Kabanata 16 - Oyes! Realization ng feelings!

2.9K 58 0
                                    

Kabanata 16:

Malakas na tawa ang kumawala mula kay Prince. Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sinabi ni Nathan.

"Come on bro! Don't play with us. Alam naman namin na wala talagang boyfriend tong si Patricia." nakahawak sa tyan na medyo natatawa pang sabi niya.

"I'm serious, she's my--"

"Stop it!" Pagputol ko kay Nathan.

"Bff ano ba talaga?" naguguluhan ng tanong ni Dana. Parehas sila ni Clyde na may expression na nagtataka.

Nagpakawala ako ng hangin. "Okay, Nathan is not really my boyfriend." sumusuko kong sinabi.

"But I do like her, and someday she'll be my girlfriend."

Napatingin ako kay Nathan. Agad siyang ngumiti sakin. Walang bahid ng pagbibiro ang mukha niya. Nung mga sandali na yun gusto kong maniwala sa mga sinabi niya. So it means after all those years gusto niya pa din ako?

"Okay whatever." sabi ni Prince sabay akbay kay KC at bumalik na sila sa iniwan naming table.

Nagulat pa ako sa biglang pagyakap ni Dana sakin.

"I'm sooooo over over oveeeer happy for you bff! Finally magkakaboyfriend ka na!"

"Correct! And now hindi ka na ma-iinggit pag kasama kami." singit ni Clyde na waring natatawa pa.

Nagkilalanan sila Dana, Clyde at Nathan. Nung pabalik na kami sa table eh nagbibiruan pa ang mga ito na kala mo e matagal ng magkakakilala.

Sa buong oras na magkakasama kami e tahimik lang ako. Sa totoo lang sobrang windang pa din ako sa mga nangyari. Hindi ako makapaniwala na nandito na si Tantan, yung kababata ko. At hindi siya galit sakin.

Napatitig ako kay Nathan. Bumalik sakin ang masasayang araw na kasama ko siya.

Tantan? I missed you.

************************************

Nagprisinta si Nathan na ihatid ako. Nagulat ako dahil mukhang alam na alam niya ang daan papunta samen.

Nahalata siguro ni Nathan ang nagtataka kong mukha nang makapagparada na kami sa harap ng chibugan.

"Weird ba na alam ko yung place niyo?" natatawa niyang tanong sakin.

Tahimik akong tumango. Kasi naman ang weird naman talaga.

Kakatakot ah! Ano siya stalker?

"GPS!" Sagot niya sakin.

GPS?

Nginuso niya sakin yung screen na nasa harap namin. Meron itong umiilaw ilaw na red na bilog at nakita ko ang pangalan ng street namin.

"Parang google map lang?" hindi siguradong sabi ko.

Nagulat ako ng bigla niyang kurutin ang ilong ko. At ngumiti siya na parang na a-amaze sakin.

"Ang cute mo talaga Monmon! Grrr!" Nang gigil na sabi niya.

Agad kong tinapik ang kamay niya. "Aray ko naman! Lika na nga." pag aya ko sa kanya.

"Ay hindi na Mon, late na din kasi baka hinahanap na ko ni mommy."

Tumango nalang ako. Sayang kasi sure ako na matutuwa si mami pag nakita siya. I waved him goodbye then pumasok na ako. Nagpaliwanag naman ako kay mami kung bakit ako nalate sa pag uwi. Well pinaalam naman pala talaga ako ng kumag na Prince kaya less discussion na.

My First Hate Love (tagalog) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon