7

210 22 1
                                    

A/N: The previous chapter and 7 is a flashback, ito yung mga naaalala ni Kisses. Don't forget to vote and follow me.

Alaala kasama siya..

Hindi naging madali ang mga araw, una ay ang hindi pagpansin saakin ni Mommy, pangalawa ay ang mga tanong saakin ng aking mga kaklase at ang huli ay ang pagsakit ng aking puso tuwing makikita kung magkasama si Sasa at Donny.

Tuwing papasok ako ay iniiwasan kung makita o makasalubong sila hindi dahil natatakot ako kundi ayaw kung may masabi akong masama sakanila. After all Sasa is a family and Donny is a family friend.

It's been a month at alam na alam na ng lahat ang tungkol sa relasyon nila. Minsan ay naiingit ako dahil kahit minsan ay hindi nalaman ng buong na naging kami ni Donny. Ang tanging alam niya ay malapit kaming magkaibigan na mayroong espesyal na nararamdaman sa isa't isa.

"Hindi mo pa rin ba napapatawad ang kapatid ko?"

"Believe it or not wala akong galit sakanya."

"You're such a good person, bakit ka nagawang pakawalan ni Donny?"

Nilingon ko siya. At umiling.

"If I am Donny, I won't let you go. Handa akong hawakan ka ng mahigpit at hinding-hindi ako papayag na makawala ka pa."

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sakanya, basta ang alam ko tuwing kasama ko siya masaya ako at nakakalimutan ko lahat ng sakit.

"Kaso hindi ikaw si Donny..., madali lang para sakanyang bitiwan ako."

Parang sinasaksak ang puso ko tuwing maririnig o mababanggit ang kanyang pangalan.

"Of course I am not Donny, magkaiba kami. Magkaibang magkaiba." nakatitig nitong sabi saakin.

"Stop it! Nalulungkot lang ako lalo." i playfully said.

Totoong magkaiba sila in terms of attitude and personality. Si Donny kasi yung tipo ng lalaking mahilig maglaro pero seryoso, mahalaga sakanya ang opinion ng mga magulang niya. Napaka family oriented niya, prim and proper. At si Tony naman yung tipo ng taong happy go lucky, though family oriented din ang kaso ay gagawin niya ang kung anong gusto niya. He lived like it is the last day of the world, wala siyang sinasayang na oras. Wala siyang paki sa sasabihin ng iba as long his happy and contented.

"Totoo bang lagi kayong magkasama ni Tony?" isang araw nang makita ako ni Donny ay agad niyang akong hinarang.

It's three months at masasabi kung okay na ako, at isa sa malaking dahilan ay si Tony. Pinaramdam niya saakin na life is beautiful wala dapat sinasayang. Lagi rin kaming magkasama tuwing school days at kung minsan ay tuwing weekdays.

"So what?" iritado kung tanong.

Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak niya saakin.

"Bakit siya pa Kisses?!"

"Noon ba tinanong kita kung bakit si Sasa?" natameme siya sa sinabi ko.

"Hindi kayo pwede Kisses alam mong ayaw ng Mommy mo sakanya."

Tinanggal ko ang kamaya niyang nakahawak sa aking braso.

"At sinong gusto ng Mommy ikaw? Maybe yes, ikaw nga ang gusto nila para saakin. Pero hindi na ikaw ang gusto ko para saakin." i said itwithout hesitation.

"Let's fix this, i'm ready."

Napatawa ako sa sinabi niya.

"Wala na tayong dapat ayusin dahil maayos na ang lahat. You're ready? Why don't go to Sasa's parents and tell them that you're willing to marry their daughter, baka matuwa sila sayo!"

"Hindi si Sasa ang gusto kung pakasalan kundi ikaw."

Damn!

"Hindi na ikaw ang gusto kung pakasalan Donny." bakas sa mukha niya ang pagkabigla. "Buti nalang pala tumanggi ka noon dahil kung kinasal tayo baka punong puno ako ng pagsisisi, kahit papaano pala ay tama rin ang ating desisyon na maghiwalay atleast nadiscover natin kaya pa pala nating sumaya kahit hindi sa piling ng isa't isa.

Ngumiwi siya saakin. "Si Tony na ba ang gusto mong pakasalan?!" muli niyang hinawakan ang braso ko at hinila. "Do you love him?" mas galit niyang tanong.

"Kung papipiliin man ako sainyo dalawa, sigurado akong hinding-hindi ikaw ang pipiliin ko Donny."

Tinalikuran ko siya ngunit hinagit niya ang aking kamay dahilan para ako'y mapaharap sakanya.

"I'll make sure na hindi siya ang pipiliin mo Kisses, mark my words."

Wala akong pinakitang ekspresyon sakanya maliban sa galit mula sa aking mga mata.

"Now this made me realize that I am lucky that we are not in a relationship anymore Donny."

Bumukas ang pintuan ng aming bahay at isang malakas na sampal ang sumalubong saakin.

"Dahil ba kay Anthony kaya nagkakaganito ka Kisses?!!" bakas sa boses niya ang galit. "Pinagpalit mo ba si Donny sa half brother niya!" mas lalong lumakas ang boses niya at mula sa likuran ay sumulpot ang nakapamewang na si Sasa.

"Sino naman ang nagsabi sayo niyan Mom? Si Sasa?"

Hinaplos ko ang pisngi kung sinampal ni Mommy.

"Sabagay kahit kailan hindi mo ako pinaniwalaan, kahit kailan hindi mo ako kinampihan."

Out of frustration kung sabi.

"And where did you get that idea? I want the best for you Kisses, I want Donny dahil alam kung maibibigay niya ang best para sayo."

Ibinagsak ko ang aking gamit at lumapit sakanya.

"Did you ever ask me kung gusto ko ba ang best na sinasabi mo? All my life pinlano mo na, kung saan ako papasok, kung sinong dapat kung kaibigan, kung anong damit ang dapat kung suotin, kung anong gupit ang kailangan ko, kung saang competion ako sasali. Lahat pinlano mo na Mommy without knowing kung gusto ko ba iyon, without asking me if thats can make me happy." nabadyang bumuhos ang aking luha ngunit pinigilan ko ito. "Minahal ko si Donny believe me, I am more than willing to sacrifice para sakanya pero siya hindi, he wants to explore at hindi ko siya kayang pilitin sa kung ano ang hindi niya gusto."

"That's enough!" singhal ni Mommy. "Your reasons are full of shit!"

"This life that I have is full of shit Mom! I don't want this life."

Ang buhay na aking gusto ay simple lang, pero ang buhay na mayroon ako ngayon ay napaka komplikado.

"Kailan ka pa natutong sumagot ng ganyan? Don't tell me pati yan ay naadapt mo sa lalaking iyon!"

"No mom, I have learned many things with the life I have, with the life you have given me. I thought it was perfect, I thought this kind of life would make me happy. Pero hindi! The life I have is already planned, bago pa man ako isilang sa mundong ito pinlano mo na ang buhay ko."

"So what's your point here!?"

"I'm leaving mom, ayoko ng makulong sa bahay na ito, akong ng planadong buhay!"

And then I walked out. Without any hesitation, without looking back. This is the best decision I can do.

The better version of our love (Kisses and Tony)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon