13

183 21 1
                                    

Maaga palang ay pinagising na ako sa aming katulong, pinapatawag daw ako ni Mommy kaya agad agad akong bumaba.

"Ano pong meron?" tanong ko.

"Mawawala ako ng 1 week kailangan kung pumunta ng Japan for our business Kisses."

"Ah okay po."

Napatanong tuloy ako sa aking sarili kung ganito na ba talaga noon ang buhay ko. Kasama ko si Mommy pero palaging wala.

"I told Donny na dalawin ka rito pa minsan minsan."

"Hindi na po kailangan Mommy."

"I insist, take care of yourself and please wag ka gagawa ng bagay na maaaring magpahamak sayo."

Tumango lamang ako. Bumabagabag pa din saakin ang napanaginipan ko, ayon sa panaginip ko ay kilalang kilala ko ang lalaking iyon, pero kanina pag gising ko ay hindi ko na siya maalala. Sino siya?

Alas otso ng mag-aya si Hilda na maglakad lakad kami sa buong Village, at dahil wala naman akong ginagawa ay pumayag ako.

"Kumusta na kaya si Suzette? Si Aleng Minda? At si Mang Gaspar?"

Maganda na ang buhay ko rito at kahit papaano'y natulungan pa rin nila ako. Maayos lang ba ang buhay nila? O kagaya ng dati ay sobrang gipit nila.

"Wag mo ngang isipin ang mga iyon Tin, ang mahalaga ay narito kana sa totoo mong pamilya."

Natigilan kami pareho sa isang mini playground na nasa aming harapan. Ilang months na akong narito at ngayon ko palang nalaman na mayroon palang ganito rito.

Agad akong hinila ni Hilda sa may swing at pinaupo.

"May babalikan lang ako sa bahay ha, diyan ka lang." paalam nito at agad kumaripas ng takbo.

Hindi gaya noong nasa puder pa ako nila Aleng Minda ay hindi ganito katahimik., halos araw araw may ayaw kung hindi sila ni Mang Gaspar ay ang sagutin naman nilang mag ina. Kung minsan ay ako ang kahuhulian nang ayaw ng tatlo kaya naman kapag alam ko na riyan sila at mag-aaway ay tatakbo na ako papunta kay Hilda.

"You really love being alone.." isang pamilyar na boses.

Umupo siya sa kabilang swing at agad gumalaw. "I heard wala si Tita Beatriz."

"Papunta siyang Japan for one week."

"So that means mayroon akong one week para makasama ka."

Napaisip ako bigla sa kanyang sinabi, wala si Mommy so ibig sabihin may time ako lumabas. I need to visit Aleng Minda at bigyan sila ng kaonting tulong bilang kabayaran na rin sa pagkupkop nila saakin.

"Samahan mo ako sa Batangas."

"Batangas?"

"Oo Tony, bibisitahin ko lang ang mga nag-alaga saakin."

Nagiba ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Are you sure?"

"I am. Bakit may problema ba?"

Umiwas ito ng tingin saakin at agad kinuha ang aking kamay.

"Do you really need to go there? Ang sabi saakin ni Hilda ay hindi ka naman nila itinuring ng maayos roon."

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. "Maybe they didn't treat me well, pero inalagaan pa rin nila ako, nabuhay pa rin ako dahil sa tulong nila."

"If you would ask me if payag akong bumalik ka, ayoko. Ayokong masaktan ka ng mga alaala mo roon Kisses, ayokong pag nakita mo sila ay baka maa gustuhin mo na roon, i don't want to lose you again."

"Hindi ako mawawala, in fact sasamahan mo nga ako diba papunta roon. Gusto kung makita mo kung paano ako nabuhay doon noong nga panahong ako palang si Tin at hindi si Kisses."

Parang hinahaplos ang puso ko kapag naiisip kung aalis muna ako rito sa Maynila upang pumunta sa Batangas at harapin ang mga taong minsan ay naging parte ng aking buhay.

