18

166 18 2
                                    

Lasing

Isang sopistikada at matangkad na babae ang nasa harap namin ni Steven ngayon, hindi gaya ng aking inaasahan ay namangha ako sa kanyang ganda. She's really a goddess. Ang maliit ngunit matangos niyang ilong, ang mapula niyang labi, ang kulay brown niyang mata, ang mahaba niyang lashes at ang hugis ng kanyang mukha it is all perfect made.

"I've been dying to meet you Kirsten, nakukwento ka kasi saakin Donny nung sa New York pa ako., tama nga siya you're really gorgeous."

Sobrang hinhin niyang magsalita, at the way niyang bigkasin ang bawat salita ay napakagandang tingnan.

"Well, actually that guy is madly in love with you noong naroon pa ako. That's why I really want to meet you, pero hindi pa kami nun ni Anthony."

Para akong napuwing dahil sa paghawak niya sa braso ni Tony, agad akong umiwas.

"I'm sorry masyado na ata akong madaldal."

Ngumiti ako sakanya bago sumubo ng steak na sa aking pinggan.

"By the way nakausap ko na si Nathan and okay na sakanya."

Tiningnan ko si Tony na busying hinahati ang steak niya.

"That's good to know." maikli niyang sagot.

"Yung designs pala nang bawat cafe is for printing na and ipapadala ko nalang sa office mo by tomorrow, para if ever na may mga adjustment kang gustong gawin just tell me."

"Love, can you send me those design para naman makita ko."

Napaiwas agad ng tingin. Nilingon ko si Steven na busying pinagmamasdan kami.

"Of course i'll send you.."

"By the way totoo bang nililigawan ka ni Nathan Andres Yambao?"

Natigilan ako sa sinabi niya.

"Actually we are really close with each other, minsan rin lumalabas kami pero with some friends din naman."

"His a playboy, pero ang balita ko naging stick to one daw siya because of you."

Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni  Tony sa usapan. Gusto kung isiping nagseselos siya, pero ayokong umasa.

"We are here for the business love, stop changing the topic." seryoso niyang sabi.

"I'm just curious, i'm sorry love." malambing niyang sabi.

Agad na natapos ang meeting namin at kaya naman nagyaya si Steven na magbar kami.

Kung paano niya hawakan ang bewang ni Ava ay para akong unti unting sinasaksak ang puso ko. I hate to admit it! I'm jealous! Sana ay ako nalang siya! Sana ay ako ang tumatawag sakanya ng love, sana ay ako ang lumalambing sakanya at sana ako ang inaalagaan niya. Pero ay mga iyon ay mananatiling sana nalang.

Maingay ang buong lugar ng pumasok kami ni Steven sa loob, agad niya akong hinila sa isang table kung saan medyo hindi crowded. Umorder na rin siya ng mga hard liquor, i'm not use to it pero kailangan ko ito ngayon. Para kahit isang gabi lang ay makalimutan ko ng lahat.

"Let's dance girl!" hinihila niya ako pero umayaw ako, kaya wala rin itong nagawa.

Sobrang dami ng tao sa dance floor, ang lahat ay sumasayaw sa sobrang saya, sobrang lakas ng music ang rinig na rinig sa buong lugar.

Unti-unting umikot ang aking paningin ng makatatlong inom ako ng kulay brown na inumin. Alak! Naglakad ako patayo kahit pa hilong hilo na ako, I was about to step on the dance floor and feel how free I am right now ng biglang may malamig na kamay ang humila saakin.

Unti-unting nawala ang maraming tao, at unti unting humina ang kanina'y malakas na ingay. Umiikot pa rin ang aking paningin ngunit nagawa kung tingnan ang buong paligid, nasa isang parking lot ako.

Nilingon ko ang lalaking may hawak ng aking kamay. Nanatili ang kanyang kamay sa aking braso.

"Bitaw! Nasasaktan ako!" pilit kung binabawi sakanya ang aking kamay ngunit masyadong mahigpit ang kanyang pagkakahawak.

"What the fuck are you doing to yourself?!"

"I'm having fun Tony, can't you see?"

Nag-igting ang kanyang panga sa aking sinabi. Fuck!

"Is this fun for you?! Ano bang ginagawa mo sa buhay mo!"

Tinulak ko siya pero hindi iyon naging sapat.

"I want to forget you Tony! Kahit isang gabi lang na hindi ko makikita ang mga kamay mong nakahawak sa bewang ng iba, isang gabi lang na mawala ka sa isipan ko para hindi ako nasasaktan ng ganito! Just one night!"

Nagsimula na muling bumagsak ang luha sa aking mata. I hate this situation! Masyado akong nanghihina.

"Akala ko madali lang eh! Akala ko kapag nakita na kitang masaya, magiging masaya na rin ako para sayo! Pero mahirap pala..." pinahid ko ang luha ko at agad lumapit sakanya. "Kasi kahit anong gawin ko hindi ko magawang maging masaya para sayo!"

"You're drunk!"

"Whether I am drunk or not pareho parin ang nararamdaman ko."

"Stop it!" sigaw niya.

"Hindi mo na ba ako mahal Tony?"

Umiwas siya ng tingin saakin. "Kasi ako sobra sobra pa rin kitang mahal."

"Stop hurting yourself Kisses, it won't help you!"

Para akong unti unting nadudurog.

"Nasasaktan ako kasi mahal kita." mas lumapit pa ako sakanya pero inilayo niya ang kanyang sarili.

"Stop playing games it's not worth it!"

Don't hate me please!

"Naalala mo lahat ng sinabi ko noon, that was all lies. Noong tinaboy kita i want to run..habulin ka at bawiin lahat ng sinabi ko. Letting you go is my greatest regret in life. Please!!"

Yeah i'm drunk pero lahat ng ito ay totoo.

"Bumalik kana saakin please, bumalik kana mahal ko..." napapaos kung sabi pero mas lalo lang siyang lumayo saakin.

"I'm sorry Kisses." para akong sinaksak ng punyal sa sinabi niya.

Pinilit ko siyang lapitan at abutin ang kanyang mukha.

"Hindi mo na ba ako mahal?" tanong ko sa gitna ng aking pag iyak.

Please!!

"Bumalik kana saakin please, hinding-hindi na kita sasaktan pa."

Para na akong nagmamakaawang mahalin niya.

Hinawakan niya ang dalawa kung kamay.

"I'm sorry."

Binitawan niya iyon at agad akong tinalikuran. Damn!

"Mas mahal mo ba siya?" natigilan siya sa tanong ko.

"Mahal ko siya."

Bumuhos ang napakalakas na ulan pagkatapos niyang sabihin ang tatlong salitang iyon. Para akong ninakawan ng puso dahil sa mga sinabi niya.

Baka nga talagang mahal niya si Ava at yun yung love na kahit kailan ay hindi na mabubuwag. Baka nga ito yung sinasabi niyang "strong love" yung tipong no one can ruin. 

Ngayong gabi ay pinilit kung sirain ang kanilang relasyon, para lang bumalik siya saakin. Pero ngayong gabi rin ay tuluyan na niyang sinagot ang matagal ko ng tanong.

Pinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang ulan. Yeah! I'm drunk!

Ps: I'll be updating another chapter pambawi kasi walang update kahapon.! Enjoy reading everyone!

The better version of our love (Kisses and Tony)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon