Kabanata 1 - Ordinary Girl

6.6K 103 2
                                    



Welcome to TEA! Also known as The Elite Academy. Hindi naman ganun kayayaman ang mga estudyante dito. Medyo medyo lang.

For example yung kaklase ko.. anak nang may ari nang pinakamalaking beer company dito sa pilipinas.. Yung isa, anak nang mayor, yung iba naman anak ng mga CEO nang ibat ibang kompanya. Hindi naman masyado di ba? Haha!

Ang swerte ko no? Kasi nakapasok ako dito. Ay! nag iisip kayo kung mayaman din ako? SYEMPRE naman!

Ang mama ko may ari nang pinaka masarap na bilihan nang ulam dito sa sampaloc! Pinakamasarap dahil isa sa mga ingredients niya ay LOVE.

At ang papa ko naman, nasa langit na siya pero siya ang pinakamahigpit magbigay nang yakap at pinaka matindi magbigay ng pagmamahal samin ni mama! Well sabi ni mama. Bata pa kasi ako nang kunin siya samin ni papa jesus eh.

O diba? Ang yaman namin! Sa PAGMAMAHAL! Haha.

Nakapasok ako sa TEA dahil merong nag sponsor sa akin sa church namin. Sampu kaming bata na naglilingkod nun sa church. Member ako nang choir. Lahat kami binigyan ng chance. Maswerte akong nakapasa sa entrance exam sa TEA. Hindi naman ako ganun katalino. Pero dapat akong mag aral nang maigi!

"ARAY!" Hinawakan ko ang ulo ko. May tumama kasing matigas na bagay.

"MS. PATRICIA MONIQUE CRUZ!" Sigaw nang isang babaeng mataray.

And yup, that's yours truly. I'm patricia monique cruz. But you can call me ponyang.

"YES MADAM?!" Agad akong napabalikwas.

"Tutal natutulog ka na lang naman dito sa klase ko baka alam mo na ang tinatackle kong topic!" Pinandilatan niya ako.

Nahihiya akong ngumiti. Patay!

"Can you please give me the definite meaning of Life?" Hinahampas hampas niya sa palad niya ang paborito niyang pamaypay. Ayan ata yung pinambato sakin ah.

Napalingon ako sa pinaka bruha sa lahat nang bruha dito sa mundong ibabaw. Nung nagsabog ata nang masamang ugali siya lahat ang nakasalo.

Si Dana Marie Buenafe!

Ngiting ngiti ang impaktita! Tuwang tuwa talaga yan pag napapahiya ako eh! Ewan ko kung anong kinakainggit much niya sa akin. Since first year college kasi lage na akong binubully nyan. Kasama ang mga alagad niyang kasing bruha niya.

Show time!

" Life is the ability to grow, change, etc., that separates plants and animals from things like water or rocks. Life is also the period of time when a person is alive.." Tumingin ako sa bruha. "...more explanations madam? It is the quality that distinguishes a vital and functional being from a dead body, a principle or force that is considered to underlie the distinctive quality of animate beings!" bibbo kong paliwanag.

Huminga muna ako sabay ngisi kay dana. Kitang kita ko ang pag simangot nang evil witch! Mamaya mag tantrums nanaman yan! Haha!

BOOM PANES!

Tumingin na ako pabalik sa prof ko na ngayon ay nakanganga na sa akin. "We-well then...Very good Ms. Cruz. You may sit down." Matipid na sagot ni Ms. Salcedo.

"Thank you madam." Nagbubunyi ang loob ko. Kala niyo ah!

Hindi naman ako nagpapa impress or what. Ayoko lang talaga nang minamaliit nila ang kakayahan ko. Alam ko hindi ako mayaman gaya nila. Pero hindi ibig sabihin nun e aapihin na nila ako.

2nd year college na ako ngayon. Nagpapasalamat ako sa mabubuting puso na nagbigay sakin nang pagkakataon para makapag aral dito.

May allowance pa ako at sagot nila ang mga kailangan ko dito sa school. Kaya halos wala nang problema sakin si mama dito.

My First Hate Love (tagalog) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon