Kabanata 6 - My Crush </3

3.2K 68 0
                                    

Kabanata 6:

He's a jerk! Kaya wala akong dapat pagsisihan sa ginawa ko kahapon. Siya ang unang nangtrip sa akin. Gumanti lang ako!

Kakatapos lang ng trigo class ko. Pero nakaupo lang ako dito sa room. Lunch break na pero hindi ako kumakain.

Kase naman wala akong baon na kanin at ulam. Si mami kasi nag over night kayla tita sa laguna. So sarado ang chibugan. Pero may budget naman ako dito. Makabili nalang sa canteen ng kahit sandwich lang.

Nag aayos ako ng gamit ko para bumaba na ng bigla nalang sumulpot sa harap ko si Clyde.

"Hi Ponyang!" Nakangiti niyang bungad.

"Oh Clyde" tipid kong sagot.

"Tara kain na tayo!" Aya niya sa akin. Tumayo na ako.

Muntik na akong pumayag ng bigla kong maalala ang sinabi ni Dana.

"He doesn't like you Cruz."

Mabaet lang talaga si Clyde. Nuknukan kasi niya ng baet eh. Kaya tuloy nabibigyan ko ng ibang ibig sabihin. Bawal ka magkagusto sa kanya Ponyang.

"Sorry wala akong baon e. Hindi kita masasabayan kumain." naglakad na ako palabas ng room. Nakasunod lang si Clyde sa akin.

"Sakto wala din akong baon e. Tara sabay tayo sa canteen." Nakabuntot lang siya sa akin. Kahit na ang bilis ko na maglakad.

Nakakakuha na kami ng atensyon. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na maraming nagkakagusto kay Clyde. Maraming mapanghusgang mata ang nakatingin sa akin ng matalim. Huminto ako sa paglalakad at hinarap ko siya.

"Ano let's go?" Hindi pa din nawawala ang ngiti niya.

Darn he's so cute! Huwag kang magpadala sa kacutan niya Ponyang!

Napalunok ako. "Sorry Clyde. Pero I prefer to be alone." Pilit akong ngumiti.

Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at tinalikuran ko na siya. Hindi ko na naramdaman ang pagsunod niya.

Ouch! It hurts.

Hinawakan ko ang tapat ng dibdib ko at mariin akong napapikit.

---

Crush lang naman tong nararamdaman ko para sa kanya. Kaya wala kang dapat ikalungkot diyan Ponyang. Napabuntong hininga ako.

Nandito ako ngayon sa canteen. Kumakain mag isa.

"It's just you and me." Tinignan ko ang sandwich na hawak ko sabay kagat ng malaki.

"I hope masaya ka na." Umupo si Prince sa harap kong upuan.

Sira na nga araw ko lalo pang masisira!

Inisnob ko siya. "Wala ako sa mood Prince. Please."

"Eh ako tingin mo nasa mood? Tignan mo tong mukha ko!" Dun ko lang napansin na meron pala siyang band aid sa ilong.

Haha bagay sa kanya!

Napangiti ako.

"So tingin mo nakakatawa to?" Tinuro niya pa yung band aid. Napabungisngis na ako.

Naalala ko kasi kung gano kakapal yung dalawang librong binagsak ko sa mukha niya.

"Ah ganun? Talagang nakakatawa to para sayo ah? Hindi mo ba alam kung magkano tong mukhang binagsakan mo ng libro?" Napalakas pa lalo ang pagtawa ko.

"Walang walang panama sa akin si Piolo Pascual at Brad Pitt kaya nuknukan ng mahal tong mukha ko. This face worth's a million dollar!" Napapangiti na din siya sa mga kalokohang sinasabi niya.

My First Hate Love (tagalog) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon