Takot na ako, ayaw ko na magtiwala,
Isusuko nalang ang sarili sa mga masasakit na salita,
Aking buhay na walang patutunguhang tama,
Tatapusin nalang sa pamamagitan, ng ilang talata.Akoy pagod at ang sinapit ay masaklap,
Aking mga luha sa dilim inahapuhap,
Ang dating kaibigan na kasama, ngayon di na maharap,
Silay lumayo at sa piling ng iba yumayakap.Noong akoy bata pa itinuturing na mahalaga,
Pero ngayon wala nang pumapansin ni isa,
Ang singsing kong iniingatan ngayon bulok na,
Walang ibang magawa kundi umiyak sa isang bintana.Ako'y naiwang ni isang pagasa walang natira ni katiting,
Ako'y naging tampulan ng maraming pasaring,
Ayaw ko na magsalita't baka akoy malibing,
Sa katotohanang wala nang may pake-alam sa aking singsing.Authors note: ito ay base sa sariling hinanakit ng may-akda
