TORPE

62 13 1
                                        

Hindi naman bingi pero di parin masabi,
Di naman pipi pero di lumalabas sa labi
Mga nararamdaman ko pag ikaw ay nasa aking tabi,
Akin lamang tinatago at aking nililimi.

Ako'y nangangarap at nagdadasal na sana isang gabi,
Aking nararamdaman ay akin naring masabi,
Upang mabawasan narin itong dalamhati,
Nang sa gayon ito'y mapalitan ng ngiti.

Wala man akong maipapangako,
Pero pag-ibig ko'y hinding-hindi maglalaho,
Dahil ikaw ay mahal ko mamatay man ako,
Pagibig ko sayo'y ipaglalaban ko.

Nakakatawa man pakinggan na ako'y bata lamang,
Pero bata man ay kaya ring umibig ni kaninumang nilalang,
Masasama nga nagbabago,
Ako pa kaya na isa lamang normal na tao.

Authors note: ito ay base sa sariling hinanakit ng may-akda

Tulang Mahugot (Slow Updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon