Nakakapagod mang lumaban mag-isa,
Nakakapagod mang ipaglaban ka sa iba,
Nakakapagod mang protektahan ang meron tayong dalawa,
Ikaw parin ang pipiliin ko aking sinisinta.Marami mang humadlang sa ating dalawa,
Hiling ko kumapit kalang at wag papaapekto sa kanila.
Pipilitin kong igapang ang pagmamahalan natin sa abot ng aking makakaya,
Ikaw lamang at ako'y tuluyan nang magsasama.Mahal alalahanin mong ginagawa ko ang lahat para sayo,
Nawa'y gawin mo rin ang lahat upang magkatuluyan tayo.
Sisikapin ang lahat upang sayo'y di malayo,
Ikaw ay iibigin ko kahit di na makatayo.