Tanong At Sagot

526 51 44
                                    

1990's

"Mom!!!" tawag ni Harold kay Claudeth.

Kasunod nitong pumasok sa bahay nila  ang dalawa pa nitong kapatid na sina henry at Hommer.

"Mom!!" sigaw muli ng mga anak ni Claudeth.

Hanggang makita nila ang ina na nasa garden at payapang namimitas ng bulaklak mula sa alaga niton mga orchids.

"Oh napasugod kayo dito, wala pa sabado huh!" nakangiting sabi Claudeth.

Yes marunong na siyang magtagalog isa mga inaral niya para magkaintindihan sila ng husto ni Sylvestre. Magti-thirty years na rin silang mag-asawa at kaharap niya ang tatlong supling na pinagkaloob sa kanila.

Akala niya nung araw na mawala ang pinagbubuntis niya ay maghihiwalay na rin sila ni Sylvestre pero nag-open ito sa kanya at nakiusap na subukan maging maayos ang pagsasama nila kahit wala na ang dahilan kung bakit sila nagpakasal. Noong una ay hindi siya sang-ayon sa kagustuhan nito sapagkat alam niyang mahal na mahal nito si Maria. Pero nang ikinuwento nito ang mga nanyari sa pagitan ng dalawa mas tumibay ang desisyon na palayain na niya ang lalaki. Sinuyo siya ni Sylvestre sa sampung taon na panliligaw nito ay bumigay na rin ang puso niya dito. Hindi mahirap mahalin si Sylvestre kahit noon una pa man ay hinahangaan na niya ito. Siguro naman sapat na ang panunuyo nito para masabi niyang kahit paano napasok na rin niyaang puso ng lalaki. Biniyayaan sila ng tatlong supling sina Harold, Henry at Hommer. Taon 1990's nang maisipan nilang bumalik sa Pilipinas para doon magkolehiyo ang mga anak. Nag-aral siyang magtagalog nang sa ganun ay hindi siya mahirapan makisalamuha sa mga tao.

"Mom, totoo ba?" tanong ni Harold.

"Ang alin?"  nagtatakang tanong ni Claudeth sa seryosong pagmumukha ng mga anak.

"Na kaya tayo bumalik dito sa Pilipinas dahil may hinahanap si Papa?" singit ni Henry.

Nagulat man si Claudeth pero agad siyang nakabawi at ngumiti.

"Saan nyo naman napulot yan balita na yan?".

"May nakapagsabi sa amin tungkol sa babaeng nagngangalan Maria!" seryosong sabi ni Harold.

"At naniwala naman kayo agad?" balik niyang tanong sa mga anak.

"Kaya ba palaging wala si Papa dahil hinahanap pa rin niya ang first love niya. At okay lang yung sa inyo?" nagsalita na rin si Hommer ang pinakabata sa magkakapatid.

"Wala ba kayong tiwala sa papa ninyo at napakadali ninyo maniwala sa mga sabi-sabi lang!".

"Mom, mahal ka namin kaya ayaw ka namin nasasaktan!" sabi ni Henry.

"Nasa mukha ko ba ang nasasaktan anak?" natatawang sabi ni Claudeth.

"Mom!!!".

Okay fine, siguro nga dapat na ninyong malaman since hindi na kayo mga bata at alam kong marunong na kayong umintindi. Pero ipangako ninyo sa akin na hinding hindi na mababago ang pagtingin ninyo sa papa nyo! " sabi ni Claudeth sa mga anak.

Nagsitanguan naman ito at nakinig sa kwento niya.

"Basically mom may iba kayong mahal ng mga oras na iyon pero hindi kayo pinanagutan. So si kuya Harold pala ay kapatid lang namin sa inyo at iba ang tatay niya!" sabi ni Hommer.

"Nope, hindi ka ba nakikinig ang pinagbubutnis ko noon at dahilan kung bakit kami napakasal ng papa nyo ay namatay din ilang buwan bago namatay ang anak nila ni Maria!".

"So kapatid ka pa rin namin kuya Harold!" masayang sabi ni Hommer.

Pero seryoso pa rin ang mukha nito.

Four Seasons of LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon