17

172 20 3
                                    

Pagpapatawad at pagtanggap

Tahimik at tanging ang tunog lang ng aircon ang nagpapaingay sa buong silid. Tuwing pumapasok ako rito is either mayroong meeting or kailangan kung mag-isa. But today I am with him, in this large room. I am with someone I love the most.

Nakataas ang isa nitong kilay habang akong pinagmamasdang maigi.

"I didn't expect you to be here Mr. Anthony." para akong mahihimatay habang nagsasalita at siya naman ay titig na titig.

"Hindi ko rin inexpect ka papayag ka sa partnership. I was really surprised Ms. Delavin."

Unlike before ay matured na siya, pero gwapo pa rin. Manly features, at ang lakas ng kanyang dating. Yung tipong makalaglag panty. Just kidding!

"I love the idea, kaya why not? My company will also get benefits from it. At wala akong nakikitang mali roon." ngumiti ako sakanya. "So by the where did you get this idea? I mean why caffe, mas marami namang magagandang business diyan aside from this one."

Inayos niya ang umupo niya at inilagay ang parehong kamay sa lamesa.

"Well aside from it is trending at maraming teenagers ang nahohook sa ganitong business., my girlfriend Ava also suggested it."

It hurts you know.

"Oh so,. If that's the case why don't you bring Ava to our next meeting para naman makarinig din ako ng iba pang brilliant suggestions."

"She's kidda busy right now, but i'll try to talk to her."

Biglang tumahimik muli. This is so awkward.

"Napili mo na ba ang lugar na gusto mo for this business?"

"That's my problem actually, may mga nakausap na ako and some of the our okay. But there is this one place na gusto kung patayuan na mukha mahihirapan tayong kunin ang kanilang loob."

"Kaninong property ba?"

"Yambao's property, yung anak nila ang namamahala."

"Nathan Andres Yambao?"

"Yes, you know him?"

"He is a friend of mine. I can talk to him if that's your problem."

Tinaasan niya ako ng kilay. "I can come with you."

"You don't need to Mr. Anthony this is the least I can do for this business."

Bumakas ang pintuan dahilan para matigilan kami sa pag-uusap.

"Oh I'm sorry akala ko walang tao" isasarado na sana ni Steven ang pintuan ngunit agad akong nagsalita.

"Stev, can you please tell Fely na tawagan si Nathan paki sabi I need to talk to him."

Ngumisi na parang aso si Steven. "Did you change your mind already, sasagutin mo na ba siya?"

Pinanlakihan ko ng mata si Steven kaya agad niyang sinarado ang pintuan.

"I'm sorry for that."

"So that Nathan Yambao is courting you?"

Tinaasan ko siya ng kilay, are you jealous Tony?

"That's a personal question."

Ngumisi ito saakin. "I'm just asking, kaya ba madali sayong mapapayag siya because he likes youu." nanunuya niyang sabi.

"Mr. Anthony ayokong naging bastos, pero please respect me. Your question is just too personal, and don't worry hindi naman kita sisiraan sakanya. Just like what I have said Nathan is a friend, kung nanliligaw man siya o hindi wala ka na sigurong pakialam doon."

Napairap nalang ako dahil sa inaasta niya.

"Look Kisses wag na tayong magpretend rito, alam naman nating kahit anong gawin natin magiging personal pa rin ito saating dalawa., I hope we are both okay now. Para rin sa company nating dalawa ito."

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sakanya. Dahil ang totoo ay hindi pa rin ako okay.

"Let's be casual nalang, I think that's the best thing we can do to make this business successful."

Umiwas ako ng tingin sakanya. "I like that."

Kung ganito talaga ang ending namin I think i need to accept it. Masaya na siya at kitang kita ko iyon sakanyang mata. Baka nga kailangang maging masaya na rin ako para sakanya.

"I'm happy for you Tony."

Huli kung sabi ngunit nilingon niya lang ako at ngumiti.

Parang akong natauhan dahil sa batok na natanggap ko kay Hilda. Dumiresto muna ako sa Condo niya bago umuwi ng bahay.

"What?! Hindi mo sinasabi sakanya mahal mo pa siya?"

"Why would I tell him that? Para ano, para mag mukhang tanga and the fact na may girlfriend na siya is more than enough para malaman kung he's happy."

"Eh gaga ka pala eh!" napakamot ito sakanyang tiyan na sobrang laki. "Hintayin mo lang na ipanganak ko itong batang nasa sinapupunan ko at talagang kakaladkarin kita papunta sa bahay ni Tony."

"You know what just stop it Hilda, tapos na kami ni Tony at sapat na yun."

"Tapos? Ni hindi mo nga magawang kalimutan siya diba? Bakit kasi hindi mo nalang sabihin sakanya ang totoo, na sinabi mo lang ang lahat ng iyon dahil natakot ka. Dahil tanga ka."

"And then what? Pag nasabi ko ba sakanya iyon babalik siya saakin, mamahalin niya ba ako?"

Naging seryoso ang mukha ni Hilda.

"Hindi iyon ang point ko,."

"Then what? Dahil naguguluhan na ako!"

Isang sampal ang isinagot niya saakin. "Alam mo pagod na akong tingnan kang ganyan, pagod na akong maawa sayo., simula noong pinakawalan mo siya hindi kana lumaban Kisses, nagpatalo ka nalang ng basta basta. Akala mo ba nakalaya ka sa buhay na tinatakasan mo? Hindi! Dahil hanggang ngayon nakakulong ka pa rin! Hindi kahit sino ang makakapagpalaya sayo riyan, tanging sarili mo lang!"

"Alam mo ba kung bakit ka nakakulang diyan?!" itinuro niya ang puso ko. "Dahil kahit kailan hindi mo sinunod yan. Dahil kahit kailan hindi ka naniwala sa tinitibok niyan. Alam ba kung bakit ko gustong makausap mo si Tony at sabihin sakanya ang lahat? Dahil baka sa pamamagitan noon, baka kapag nasabi mo na kay Tony ang totoo ay mabuhay ka na ulit, baka kapag nasabi mo ang totoo ay tuluyan ka ng makawala riyan."

Parang pinipiga ang puso ko.

"Wag mong ipagkait sa sarili mo ang mga bagay na makakapagpasaya sayo. Wag mong pagdamutan ang sarili mo Kisses., dahil baka mabulok ka riyan na miserable at malungkot. Mabuhay ka hindi para sa iba, mabuhay ka para sa sarili mo."

Hindi ako makapagsalita. Dahil alam kung totoo lahat ng sinasabi niya.

"Sundin mo ang tinitibok nyan, baka kapag nagawa mo iyon ay maging masaya kana talaga. Dahil ang tunay na kailangan niyan ay..." itinuro niyang muli ang aking puso. "Pagpapatawad at pagtanggap."


Author's note: Sorry if di ako nakapag update kahapon. I'm kidda busy! Hehe anyways bawi ako :)

The better version of our love (Kisses and Tony)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon