Umpisa

604 24 3
                                    

Desisyon

Malakas na ulan ang sumalubong saakin sa labas ng aking tinitirahang apartment, agad nanuot ang lamig sa aking buong kalamnan dahilan para ako'y tuluyang manginig. Maraming dumadaang tao at pinagtitingnan ako ngunit dahil na rin sa lakas ng ulan ay halos hindi na nila makita ang mabilis na pagbagsak ng aking mga luha.

Hindi ko kailanman naisip na magiging ganito ang buhay ko, bukod sa walang pamilya ay ang kawalan ng kakayahang magkapag tapos ng pag-aaral. Minsan naiisip kung masyadong malupit ang tadhana sa katulad ko, ano bang nagawa ko para maparusahan ako ng ganito? Mayroon ba akong nagawang pagkakamali?

"Mabulok ka riyan!" singhal ni Aleng Minda ang may-ari ng apartment.

Unti-unti ako tumayo upang pulutin ang nagkalat kung gamit sa gitna ng daan. Basang-basa na ang mga ito, ngunit alam kung mapapakinabangan pa rin naman sila.

Sabi saakin noon ni Aleng Minda bigla nalang raw akong napadpad sa lugar na ito, isang gabi ay may nakakita saakin sa may gilid ng bahay niya na walang malay ngunit maayos ang naman ang itsura. Naguguluhan ako dahil wala akong maalala kung sino at saan ba ako nanggaling.

"Tin yun ang iyong pangalan.."

Kahit ang aking pangalan ay hindi ko maalala, kahit ano na tungkol saakin ay wala. Kung minsan ay napapaisip ako kung sino nga ba talaga ako? Kung totoo ba ang mga kinuwento saakin ni Aleng Minda na namatay na raw ang mga magulang ko. Ang iba sinasabing anak raw ako ng kapatid ni Aleng Minda na may malaking utang sakanya at galit na galit siya.

"Walang utang na loob! Pagkatapos kitang kupkupin ito pa ba ang igaganti mo saakin!?"

Itinapon niya sa aking harapan ang mga librong sobrang mahahalaga saakin. Kahit hindi ako nag-aaral sa pamamagitan ng mga librong ito ay natututo ako, sa pamamagitan ng librong ito ay nakakapag-aral ako kahit hindi sa totoong eskwelahan ang mahalaga ay mayroon ako nito.

"Sinabi ko naman sayo na wag na wag kang magpapaniwala sa sinasabi ng matandang iyon, bukod sa pangit ang kanyang ugali ay sinungaling pa siya!" inilapag ni Hilda sa aking harapan ang mainit na tubig at agad akong pinunasan. "Kagaya nga ng sinabi ko sayo hindi ka taga rito, nakita ka lamang na walang malay diyan sa gilid ng bahay ni Minda. Ang sabi saakin ni Myra baka raw naaksidente at dito ka lang napadpad, pero ang pinagtataka namin ay wala kang kagalos galos."

Mas lalo lamang akong naguluhan sa sinabi ni Hilda.

"Kung hindi man ako taga rito, taga saan ako at paano ako napadpad rito?"

"Bakit hindi natin subukang lumuwas ng Maynila at hanap ang mga kasagutan sa iyong tanong."

Hindi ko maintindihan kung bakit kinakailangan ko pang pumunta ng Maynila upang makilala kung sino ba ako. Malapit lang ang Maynila at Batangas kaya hindi ako matatagalang makapunta roon.

"Ilang taon ka palang naman na nasa poder ni Minda, malay mo mayaman pala kayo."

Natatakot ako.

"Hindi ko kayang iwan ang Batangas.. Kung pupunta tayo sa Maynila paano nalang buhay ko rito? Paano si Aleng Minda? Si Suzzete at si Mang Gaspar?"

"Alam mo hindi ko alam kung may saltik ka ba sa utak! Yang pamilya na inaalala mo ay walang pakialam sayo! Si Minda walang ginawa kundi saktan ka, si Suzzette ang maarteng negrang babaeng yun na ginagawa kang utusan at ang Manyak na si Gaspar na gusto kang ibugaw magkaroon lang ng ipangiinom! Mga walanghiya yang nga yan!"

Bakas sa mukha ni Hilda ang pagka inis sa mga taong kumupkop saakin. Maaaring naging malupit sila saakin ngunit hindi yun dahilan para magalit ako sa kanila, kahit papaano malaki ang utang na loob ko sakanila dahil na rin sa pagkupkop nila saakin at pagpapakain. Hindi man naging madali ang buhay ko sa piling nila nagpapasalamat pa rin ako dahil may mga kagaya nilang handalang tumulong. 

The better version of our love (Kisses and Tony)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon