Kabanata 20 - WAKAS

3.6K 70 0
                                    

Kabanata 20:

Kinabukasan, maaga akong pumasok.

Nagbakasaling makikita ko si Prince ng maaga. Para maliwanagan yung text niya sakin kahapon.

Kaso dumating ang lunch break, ang uwian, na wala akong Prince na naaninag!

Nung sumunod na araw, wala pa ding Prince!

Anyare?

Tinanong ko sila Dana at Clyde pero kahit sila hindi nila alam kung nasaan siya.

Tinatadtad ko siya ng text at tinatawagan din pero laging naka patay ang cellphone niya.

Ganun din daw ang ginagawa nila Dana at Clyde. Sinubukan din nilang puntahan ang bahay ni Prince pero wala daw ito doon.

Where the hell are you Prince?

Nakakairita siya! Sabi sabi siya ng ganun sakin tapos bigla bigla nalang siyang mawawala! Ni-ha or ni-ho wala!

Lagi pa ding pumupunta si Nathan sa school pero hindi ko na siya kinakausap at pinapansin. Lagi akong nakatago sa likod ni Dana at Clyde. Kung sa bahay naman ay si Mami ang nagsasabi sa kanya na wala ako or busy ako.

Nagpatuloy ng ganon ang buhay ko.

Hanggang sa umabot na ng isang buwan ng wala pa ring Prince. :(

Nawala na din ang pag asa ng puso ko na makikita ko pa siya.

Siguro eh may naiwang girlfriend yun sa ibang bansa? bigla kong naisip habang naglalakad ako papasok sa eskwelahan.

Oh kaya biglang nakabuntis kaya nagtatago! kontra pa ng kabiglang side ng isip ko.

Ewan! Nababaliw na ako kakaisip!

Araw araw kong binabasa yung huling text niya sakin.

Kase nagseselos siya :(

Napabuga ako ng hangin.

Ewan ko talaga sayo Prince! I hate you! Hindi kita mapapatawad!

Para akong naghihintay ng masasakyang jeep sa lrt station! Tsehe!

Pero aminin! Miss mo siya! epal bigla ng isip ko.

Oo naman. Siyempre namimiss ko siya. Isang buwan ko na siyang hindi nakikita e. Haay.

Nang makarating ako sa eskwelahan agad kong tinungo ang classroom ko. Bagsak ang balikat na naupo ako sa upuan ko.

Nagulat ako ng pagtingala ko may sticky note sa likod ng harap kong upuan.

Napalinga linga ko at dun ko napagtanto na nag iisa pala ako!

Dahil siguro sa dami ng iniisip ko kaya hindi ko namalayan na wala pa pala akong kasama.

Tinignan ko ang relo ko. 5 minutes bago magstart ang klase.

I shrug.

Bahala sila basta ako on time! :)

Napabalik ang tingin ko sa sticky note. Nang tignan ko ito ng mabuti ay may pangalan ko ito!

Nanlaki ang mata ko at agad ko itong kinuha. Ito ang nakasulat:

Oy Patricia!

Still remember the first time we met? Go there!

-P

P? Prince? Nagliwanag ang mukha ko. Could it be him? Well di ko malalaman kung di ko pupuntahan.

Pero teka? Bat ako pupunta? Bahala siya! Nakakainis talaga siya eh! Bigla biglang nawawala!

My First Hate Love (tagalog) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon