10

190 24 2
                                    

Memories

Tumigil ang aming sinasakyan at nag-umpisang umingay ang paligid. Nag stop over mo na kami para sana makakain.

"Bumaba kana diyan Kisses at nang makakain na muna tayo."

Pagkababa ko ng sasakyan ay ang saktong pag sarado ng pintuan ng van na nasa aming likod. Nilingon ko si Tony na mukhang kagigising lang. Nahuli niya akong nakatingin sakanya kaya agad ito nagpakawala ng ngisi.

"Looking for me huh.." sinabayan niya ako sa paglalakad ngunit masyado malaki ang aming pagitan para makita ng lahat na naguusap kami.

Bago pa man kami makapasok sa kung saan naroon ang aming kasama ay hinila niya ako sa may gilid kung saan walang tao.

"I want to kiss you." bulong nito saakin.

Hindi ako makatingin sa mata niya, napakaunfair dahil siya malayang nakatingin saakin.

"Baka may makakita saatin."

Ngumisi itong muli at inilibot ang paningin. "Wala namang tao, busy sila."

Nilapit niya ang kanyang mukha saakin at maigi akong pinagmasdan. "I miss looking at you this closer."

Agad ko siyang naitulak nang biglang sumulpot si Hilda at mayroong nakakalokong ngiti.

"Masyadong maraming langgam dito!"
Tiningnan ko si Tony at agad nakaramdam ng hiya, feeling ko ay sobrang pula ko na.

"Maya na kayo magharutan ah, hinahanap na siya sa loob eh." sabay hila saakin ni Hilda. "By the way mas bagay kayo!"

Agad kung siniko si Hilda dahil sa kanyang sinabi. I can't believe her.

"Yung ngiti mo abot langit!"

Inayos ko ang sarili ko ng makita si Mommy na nakatingin saakin pag pasok namin sa loob ng resto.

"Where have you been?"

Sinulyapan ko si Donny na busying pinagmamasdan ako at mukhang naghihintay rin ng sagot.

"Nasa sasakyan lang po ako." sabi ko at agad umupo sa tabi ni Hilda.

"Here you are Anthony!" hindi na ako lumingon pa dahil ayokong iba ang maisip nila. "We are actually talking about you, sinasabi ko rito sa kapatid mong si Donny kung may napupusuan ka na bang babae, para maayos na natin ang inyong kasal."

Halos masamid ako sa narinig ko, siniko ako ni Hilda at sinundan ko ng tingin ang kanyang tiningnan, infront of us is Tony's large frame.

"I have plans." umupo ito sa tabi ng isang lalaking matanda na kung tama ang hula ko ay si Lorenzo malapit na kaibigan ni Mommy.

"Then who's the lucky girl? Make sure she came from a good family." wika ng matanda.

"Wag na nating pag-usapan ang tungkol riyan Lorenzo, i'm sure Tony knows what his doing." putol naman ng isang ginang.

"His 22 years old Amanda, maaaring nagenjoy pa siya ngunit kailangan niya rin ihanda ang sarili niya para riyan."

"Old enough to make his own decision."

Malakas ang pakiramdam ko na may galit ang matandang babae kay Tony.

"Why not talk about something that matters, the upcoming wedding of Kisses and Donny." nakangiti sabi ng matanda.

Uminom ako ng juice at sinulyapan si Tony. Walang tigil ito sa pag ngisi.

"Mayroon nabang tentative date Beatriz?"

Tumaas ang kilay ni Mommy at agad binalingan si Tita Amanda. "I told you already matagal na nawala si Kisses so for now ayokong mawala nanaman ulit siya saakin."

"Well, you have a point there Beatriz, pero tanong payag pa rin ba itong anak mo sa napagkasunduan?"

Natigilan ang lahat sa tanong na iyon, maging ako at napaisip sa sinabi niya. I looked at them akwardly.

Hindi ko pa man naibubuka ang aking bibig ay may nagsalita na.

"I'm patiently waiting na makaalala si Kisses." boses ni Donny.

"Pero Hijo hindi pwedeng habang buhay nating hintayin na bumalik ang kanyang alaala, i'm sure gaya ng dati ay nagmamahalan pa rin kayo. Sabi nga ni mawalan man ang lahat ng alaala ang puso hinding hinding makakalimot."

Napairap ako sa sinabi niya.

"I don't want to sound rude Tita Amanda pero mukhang naiilang si Kisses sa usapan." singit ni Tony.

Mas lumakas ang kabog ng aking dibdib dahil sa sinabi niya.

"Naiilang ka ba Hija?" ngayon ay bumaling ito sa akin.

Tumango lamang ako sakanya at ngumiti.

"My fault!" and then she stopped talking.

Pagkatapos ng aming pagkain ay balik byahe muli kami, inabot kami ng ilang oras dahil na rin sa traffic. Kaya naman nang dumating kami sa bahay ay talagang binagsak ko ang aking sarili sa kama at pinikit ang aking mga mata.

Nasa kalagitnaan ako ng aking tulog ng magising ako dahil sa pagtunog ng aking cellphone.

The number is unregistered, before kami pumunta ng Tagaytay ay binilhan ako ni Mommy ng cellphone para magamit.

Sinagot ko ang tawag at hinintay mo na ang tao sa kabilang linya ang unang magsalita.

"Hello...."

Napangiti ako nang marinig ko ang pamilyar na boses sa kabilanh linya.

"Uhm..., who's this?"

"Your future boyfriend."

Halos mapunit na ang mukha sa sobrang laki ng aking ngiti.

"Donny?"

Halos marinig ko ang mura niya sa kabilang linya dahil sa sinabi ko. Tumihimik ang kabilang linya.

"Hi Mr Labrusca.."

Hindi pa rin ito umimik.

"Ilang oras palang kitang hindi nakikita namimiss na kita agad..."

Isang buntong hininga ang pinakawalan niya mula sa kabilang linya.

"I miss you too my Kisses!"

Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, natatakot ako sa pwedeng mangyari kapag nalaman ito ni Mommy. Pero...,

"Nasabi ko na ba sayong naaalala na kita?"

"You don't need to tell me nakikita ko sa mga mata mo..,"

"At kahit hindi ko pa maalala ang lahat ng tungkol sayo I know how much I love you..."

"Mas mahal na mahal kita, let's start to make new memories.."

Napangiti akong muli.

"I am more than willing to make new memories with you..."

A/N: Siguro nagtataka yung iba kung bakit puro POV lang ni Kisses, actually ang balak ko talaga POV lang niya tas yung POV ni Tony ay yung last chapter. Puro nagbago ang isip ko hahahaha. So yun, for the next chapter it will be the most awaited POV of Daddy Shark! :)

Happy new year Everyone!

The better version of our love (Kisses and Tony)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon