Isang gabing matahimik tanging sigaw ng kuliglig ang maririnig,
Tila sumasayaw ang dahon sa hangin at kanyang himig.
Masaya na ang lahat pero bakit ka nanlalamig?
Sapat nga ba ako o kulang pa ang tamis ng bibig?
Ito ang gabi na kumawala ka sa yakap kong mahigpit,
Ang gabing lumayo ka sa ating pangarap na noo'y masayang sinasambit,
Ang gabing iniwan moko habang puso'y naninikip,
Ang gabing malaya kana habang ako'y nagkakasakit.
Oo, may karamdaman ako!
Pero pinalaya kita dahil alam Mong ikaw ang mahal ko,
Mas pinili mo yung taong walang nagawa para sayo,
Habang ako'y naghihirap dito sa kama mapasaya lang ang diwa mo.
Tama nga ba aking ginawa?
Na magparaya at palayain ka sa yong nagawa,
Nalilito ako, tinitignan ang sariling imaheng kaawa-awa
Tama ba ito o maling magparaya nalang ako?