Pinili Mo Siya

30 9 0
                                    

Isang magandang umaga,

Ang aking pinipinta,

Isang dako ng sakit, isang dako saya,

Ilang daang titik ang diko, madama dahil ako'y pasuko na.

Batid kong wala nang mas sasakit pa,

Sa'yong dalang mga parusa,

Isang peklat ng lungkot, isang peklat ng saya,

Iyong iniwan sa aking buhay na mariwasa.

Tinalikuran mo ang pagkakaibigan natin,

Dahil mas pinili mo ang pagkaka-ibigan nyo din,

Ikaw ay ginawa niyang alipin,

Naniniwala ka sa kahit anong kanyang sabihin.

Naniwala kang sinisiraan ko lamang siya,

Kahit na totoo naman talaga,

May iba siyang kinakasama,

Dimo lang alam kasi nagbu-bulagbulagan ka.

Pinilit kong gisingin ang iyong damdamin,

Ngunit mas pinili mo siya at pinaglaban din,

Pinili mo siya kaysa sa akin,

Na kaibigan mong mahal ka rin.

Authors note: ito ay base sa sariling hinanakit ng may-akda

Tulang Mahugot (Slow Updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon