1950's
Hindi maipinta ang pagmumukha ni Sylvestre habang hinihintay niyang umuwi si Maria. Nag-umpisa na ang klase kaya madalas ay hindi na sila nagkakatagpo kahit na nasa iisang bahay lang sila nakatira. Natanggap na rin ito sa nirekomenda ni Macario na isang sikat na kainan sa lugar nila bilang isang serbedora. Gustuhin man niyang siya ang maghatid sunod nito pero si Maria mismo ang tumanggi kasi hindi praktikal. Imbes eskwela daw ang pokus niya ay panliligaw pa daw ang inaatupag niya. Alam naman niya na gusto ni Maria na makatapos siya pero mas lalo siyang hindi makapagpokus sa pag-aaral kun ang natatanging inspirasyon niya ay malapit ng maagaw ng iba. Narinig niyang nagbukas ang tarangkahan kaya dali-dali siyang lumabas para salubungin ang dalaga.
"O gising ka pa?" nagulat na sabi ni Maria.
"Hinihintay kita!" diretsong sagot ni Sylvestre.
"Dapat nagpapahinga ka na may klase ka ba bukas?" tanong nito sabay hawak sa batok nito.
Napatingin si Sylvestre sa mukha ng dalaga halata sa mukha nito ang matinding pagod. Umupo ito sa sala nila at siya naman dumiretso sa kusina para kumuha ng isang basong tubig. Bumalik siya sa sala at nakita niya nakapapikit ang dalaga habang nakaupo. Kahit halata ang pagod hindi pa rin kumukupas ang ganda nito. Parang ngang sa tingin niya mas lalong pa itong gumaganda . Ibinaba niya ang isang basong tubig sa isang lamisita sa tapat nito. Dahil doon napadilat si Maria at napatingin sa baso.
"Salamat Sylvestre!" nginitian siya nito ng ubod ng tamis.
"Mukang pagod na pagod ka huh!" sabi ni Sylvestre.
"Nitong mga nagdaang araw hindi tayo masyadong nagkikita kamusta ang eskwela?" tanong nito.
"Wala akong pasok bukas kung gusto mo ihahatid kita sa trabaho mo. Habang papunta doon saka tayo mag kuwentuhan. Magpahinga ka na kasi halata sayo ang matinding pagod!" sabay ngiti ni Sylvestre.
"Ano kaya kung magsimba tayo bukas Sylvestre? wala rin akong pasok bukas!" sabi ni Maria.
Sa totoo lang hindi alam ni Sylvestre kung paano itatago ang saya niya sa sinabi ni Maria.
"Gusto ko iyan Maria, ang ibig bang sabihin nito ay lalabas tayo bukas?" tanong nito.
Tumango ang dalaga saka ngumiti ng ubod ng tamis.
"O sige hindi na kita gagambalain pa, total naman magkasama tayo bukas halika at ihahatid na kita sa kwarto mo!" tumayo si Sylvestre saka inalalayan si Maria para makatayo.
Umakyat sila sa taas at huminto s tapat ng kwarto ng dalaga.
"Sige na Maria magpahinga ka na at magkita tayo bukas!" nakangiti ng sabi ni Sylvestre.
"Salamat Sylvestre, alam mo sa totoo lang sobrang masaya ako lalabas tayo bukas. Ilan araw na kasi hindi kita matyempuhan namimiss ko na kausapin ka at sabik na ako sa kwento mo lalo na sa mga nangyayari sayo sa bago mong eskwelahan!".
"Ikaw din Maria gustong-gusto ko na makasama at makausap ka. Simula kasi nag katrabaho ka na at pinagbawalan mo akong ihatid sundo hindi na kita nakakausap ng sarilinan. Akala ko tuloy mas gusto mo pang kasama si Macario kaysa akin!" halata sa boses ni Sylvestre ang paghihinampo.
"Dibale bukas magkasama tayo pwede natin pag-usapan ang lahat-lahat!" nakangiti ng sabi ni Maria.
"Lahat- lahat pati sa yung tungkol sa atin?".
"Oo bukas pag-uusapan din natin ang tungkol sa atin pagkatapos natin magsimba sa bayan!" sabi ni Maria.
Nagpaalam na si Sylvestre at sobrang nasa sabik na siya para bukas.
BINABASA MO ANG
Four Seasons of LOVE
Fanfiction"Apat na tao may iba't ibang personalidad. Paano sila magmamahal kung ang mga binuong sarili ay idinidikta lamang ng isang tao?"