Wala akong ibang pinagsabihan ng alis ko kundi si Manang Inah, noong una ay hindi siya pumayag pero sinabi kung kailangan ko ito. Hindi ko rin ipinaalam na kasama namin ni Hilda si Tony na aalis dahil baka mas lalo lang itong hindi pumayag sa gagawin ko.

Alas syete ng umaga ng makarating kami sa isang lugar sa Batangas kung saan ako namalagi noon. Wala pa ring nagbabago sa lugar ito, kagaya ng king nakasanayan ay maingay at madumi pa rin.

"Magpapa linis lang ho muna ako ng sasakyan ma'am, itext niyo po ako kung magpapasundo na kayo."

Tumango lamang ako kay Kuya Nestor ang aming driver, pagkaalis ng aming sasakyan ay siyang pagdating ng isang itim na sasakyan ni Tony.

"Aba'y si Tintin ba ito?" nilingon ko si Aleng Nora na parang hindi makapaniwala. "Nakapag asawa ka na ba ineng?"

"Hindi po Aleng Nora."

"Aba'y kasama mo rin pala itong si Hilda, kumusta na kayo? Mas lalo kayong gumanda." wika ng matanda. "Syota mo ba itong lalaking ito Tintin?"

Tiningnan ko agad si Tony na mukhanh nahihiya na dahil sa pamumula ng kanya pisngi.

I missed that name! I missed these people. Kung paano nila ako kausapin at kung paano nila ako tawagin sa pangalang Tin.

"Espesyal po siya sa puso ko."

Humalakhak ang matanda at mahina ako pinalo. "Para bang ensaymada ni Mang Lolit iyan Tintin?"

Natawa ako sa sinabi niya, nagpatuloy lang kaming maglakad hanggang sa marating namin ang dati kung tinutuluyan. Maraming tumitingin saamin at nagungumusta.

"Suzette..." hinawakan ko siya sa kanyang balikat.

"Tin??" hindi niya makapaniwalang tanong. "Nay!!! Narito si Tin!!"

Lumabas ang medyo may edad ng babae sa may pintuan at agad akong pinagtulakan.

"Aba'y napaka kapal naman pala ng mukha mong babae ka! Pagkatapos mo kaming layasan ay bigla bigla ka nalang babalik rito."

"Baka naman nakakalimutan mong pinalayas mo siya Minda?!" sabat ni Hilda.

Buti nalang ay nasa likuran ko si Tony kung kayat nahawakan niya ako.

"At sinama mo pa talaga itong lalaking ito!" agad niyang pinatuturo si Tony. "Alam mo bang muntik muntikan na niyang mapatay si Gaspar?!" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Because he tried to sell Kisses!!" matigas na ingles ni Tony.

Naguguluhan na ako sa aking naririnig. Parang unti unting nauubos ang aking pasensya.

"Ano bang pakealam mo?!" sigaw niya habang inaawat ni Suzette.

"How dare you!?" agad kung pinagtulakan ang mag-ina.

Maging si Tony at Hilda ay nabigla sa ginawa ko. Hindi ko maintindihan, there is something wrong with me!

"Gusto niyo akong ibenta? Hindi pa ba sapat na inalila niya ako ng dalawang taon! You made my life miserable! Hindi niyo ako binigyan ng kalayaan. Magkano niyo ako binebenta?!" mas lumakas ang boses ko. "Damn you! I will make sure na magbabayad kayo! I'll make sure you'll be put in jail! Hear me?! Kayo! You ruined my life!"

Biglang nandilim ang aking paningin at hindi ko na alam kung anong nangyari.

A/N: Believe me or not 5 times kung nirevise itong chapter na ito, hindi ko alam kung paano ko uumpisahan after the flashback chapter. Kung irereveal ko na ba kung sino yung nakakuha na una kay Kisses or hindi. Are you excited know the him?? Ako rin.

PS: Please vote! :)

The better version of our love (Kisses and Tony)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon