Sakit At Katotohanan

590 45 42
                                    

1950's

Hindi madali ang pag-asyos ng papeles ni Maria. Umabot pa ito ng tatlong buwan bago niya nakompleto ang lahat. Anim na buwan na ang bata sa sinapupunan niya at malaki-laki na rin ang kanyang tiyan.

"Mag-iingat ka doon Maria, paniguradong matutuwa si Sylvestre kapag nakita ka. O binilhan kita ng panlamig kasi sabi ni Rosa ay umuulan daw ngayon doon ng yelo. Siguradong manginginig ang inaanak ko niyan!"

Napangiti si Maria kay Macario.

"Salamat Macario huh, nandito ka pa rin palagi kahit ganito na ang sitwasyon ko!" .

"Ay sus nagdrama ka na naman alam mo naman hindi na rin iba ang tingin ko sayo. Tama ka rin naman ng desisyon si Sylvestre ang pinili mo. Siya lang kayang magbigay sayo nang ganyang kasiyahan!" huminto si Macario sa kakaayos ng gamit ni Maria saka umupo sa tabi niya.

"Mag-iingat kayo doon saka aalagaan mo inaanak ko!" halata sa boses nito ang lungkot.

"Macario!" sabi ni Maria.

"Oo alam ko naman mas higit siya, lamang na lamang at walang makakapantay. Hayaan mo pasasaan ba't makakalimutan ka rin ng puso ko!" sabay ngiti ng mapakla.

"Masuwerte ang babaeng mamahalin mo Macario!" tanging yun lamang maiitutugon niya sa binata.

"Masuwerte pala e bakit ayaw mong maging masuwerte?!" nakangiting sabi ni Macario.

"Macario....".

"Oo na alam ko na, ihanap mo na lang ako nang magiging penpal doon sa Germany malay mo nandun pala ang kabiyak ng aking puso!" makatang sabi nito.

"Ay naku isa ka talaga sa nagpapasaya sa akin Macario!" naiiling at natatawang sabi ni Maria.

"Mabuti naman kung ganun!" tugon nito.

****

Araw ng kasal nila Sylvestre at Claudeth. Hiniling na mismo ni Caludeth na simplehan na lang ang kasalan dahil ang lahat nang magaganap ay palabas lamang. Suot ang simpleng puting bestida na malayang gumagalaw kapag humahangin. Dahan-dahan siyang lumabas sa silid at sinalubong ang kanyang ina at ni Sylvestre.

"Oh my sweetheart your stunning!" bulalas ng ina nito at agad lumapit sa kanya.

Lumapit na rin si Sylvestre sa mag-ina.

"Let's go auntie.. Claudeth!" aya

"Auntie? Call me mommy son!" naman nakangiting sabi nito.

Hindi na lang nagsalita si Sylvestre at ngumiti ng pilit. Kinuha niya ang kamay ni Caludeth at inilagay sa kanyang braso. Napatingin saglit ang dalaga at saka humanda para bumababa. Napabuntong hininga si Sylvestre hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng kaba. Dahil ba pakiramdam niya pinagtataksilan niya si Maria?.

"Panginoon ko patawarin nyo po ako sa aking gagawin nais ko lang pong makatulong. Nawa'y gabayan nyo po ako sa aking desisyon!" dasal ni Sylvestre.

"Sylvestre.. Yvez!?!" pukaw ni Claudeth sa diwa.

"ahhh... Yes!!?!!" sagot ni Yvez.

"Are you okay? Ahhmmm.. Last minutes changes?!" tanong ni Claudeth.

"No Claudeth and I'm fine!" maiksing sagot ni Yvez.

"If you having second thought we still have time-----"

"Claudeth please... The ceremony will start any minutes kaya hurry up! " sabi ni Yvez.

Wala nang nagawa si Claudeth kundu sumunod na lang kay Yvez.

Four Seasons of LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon