2

231 14 4
                                    

Kisses

Hanggang makarating kami sa apartment ay nakasunod pa rin yung lalaking iyon. Ayokong basta basta maniwala nalang sakanya. Natatakot ako., natatakot akong malaman kung sino ba talaga ako at anong buhay ang mayroon ako.

"It's been 2 years after the accident, walang nakuha na bangkay sa Van na sinasakyan mo, ang bangkay lang ng driver niyo ang natagpuan roon."

"Driver namin?"

Mas lalo lamang gumugulo ang isipin ko sa mga nangyayari.

"Oo, si Mang Ernesto, nahulog sa bangin ang sinasakyan mong Van."

"Wala akong maintindihan, ang sabi saakin ng nakapulot saakin ay wala akong galos noong makita nila ako kaya impossibleng galing ako sa aksidente."

Natahimik siya sa sinabi ko. "Sino ka ba? Kaano-ano ba kita?"

"Kaibigan ako ng Boyfriend mo." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Sinong boyfriend?"

"Si Donny your future husband, bago mangyari ang aksidente ay naplano na ang lahat ang kasal niya at kung saang lugar itong gaganapin."

Totoo nga ang nasa aking panaginip. Totoong ikakasal ako kay Donny.

"Mahal ko ba talaga si Donny? Pumayag ba ako sa kasal?" wala sa sarili kung tanong.

"You loved each other Kisses, mahal na mahal ka ni Donny at alam ko iyon."

"Ano bang totoong pangalan ko Marco, sa aming lugar ang tawag saakin ay Tin iyon daw ang aking pangalan."

"Kirsten Danielle Tan Delavin, 20 years old at ang anak nina Armado at Beatriz Delavin. You also have one silbing si Candice pero she passed away bata palang kayo. Before the accident ay nag-aaral ka sa De La Salle University taking up Accountancy, a dean's lister. You're known because you're a beauty queen and smart as well."

Tahimik ako pinakinggan siya. Hindi ko magawang matuwa sa mga nalalaman ko. I am a beauty queen? Kung totoo man ang sinasabi niya, mayaman talaga ako?

"Matigas ba ang aking ulo? Hindi ba ako mabait na anak?"

Ngumisi ito bago sumagot. "You're a good daughter Kisses kaya marami ang humanga sa iyo. That's why when they heard about your accident madami ang nalungkot. You're just smart, rich and beautiful.., you have a good heart, masayahin at palakaibigan. That's why Donny fall inlove with you, dahil napatino mo siya."

Bumuhos ang luha ko sa mga sinabi niya agad akong tumakbo sa aming kwarto at piniling magkulong.

"I love you so much..." I almost whispered...

Isang malakas na hangin ang umihip dahilan para ako magising sa isang panigip. Agad kung inilibot ang aking mga mata, madilim na ang langit siguradong umuwi na rin ang kaninang nagpakilalang si Marco.

"Umuwi na si Marco babalik raw siya bukas."

Nilingon ko si Hilda na kakapasok lang.

"Baka pag bumalik siya kasama na ang parents at relatives mo."

Nakaramdam ako ng kaba sa sinabi ni Hilda, kahit pa alam ko sa sariling kung gusto kung malaman kung sino ba talaga ako, hindi ko maiwasang mapaisip kung magugustuhan ko ba ang buhay na mayroon ako noon.

Sabi ni Marco hindi ako si Tin, dahil ako raw ay si Kirsten Danielle Tan Delavin, paano kung hindi magustuhang maging si Kirsten?

"Anong plano mo?" nabalot ng katahimikan ang buong kwarto namin.

"Hindi ko alam. Natatakot ako Hilda, paano kung magkaibang magkaiba si Tin at Kirsten?"

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Hilda bago tumabi saakin sa higaan.

"Hindi mo kailangang matakot Tin, sasamahan kita.. kung hindi magugustuhan ang buhay na kinagisnan mo at nakalimutan mo noon handa akong samahan sa panibagong buhay na haharapin mo."

Pinikit ko ang aking mga mata at tinikom ang aking bibig. Hindi ko na mabiling kung ilang luha ang lumabas sa aking mga mata. Halos araw araw at gabi gabi na nga akong umiiyak.

Hindi naging madali ang buhay ko sa piling ng mga kumupkop saakin. Hindi naging madali ang bawat araw, oras at minuto sa piling niya. Pero marami akong natutunan, marami ako baong alaalang kahit pa masakit alam kung nakatulong parin ang mga ito saakin.

Kung pipiliin ko mang maging si Kirsten paano ko uumpisahan? Paano nga ba maging si Kirsten? Paano ba ako noon?

Muli kung pinagmasdan ang mga taong nasa aking harapan ngayon, sa aking gilid ay si Hilda na mahigpit na nakahawak saaking kamay. Lahat nang nasa aking harap ay di pamilyar maliban sa isang babae na mid 40's na humahagulgol at isang matangkad na lalaki na mayroong maputing balat, matangos na ilong, makapal ngunit kulay pink na lips na halos hindi alisin ang titig saakin.

"I really can't believe this Kisses is alive, thank god!" agad na lumapit saakin ang isang singkit na babae at niyakap ako.

"Natagpuan namin si Tin sa may gilid ng bahay nila Aleng Minda at Mang Gaspar, hindi namin inakalang gaking siya aksidente dahil walang kahit anong galos sa kanyang katawan. Walang nakakakilala sakanya at maging siya ay walang maaalala, kinupkop siya nina Aleng Minda at sabi'y anak siya ng kapatid neto na nasa abroad.," tikom ang bibig ko habang nagpapaliwanag si Hilda sa mga taong nagpapakilalang pamilya ko. "Hindi na rin nagawang magtanong tanong ng mga taga roon kung saan ba siya nanggaling dahil na rin sa kawalan ng pera. Ilang taong namaligi si Tin sa Batangas ngunit ni minsan ay walang napadpad roon na nakakakilala sakanya.,"

"I can't believe this Beatrize! Thank god at hindi nila sinaktan ang unica hija mo." iritadong sabi ng isang babaeng may mapupulang labi.

"Ang mahalaga'y narito na siya at maayos, magpasalamat nalang tayo Janine at naibalik siya saatin." giit ng isang maputing at medyo may katandaang babae.

"Kung ganoon anong balak niyo? Iuwi na natin siya at ituloy natin ang naudlot nilang kasal ni Donny." dagdag muli nung Janine.

Lumapit saakin ang tinatawag nilang Donny at agad hinawakan ang aking kamay. "Never akong naniwala na hindi babalik, dahil alam kung darating ang araw na ito." ang malambot niyang labi ay dumapo sa aking noo.

Inilayo ko ang sarili ko sakanya. "Pasensya na po, hindi ko po kayo maalala."

Agad akong niyakap ni Beatrize ang nagsasabing siya raw ang aking ina.  Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, bukod sa patuloy na pagbuhos ng aking luha ay parang sinaksaksak ng paulit ulit ang puso ko. Ito ba yung sinasabi nilang lukso ng dugo? Hindi ko siya maalala pero sa loob ko alam kung mahalaga siya.

"I'll make it up to you Kisses, I'm sorry."

The better version of our love (Kisses and Tony)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon