8

191 21 1
                                    

Ikaw parin.

Pinusan ko ang luha ko at pinakalma ang aking sarili, hindi ako makapaniwala sa mga naalala ko. Hindi ako makapaniwala sa mga rason kung bakit ako naaksidente at nawala ng dalawang taon.

Maaga pa ala singko palang ng umaga at dahil sa aking panaginip ay hindi ko magawa pang bumalik sa tulog. Pinili kung lumabas ng kwarto at bumaba upang makita ang pag sikat ng araw.

Malamig na simo'y ng hangin ang sumalubong saakin paglabas ko ng bahay. Tanaw na tanaw ko ang magandang dagat na nasa aking harapan. Kung ang dahilan man ng aksindente ko ay dahil sa buhay na mayroon ako noon kaya ba hindi na rin ako minamadali ni Mommy para ipakasal kay Donny?

Hindi ko maiwasang mapaisip sa mga sinabi saakin kagabi ni Sasa, gusto niya si Donny kaya ganun nalang ang reaksyon niya sa pagbabalik ko. Pero base sa aking panaginip at naalala siya rin ang nagsabi kay Mommy nung tungkol saamin ni Tony., kung gayon si Tony ba ang pinili ko bago ako umalis at maaksidente.

Pinikit ko ang aking mga mata at pinilit na inaalala ang mga iba pang nangyari...

"Mahal kita pero hindi ako makakapayag na gawin mo ito!" hinawakan ni Tony ang kamay ko.

"Sasamahan mo ba ako o hindi?" patuloy sa pagbagsak ang luha ko.

"You need your family Kisses, we will do this together, ipapakita natin sakanila na no one can separate us, ipapakita natin sakanila how much we love each other."

"Hindi mo ba naiintindihan? Hinding hindi matatanggap ni Mommy ang relasyon natin. She's against you, si Donny lang ang gusto niya para saakin. And to tell you the truth malabong tanggapin ni Mommy ang relasyon natin!"

Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Akala ko ba sasamahan mo ako? Akala ko ba you are willing to sacrifice everything for me?" it was almost a whispered.

Kumunot ang kanyang noo.

"I am more than willing Kisses, pero ayokong piliin mo ako dahil wala ka ng choice, ayokong magpadalos dalos ka. Handa akong iwan ang lahat para sayo, pero ikaw ba handa kang iwan ang lahat para saakin?"

Natahimik ako sa sinabi niya.

"Ikaw ang pinipili ko Tony, ikaw lang."

"Ako ang pinipili mo dahil iyon ang sinasabi ng isip mo, pero hindi ang puso mo"

Minulat ko ang aking mga mata at agad pinunasan ang aking luha. What was that?! Tatayo na sana ako para bumalik sa aking kwarto at puntahan si Hilda ngunit natigilan ako.

"You're crying again?"

Ang boses niya ay nakapagpahina saakin. The way he looks at me.

"Last time I saw you umiiyak ka, I thought you're okay but I was wrong."
Lumapit ito saakin at nagbantang yakapin ako ngunit agad akong lumayo.

"Magsisinungaling ako kung sasabihin kung okay lang saakin nakikita kang ganyan. Bago ka pa nila nahanap, ay nakita na kita. Bago ka pa nila puntahan ay nakarating na ako patungo sayo, I made sure na ngayon bumalik ka na ay hindi na kita papakawalan pa."

Hinawakan niya aking kamay. Parang may kung anong humahaplos sa puso ko.

"Hindi kita kilala."

Umiwas ako ng tingin sakanya at binawi ang aking kamay.

Ngumisi siya at muling hinawakan ang aking kamay.

"Now that I am back makikilala mo na kung sino ako at anong parte ko sa buhay mo." ngumiti siya.

Alam ko Tony, kilala kita. Hindi ko mawari kung dapat ko bang sabihin sayo o hindi dahil baka pag hiwalayin nila tayo, baka kapag nalaman nilang naalala ko na ang lahat ay tuluyan na nila akong ipakasal kay Donny. I can't lose you once again. Because if that happens I wil possibly lose myself.

"Are you feeling well Kisses?" nagumpisa na ang program at ngayon ay katabi ko si Mommy na mukhang nag-aalala saakin.

"I'm fine." nilingon ko si Hilda sa aking gilid at agad niyang itinuro ang gawi ni Donny kung saan ito ay natitig saakin.

"Baka matunaw ka." ngayon naman ay ngumuso niya ang sa gawing kanan kaya agad ko itong nilingon. "Isa pa yun oh!" and then I saw Tony staring at me.

"Tama na yan Hilda!" suway ni Mommy sakanya. "Please lang wag ang masyadong lumalapit sa lalaking iyan. Anthony is not good for you and for everyone."

Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin tanggap na si Tony ang pinili ko, hanggang ngayon ay gusto niya siya pa rin ang magpatakbo ng aking buhay.

"Not good for me? Kilala ko ba yang si Anthony Labrusca?" tinitigan ko si Mommy at hinintay ang kanyang sagot.

"You know him of course..."

"Kaano ano ko po ba siya?" pagsisunungaling ko.

Bakas sa mukha ni Mommy ang pagsisinungaling dahil ito makatingin saakin ng maayos.

"Half brother siya ni Donny, at ang sabi saakin ay basagulero raw iyan kaya pinatapon sa States"

Ngumiwi ako sa aking narinig. Ayokong magalit kay Mommy pero dahil sa mga sinasabi niya ngayon ay hindi ko maiwasan. Kung magpapatuloy na ganito ang tingin niya kay Tony baka mahirapan akong pakisamahan siya lalo na ngayong medyo naaalala ko na ang lahat.

"And now let's call on Ms Kisses para ibigay ang kanyang regalo sa kanyang nabunot."

Tumayo ako at agad tunungo ang gitna upang kunin ang aking regalo at iabot ito sa nabunot ko.

"This is for you..." ngumiti ito saakin bago niya tinanggap.

"Thank you Kisses!"

I smiled. "Merry Christmas Mommy! Thank you dahil nahanap mo ako."

Nagpalakpakan ang lahat.

"May I call on Mr Donny."

Hindi ko nilingon si Donny ng akin siyang madaanan. Hindi ko magawa dahil sa mga naalala ko.

Nang makaupo ako ay agad tumahimik ang lahat, patungo sa aking direksyon ay siya hawak hawak ang pulang paper bag na may lamang regalo.

"Merry Christmas Kisses...."

Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ito o hindi, umiwas ako ng tingin at agad nabaabutan ang paninitig ni Mommy saakin.

"Thanks Donny!!"

Mabilis na natapos ang party maging ang exchange gift. Nang magdesisyon ang lahat na kumain ay agad hinanap ng aking mga mata si Tony na bigla nalang nawala kanina after niyang ibigay ang regalo niya kay Sasa.

"Sinong hinahanap mo?" nakakalokong tanong ni Hilda. "Mas gusto ko siya para sayo." nagbigay ito ng makahulugang ngiti.

"Let's take it slow Hilda." i smiled back.

Kahit ilang taon pa man ang lumipas hindi pa rin nagbabago ang pagtingin ko sakanya. At kung tatanungin akong muli hindi magbabago ang aking naging desisyon noon. Siya at siya pa rin ang pipiliin ko. Ikaw parin Anthony Labrusca!

The better version of our love (Kisses and Tony)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon