang pag alis nito pero mas kailangan si Sylvestre ng kanyang ama. Kaya ninyang maghintay kahit gaano katagal basta sa huli siya pa rin ang pipiliin nito. Tiningnan ni Maria ang minamahal at abala ito sa pagliligpit ng isang bagahe nito. Lumapit siya at niyakap niya ito ng mahigpit kahit nakatalikod.
"Mahal ko!" tanging nasabi ni Maria.
Samantalang si Sylvestre ay napapikit sa higpit at init ng yakap ni Maria. Suko na siya hindi na niya kayang tiisin ang kasintahan. Kung sabagay kung magmaktol man siya o kung sakali pumayag man ito na sumama ito sa kanya wala ng oras. Kailangan pa niyang mag-ayos ng mga papales na siguradong buwan din ang dadaanin kagaya ng pag-aayos ng sa kanya. Hinawakan niya mga braso nakaikot sa bewang niya napikit at dinama ang higpit ng yakap nito.
"Hanggang bukas na lang merun tayo mahal ko sana naman huwag ka nang magalit sa akin!" pakiusap ni Maria.
"Kaihit kailan ay hindi ako magagagalit sayo pero hindi ko maiwasan magtampo kasi parang hindi naman ako mahalaga sayo. Mahal na mahal kita at darating din ang oras na hihiwalay ka rin sa pamilya mo para bumuo ng sariling mong matatawag na pamilya. Sana pagdating ng mga oras na iyon ako naman ang piliin mong makasama!".
Napaiyak si Maria sa sinabi nito, ramdam niya ang sakit nadulot ng desisyon niya sa bawat salita ni Sylvestre. Pero kailangan niyang panindigan ang desisyon niya. Hindi masusulit ng ama nito ang pagkakataon makasama ang pinakamamahal na anak kung nadoon siya. Mahahati at mahahati ang oras nito panigurado sa kanya at sa ama yung ayaw niyang manyari. Hahayaan niya itong umalis at maghihintay siya sa pagbabalik niti.
"Mahal kita Sylvestre maghihintay ako sa pagbabalik, mo nandito lang ako huwag kang mag-alala!"sabi ni Maria sa pagitan ng mga luha niya.
"Hindi ako magtatagal doon babalik din ako agad. Sana sa pagbabalik ko handa ka ng sumama sa akin!".
Humarap si Sylvestre kay Maria at pinunasan sa ang mga luha nito. Dahil sa ginawa ni Sylvestre napapikit naman si Maria. Ramdam niya ang init ng haplos nito lalo na nang mapasadaan ng mga daliri ni Sylvestre ang labi niya dahil doon ay napasinghap siya. Ang reaksyon naman ni Sylvestre ay kakaiba kaya hindi niya napigilan ang sarili angkinin ang labi ng kasintahan. Sa una ay dampi lang nangangaba siya na baka magalit sa kanya ang dalaga pero nang makita niyang nakapikit ito ay sinbukan niya muling halikan ito. Sa pagkakataong ito ay malalim at mapang-ankin ang halik. Ramdam niya ang kainosentihan ni Maria sa bawat tugon nito sa kanya.
Si Maria naman ay hindi alam kung papaano tutugon sa mga halik ni Sylvestre. Nahihiya man dahil wala siyang karanasan sa ganun bagay pero ayaw naman niyang pahintuin ito sapagkat gusto rin niya ang ginagawa nito. Hanggang sa napaupo siya sa kama pero hindi pa rin nilulubayan ni Sylvestre ang labi niya. Buo na ang pasya niya ngayon gabi ipagkakaloob niya ang sarili sa taong pinakamamahal niya at sigurado siyang hindi niya ito pagsisisihan.
"Sabihin mo Maria na itigil ko na ito!" hirap man pero sinusubukan niyang pigilan ang sarili.
Tumingin lang si Maria kay Sylvestre dahil hindi niya kayang sagutin ang tanong nito. Hinawakan niya ang kamay ng kasintahan at siya mismo ang naglagay nito sa tapat ng kanyan dibdib. Ramdam niya ang pagpisil ni Sylvestre sa kaliwang dibdib niya at dahil doon napapikit na lang si Maria sa ginawa ng kasintahan.
BINABASA MO ANG
Four Seasons of LOVE
Fanfiction"Apat na tao may iba't ibang personalidad. Paano sila magmamahal kung ang mga binuong sarili ay idinidikta lamang ng isang tao?"