Tinitigan lamang kita hangang matapos ka sa pagpapakilala,
Ewan ko nga ba may deperensya na ata ako sa mata,
Di dahil nanglalabo na pero dahil mahal ka narin nila,
Para ngang nakatadhana lamang sila para titigan ka.Di ko namalayan na tumatakbo ang oras,
Ngiti sa aking mukha ay halatang mababakas,
Paano ba naman parang pwede kitang titigan kahit umabot nang bukas,
Pero ako nga talaga'y sobrang malas.Diko namalayan na ako na pala ang tinatawag para magpakilala,
Pero di ko ito alintana dahil ako'y abala pa,
Abala pa sa pagtitig sa iyong mukha,labi at pati mata,
"Mr. Ano ang iyon pangalan" tanong ng guro na parang galit na.Tumayo na ako dahil ako'y nahimasmasan sa kanyang sigaw,
Pero kampana nama'y agad umalingawngaw,
Tumalikod na aming guro at nagpaalam sa amin,
Pero binalewala ko lang at sayo'y tumititig parin.Authors note: ito ay base sa sariling hinanakit ng may-akda
