5

239 15 3
                                    

Life

Inayos ko muna ang aking gamit bago tuluyang lumabas ng aking kwarto. After that dream sa hospital ay wala ng sumunod pa. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako, sino ba ang pinili ko? Base sa panaginip ko malinaw na mahal ko si Donny siya ba ang pinili ko at hindi si Tony?

"You sure you'll wear that?" nilingon ko si Sasa isa sa mga pinsan ko.

Nagleggings ako at nag sando ng black, pupumunta kaming tagaytay ngayon dahil doon raw gaganapin ang annual christmas party ng aming angkan. Kasama rin ang pamilya ni Donny na pupunt roon , maging ang ibang business person na may connection sa aming pamilya.

"Mas komportable ako na nakaganito."

Inirapan lamang niya ako. Hinila ko kaagad si Hilda pagkapasok namin sa Hiace Van na aming sasakyan.

"Are okay with your position Kisses?" worried na tanong ni Mommy na ngayon ay nakaupo sa front seat.

Tumango lamang ako at ngumiti. Sunod sunod na pumasok sa Van ang aming mga kasama, nasa kabilang Van kasi ata sila Donny at kanyang pamilya.

Binuksan ko ang aking lumang cellphone at agad pumunta sa old messeges ko. Noong binigay ito ni Mommy ay burado na ang lahat ng text maging ang ibang numero ay nawala rin. Pero may isang litrato ang hindi nawala.

Isang litrato ng isang binata, si Tony. Nakaformal siya habang nakaupo at nakangiti. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang tinititigan ito. This was taken years ago, hindi ko maalala kung saan at paano. Nasaan na kaya siya?

Ang lamig ng gabi ang sumalubong saamin sa Tagaytay, sabay kaming naglakad ni Hilda para sunda ang aming mga kasama. Ang kwento saakin kanina ni Sasa ay rest house daw namin ang tutuluyan rito, malaki ito at siguradong magkakasya ang lahat.

Modernong moderno ang desinyo ng bahay maging ang mga kasangkapan ay bagong bago pa.

"Diyos ko!" agad akong niyakap ng isang may katandaang ginang. "Totoo nga bumalik ka Kirsten."

Ngumiti na lamang ako dahil wala rin naman akong maalalang tungkol sakanya. Pagbaba palang namin kanina sa Van ay lumapit saakin si Donny para ibigay ang isang paper bag, hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung ano ba ito.

"When we were young lagi tayong pumupunta rito, at doon sa labas doon tayo naglalaro Kisses."

Panay ang titig ko kay Donny habang masayang nagkukwento sa mga alaalang hindi ko matandaan.

"At kung minsan naman nag uunahan tayong matulog, dahil ang mauuna ay laging may premyo."

Hindi na ako magtataka kung maraming nagkakagusto sakanya, napaka perpekto ng kanyang mukha.

"Dito sa bahay na mo ako sinagot way back in highschool."

Natigilan ako sa sinabi niya hindi dahil nabigla ako kundi dahil sa pagbabago ng kanyang ekspresyon. Ang kaninang masaya niyang mukha ay naging seryoso.

"Pasensya kana Pogi ha mukhang inaantok na si Tin eh." singit ni Hilda.

"Ha, sige na Kisses magpahinga kana sabihin nalang kay Tita na gisingin ka kapag ready na ang pagkain."

Pagka akyat namin sa kwarto ay isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Gusto ko siyang maalala, alam ko na sa nakaraan kong panaginip ay nag-away kami, dahil hindi kami magkainitindihan. Pero nararamdaman kung mabuti siyang tao.

"Bakit ganun Hilda wala akong maramdamang espesyal sakanya, kung talagang minahal ko siya noon bakit ngayon parang mabilan sa pagkakaibigan ay wala na akong maramdaman sakanya."

The better version of our love (Kisses and Tony)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon