Ilang daang taong nakalipas,
Tayong mga pilipino'y naka-alpas,
Sa banta ng pananakop ng ibang sandatahang lakas,
Na sumubok sa ating pwersa't halos umubos ng pag-asa para sa bukas.Tayo'y pinaikotikot at niloko ng mga dayuhan,
Noong silang namumuno laganap ang patayan,
Lagi na lamang may paligsahan,
Sa mga pagkain at pati na kapangyarihan.Pero nakalipas na ang pagdudusa noon,
Ang katanungan ano ang ating tatakasan ngayon?
Ano na naman ang aagaw sa ting baton?
Sino na naman ang magkukulong sa atin ng mahabang panahon?Pero sa kalagitnaan ng away,
Gyera't gulong sumusubaybay,
Isang pagiibigang nabuo ng hindi sabay,
Pero nagbunga ng maraming pag-aalay ng buhay.Si Carmela Isabelle, isang dalagitang matigas ang ulo,
Laging sumusaway sa ama dahil sa tigas ng bungo,
Maganda man siya pero kakaiba din ang kanyang dalang astig,
Mga lalaki'y nahuhumaling sa kanya't nais siyang ikulong sa kanilang mga bisig.Sa tigas ng kanyang ulo muntik siyang magahasa,
Pero salamat sa tulong ng isang mabuting binata,
Siyay nakaligtas sa masamang banta,
Na dala ng kapusukan ng kanyang mga kababata.Doon sa nooy hacienda una niyang nakita,
Isang malaking imahe ng kanyang sariling mukha,
Inakala niya ang kwento ng lola carmina ay di totoo,
Yung ang mali niya dahil sa pag-uwi nila lahat ay magbabago.Habang nasa basahan ng mga libro,
Isang matandang nakabelo ang ang umagaw sa taalrawan nito,
Hinabol ni carmela ang matandang ito,
Hangang sa marating isang lugar na puno ng misteryo.Boom! Sa isang tulak siyang napadpad sa malayong panahon,
Kung saan isang misyon,
Na maisulat ang pag-iibigan ng dalawang tao sa ikalawang pagkakataon,
Ngunit nabigo siya dahil gumawa siya ng sariling bersyon.Umibig siya ng tuluyan kang Juanitong maginoo,
Ngunit ang pagmamahal na ito nagbunga ng malakihang gulo,
Wasak na pagkakaibigan at pag-aalsa ng buong bayan,
Ay ilan lamang sa mga problemang kanilang nilampasan.Isang araw habang gyera'y nangyayari,
Carmela nahila sa panahon niyang sarili,
Naging malungkot at puso'y nagpipighati,
Dahil naiwan ang kanyang mahal na siya ring nagdadalamhati.Dumating ang araw na si Carmela'y pumanaw,
Mga kaibigan pumanhik at nagsidalaw,
Iyak at pighati ang umalingawngaw,
Buong maghapon naririnig sa ilalim ng araw.Pero naging masaya ang wakas,
Dahil muling nagkita ang dalawang nagmahalan ng wagas,
Diman nila matandaan sa kanilang isip,
Pero ang kanilang puso hindi nakalimot kahit naidlip.Patunay na ang pagmamahalan ay walang kapantay,
Kung kailan hindi inaasahan doon naman sa puso mo kakaway,
At isang araw magugulat ka nalang na ang yung dating paghanga la'y,
Pagmamahal na palang tunay.@binibiningmia
