Kabanata 18 - Nathan

3K 45 0
                                    

Kabanata 18:

Ponyang's POV:

"Aray! Nathan you're hurting me. Let go!" nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya sakin.

Parang napaso na bumitaw siya. "I-I'm sorry Mon. I don't mean to hurt you."

Mataman ko siyang tinitigan. Bakas sa mukha niya ang paghingi ng tawad. Nagpakawala ako ng hangin. Tinignan ko ang braso ko na may bakat ng higpit ng hawak niya.

Hindi ko kasi alam bakit bigla bigla siyang sumulpot kanina sa harap ko. Kinuha yung picture na hawak ko sabay hila sakin palayo. Tinatawag ko pa naman si Prince ng mga oras na yun. Itatanong ko sana kung anong ginagawa niya at kung kailangan niya ng tulong.

Nagulat ako ng biglang kunin ni Nathan ang kamay ko. "Let me see that."

Hinimas himas niya yung bakat sa braso ko. Maya maya lang ay tumitig siya sa mga mata ko.

"I'm so sorry Mon. Please forgive me." paghingi nanaman niya ng sorry.

Naramdaman ko ang lambot ng mga labi niya sa kamay ko. Hinalikan na pala niya ito.

Hindi! Masakit yung ginawa niya! Wag mong patatawarin Patricia ah! Halik lang yan! Maktol ng isip ko.

"You can't forgive me?" pumungay ang mga mata niya.

Nagulat ako ng dahan dahan na siyang lumuluhod sa harap ko!

"Oy! Nathan! Tumayo ka nga!" sigaw ko.

Buti nalang eh agad ko siyang napigilan. Dun ko napansin na medyo nakakapukaw na pala kami ng atensyon.

"Sorry na kasi Mon. Plith plith sorry na."

Ayan na! Nagpapacute na siya! Weakness ko pa naman tong mga pagpapacute na ganito! Tapos nuknukan pa ng gwapo tong lalaking to. My goood!

Nagpakawala ako ng hangin. "Hay, oo na sige na. Sige na po. Pinapatawad na kita."

"Yey! Tara gala tayo!" masayang sigaw niya.

Nakangiti akong napailing. "Let's go."

Sumakay na kami sa kotse niya at umalis. Balak naming mag food trip. Sana sa ice cream parlor nalang.

"Tara nalang sa ice cream parlor na malapit lang dito. Madalas kami nila Prince dun dati e." masaya kong suggestion.

Biglang dumilim ang mukha niya. "Ay ayaw mo dun? Sige mag skating kaya tayo di ako marunong nun e. Hehe ikaw marunong ba?" pag iiba ko ng topic.

Agad siyang ngumiti. "Oo naman. Sige tuturuan kita. Alam mo ba saan dito yun?"

Kinuha ko yung phone ko. "Ay! Nakalimutan ko na e. Teka tawagan ko si Prince tatanong ko." wala sa loob kong sabi.

Nagulat ako ng biglang itabi ni Nathan ang sasakyan.

"What the fuck is wrong with you? Puro ka nalang Prince! Ako ang kasama mo! Diba ako nanliligaw sayo? Gusto mo ba siya? Ayoko ng niloloko ako Patricia! Sabihin mo GUSTO MO BA SIYA!" galit na galit niyang sigaw sakin.

Gulat na gulat ako. Hind ganito ang Nathan na kilala ko. Yung batang Nathan na nakilala ko dati. Lagi siyang masaya. Laging nakangiti. He's a gentle and caring boy. Kahit na minsan e pasaway siya. Paano siya naging ganito?

Nagulat ako sa mga luhang bigla nalang bumagsak sa pisnge ko. Dala na din ng sobrang takot kaya napaiyak ako. Pinakiramdaman ko ang dibdib ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Ano? IIYAKAN MO KO? Sabihin mo! Ayaw mo ba sakin?" sigaw niya sakin.

Hinawakan niya ang dalawang balikat ko. Sorang higpit nun. At feeling ko magkakapasa ako.

Nanlalaki ang mga mata niya. Sobrang galit siya. Hindi ko na siya makilala. Parang isa siyang masamang tao sa paningin ko.

Kahit hinang hina ako. Pilit ko siyang tinulak. Binuksan ko ang pinto at dali dali akong tumakbo palayo.

Sakto namang may maliit na eskinita akong nakita doon. Nagtago ako sa isang bukas na pinto. Agad ko itong sinara.

Sobrang kaba ang nararamdaman ko. Iyak lang ako ng iyak. Mariin akong napapikit. Agad na pumasok sa isip ko si Prince.

Prince help me! sigaw ng isip ko.

Tinignan ko ang cellphone ko. Nang aktong tatawagan ko na si Prince narinig ko ang boses ni Nathan.

"Excuse me miss may nakita ba kayong babae na dumaan dito na tumatakbo?" tanong niya.

Nang pagmasdan ko ang lugar. Nasa loob pala ako ng isang maliit na tindahan. May isang batang babae na nakatingin sa akin. At isang tingin ko ay ate niya na kausap ngayon ni Nathan.

Sandali akong nilingon nung ate. Umiling iling ako sa kanya. Waring nakikiusap na huwag niyang sabihin na nandito ako. Naintindihan naman niya ang pakiusap ko. Mabilis siyang tumango sakin.

"Ay kuya, wala po e. Baka po sa kabilang eskinita siya dumaan. Doon nalang po kayo magtanong. Kanina pa po ako andito pero wala naman akong napansin." natural niyang sabi.

"Sige salamat."

Agad na umalis si Nathan at hindi na pinasok pa ang eskinita. Agad akong nakahinga ng maluwag. Tinignan ko nung sumakay na si Nathan sa sasakyan niya.

Salamat sa diyos

Nagpasalamat ako sa kanila at binigyan ako ng tubig ng dalagita. Sinubukan kong tawagan si Dana at Clyde pero parehong hindi nila sinasagot. Baka nagde-date ang dalawa. Sinubukan kong tawagan si Prince.

Answer my call please

"Hello, Patricia?"

Nang marinig ko ang boses ni Prince napaupo ako dahil sa panghihina ng tuhod ko. Tumulo nanaman ang luha ko.

"P-prince h-help." Medyo napapaos kong sabi.

*******************

My First Hate Love (tagalog) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon