(From the POV of a Bully)
Magulo...
Ang lahat ay magulo sa isip ko.
Ayaw pakinggan ang mga tinuran ko.
Ngunit hirap ipakitang papasuko na ako.Isang hakbang tungo sa kasamaan.
Aking tinahak at aking dinaanan
Sa pagbabakasakaling akoy mapakinggan
Mga tao sa paligid ay aking sinaktan.Sa pagnanais na bigyan ng sapat na kasanayan
Nais manikang upang maibsa ang kauhawan.
Sinaktan ang iba at nilason ng karimlan
Mapalabas lang ang aking kasakitan.Nais mang tumulong nalang sa iba
Ngunit ang pagnanais kong iparanas sa kanila
Iparanas sa kanila ang paghihirap na aking dinanas mula kay ama’t ina
Ay mas nanaig sa aking puso at nais pahirapan sila.
Akoy tawagin mang suwail
Ngunit diniyo masisi dahil pagiimbot koy di masiil.
Bibig kong nakakatusok sa talim at tabil
Hindi na maiwasan di na mapipigil.Pagmamahal na diko kailanman naramdaman
Pagkalingang diko makikita kailanman
Pag alagang diko kailanman mararanasan,
Ito ako.. ipaparanas sa kanila ang pagkatao kong nababawasan.Sa likod ng bawat suntok na aking binibigay
Ay isang pusong malapit ng bumigay.
Sa likod ng mga tawa kong malademonyo ang kulay,
Isang pusong nangangailangan ng pag-ibig na tunay.Sa harap ng karamihan ako ang masama,
Sa kanilang bokabyularyo ako ang walang tama.
Di nila alam akoy biktima ng kawalang awa,
Pag-mamahal ng magulang hindi ko man lang nakita.Pasenya kung akoy nagkamali,
Patawad kung akoy pagkakamali.
Pasensya ako ang laging mali.
Akoy mali. Akoy Mali.