Basag na Salamin

33 2 0
                                    

Akala nila masaya ako,

Puno ng galak at saya ang puso,

Pero di nila alam magulo ang mundo ko,

Wag kana pumasok at baka di kana makalabas ng buo.


Wasak na puso ang patuloy na sinisira,

Puot ng damdamin na patuloy lumalala,

Pighati ng sariling patuloy sumasama,

Ako na ba ito? O baka mas mapakla?


Humihingi ng tulong pero di alam kung saan,

Inuusig ng damdaming di alam ang daan,

Gulo sa kanyang mundo iisa ang dahilan,

Mas inuuna ang iba kesa sa sariling kapakanan.


Sinasabi nilang siya'y pake-alamero,

Hinuha ng marami mga kwento'y iniimbemto,

Di nila alam totoo ang lahat ng ito,

Siya'y basag na salamin at wala ng makakabuo nito.

Tulang Mahugot (Slow Updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon