1

300 23 4
                                    

Alaala

"Masaya kami sa naging desisyon niyo..."

Iba't ibang mukha ng tao ang masaya habang nagsasalita.

"Finally she will become a Pangilinan soon" nagpalakpakan ang lahat.

"Natutuwa ako at sinunod mo ang kagustuhan ng iyong Papa Kisses"

"I know that Papa is happy already, because finally i'll marrying Donny..."

Isang malakas na ingay ang dahilan kung bakit napabalikwas ako at nagising. Kagaya ng dati ay pawis na pawis ako at sobrang lakas ng kabog ng aking puso. Ilang buwan matapos kaming lumipat sa Maynila ay lagi na lamang ako nananaginip. Hindi ko kilala kung sino sino ang mga taong nasa aking panaginip. But one thing is certain, ako si Kisses., at kung ako talaga siya sino si Donny? Anong kinalaman ko sakanya?

"Pawis na pawis ka riyan Tin.." agad akong nilingon ni Hilda na kanina busy sa pag-aayos ng kanyang mukha. "Wag mong sabihin na napanaginipan mo ulit yung lalaking sinasabi mo."

"Donny ang pangalan niya Hilda."

Agad lumapit saakin si Hilda. "Donny?"

Sabi sa panaginip ko soon to be Pangilinan? Kung ako si Kisses ibig bang sabihin na before mawala ang alaala ko ay ikakasal palang ako? 20 palang ako, at maging sa edad ko ay hindi ako nakasisigurado.

"Donny...Pangilinan" ulit ko.

Donny Pangilinan sino ka? Bakit ako ipakakasal sa iyo?

"Hilda, ikakasal ako sakanya." mas lalo lamang akong nakaramdam ng kakaibang takot.

"Kung sabagay, uso ang fixed marriage sa mga mayayaman kaya hindi na ako magtataka pa."

"Pero hindi iyon ang ikinakabahala ko, baka isa sa dahilan ang pagpapakasal saakin kung bakit ako nandito ngayon."

"Paano mo naman nasabi iyan?"

"Baka hindi ko gustong ikasal sa lalaking iyon, baka dahil fixed marriage kaya ako umalis at naaksidente?" mas lalo lamang gumulo ang aking pagiisip. "Kailangan kung mahanap si Donny siya lang sa ngayon ang makakasagot sa mga katanungan ko."

"Paano natin siya hahanapin? Napakalaki ng Maynila Tin."

"Sa mga social medias for sure my account iyon."

Umaga ng sabado nang niyaya ako ni Hilda na sumama sakanya sa isang mall na kung tawagin ay SM, doon daw kasi niya kukunin yung orders para sa kanyang business sa bar na kanyang pinapasukan. She's a waitress there, ayaw na niyang maging dancer ulit. Nahihiya na nga rin ako sakanya dahil hindi man lang ako makatulong sa pagbayad ng kwartong inuupahan namin. Kaya naman binabalak kung maghanap ng trabaho.

Hindi kagaya sa Batangas maganda at malaki ang Maynila, ang matatayog na building at ang mga naglalaking billboard. Sa sobrang laki nito ay sobra rami na rin ng tao.

"Maaari ba akong pumasok bilang waitress sa pinapasukan mo para naman makatulong rin ako."

"Wag mong isipin na pabigat ka saakin Tin, wag mo ring isipin pang magtrabaho roon sa bar maraming bastos roon. Ayoko gawin nila sayo ang ginagawa nilang pambabastos saamin."

Kung binabastos siya roon bakit kailangan niya pang magtrabaho sa lugar na iyon. Minsan naiisip ko na kahit ganito ang sitwasyon ko maswerte ako at mayroong isang taong handang tumulong saakin kahit pa hindi niya ako kadugo.

"Sobrang laki ng Maynila, ang gaganda ng mga kotse pati ang mga tao."

