Mapanghusga

42 0 0
                                    

Isang malaking mesa,
Ibat-bang putahe ang bumubusog saking mata,
Marami ang nagbibigay ng katiwasayan sa aking panlasa,
Pero bakit? Bakit mapakla ang ibang pagkaing sa dila koy kumakasa?

Tinikman ko ang Pakbet, Sisig at Mais Coñelo,
Wala ng tatalo sa masasarap na lasa nito,
Kinain ko ang Pastillas, Bangus at adobo,
Wala ng mas lalamang sa linamnam mga ito.

Dumako ako sa ibang Pagkain,
Doon nakita ang daing, balot at ampalaya na walang kumakain,
Ako'y nagtaka kaya aking tinikmang yaon din,
Ngayon, sa dila koy pait ang humalinghing.

Ngayon alam ko na ang tiyak na dahilan,
Bakit ang ibang pagkain ay di man lang tinikiman,
Panglabas na itsura at amoy, naging tuksong tampulan,
Kahit ang mapaklang lasa di man lang iginalang.

Mundo ng mga tao puno ng paninibugho,
Puno ng pagmamataas at poot ang bawat puso,
Mas tinitignan nila ang panglabas na anyo,
At nagbubulag-bulagan sa totoong ganda at halaga ng isang tao.

Tulang Mahugot (Slow Updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon