(Inaalay para kang alien_beauty)
Pinairal mo ang puso kaya naging masaya ka,
Pinairal mo ang puso kaya nakilala mo siya,
Pinairal mo ang puso kaya inibig mo siya,
Pinairal mo ang puso kaya naging kayo na.Pinairal mo ang puso kaya nakalimot kana,
Sa nakaraang nasasaktan ka,
Isang nakaraan na dinudurog ka,
Dahil pinairal mo ang puso noon kaya napaiyak ka.Ngayon sana maging matalino kana,
Wag puso ang gamitin kundi utak na,
Ayaw kong masaktan ka,
Sa kamay ng taong pinapairal ang utak para puso mo ang mawasak.