Hindi ko maintindihan pero parang hindi bago saakin ang lugar. Animo'y pinagsawahan ko na ang lugar na ito, hindi man lang ako nakakaramdam ng galak habang narito.

"Diyan tayo pupunta" tinuro ni Hilda ang isang malaking mall na may nakalagay sa itaas na SM. "Sabi kasi noong kaibigan kung si Aly diyan daw mahahanap yung mga magaganda at magarang telepono."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Hilda buong akala ko kay ay kikitain kami rito.

"Nakuha ko na yung sweldo ko at balak ko sanang bumili ng cellphone para naman mayroon tayong libangan sa bahay.."

"Sigurado ka ba?" pag-aalinlangan ko.

"Wag kang mag-alala sa susunod na sahod ko ikaw naman ang bibilhan ko, mag share mo na tayo sa ngayon."

"Hindi mo na ako kailangang bilhan Hilda sapat nang pinapatira mo ako sa iyong puder."

Ngumiti ito saakin at agad akong inakbayan.

"Mahirap tanggahin ang kagaya mo Tin, ikaw nalang rin ang mayroon ako."

Pumasok kami sa loob ng mall upang maghanap ng cellphone sinasabi ni Hilda.

"Kukunin ko na ba ito?" narito kami sa stall ng Cherry Mobile, nakakita kasi si Hilda ng cellphone na kanyng nagustuhan.

Tumango lamang ako at muling inilibot ang aking paningin, sobrang dami ng tao ngayon kung sabagay Sabado ngayon.

Iniabot ni Hilda ang bayad matapos niyang makuha ang gusto niyang cellphone.

"Naiihi na ako, saan ba ang cr rito?" tanong ko.

"Tara hanapin natin." sabay hila nito saakin.

Mahigit sampung minuto bago namin natagpuan ang banyo.

"Hintayin nalang kita rito sa labas."

Hindi ganun karami ang tao sa loob ng banyo kaya mabilis ako nakapasok sa loob at nakaihi. May iilang babae ang nasa harapan ng salamin at naglalagay ng pulbo.

Natigilan ako ng marinig ko ang isang babaeng nagsasalita mula sa labas.

"I told you mahirap ng mahanap siya, after the accident malamang she's dead already. And besides, Don's is happy already without her."

Lumabas ako ng banyo nang hindi tinitingnan ang mga babaeng naroon sa loob. Hindi ko sila kilala pero noong marinig ko ang salitang aksidente ay para kinabahan ako sa hindi ko malamang dahilan.

Mabilis ko hinila ang kamay ni Hilda at naglakad ng mabilis, ngunit mayroong malamig na kamay ang humagit sa aking braso dahilan para mabitawan ko ang aking kaibigan.

Isang matangkad, maputi, may mapulang labi at gwapong lalaki ang nasa aking harapan.

"Kisses..." baritonong niyang sabi.

Agad akong lumapit kay Hilda sa hindi ko malamang dahilan sino siya?
"Hindi siya si Kisses." singit ni Hilda.

Maigi kung pinagmasdan ang lalaki, biglang bumilis ang tibok ng aking puso ng dumapo ang kanyang mga mata sa aking mga mata.

"You're alive..."

Lumapit itong muli saakin ngunit mas lumayo lamang ako sakanya.

"Hindi kita kilala sino ka ba?"

Ni minsan sa mga kakaiba kung panaginip ay hindi ko siya nakita., pero iba ang nararamdaman ko sakanya.

Tiningnan agad ako ni Hilda dahil sa sinabi ko. "Kilala mo ba ito?" umiling lamang ako.

"I'm Marco.," inilahad niya ang kamay niya ngunit tiningnan lamang namin iyon. "Tita Beatriz will be happy, matagal ka na niyang hinahanap. Akala namin ay tuluyan ka ng nawala."

"Hindi kita kilala at walang akong kilalang Beatriz."

Author's note: And yes part si Donny ng story :) Don't forget to vote :)

The better version of our love (Kisses and Tony)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon